Chapter 7

67 9 2
                                    

Chapter 7: Moonlight


"Aish, nakakainis! Sinabi ko na nga ba mabubuking kami!" Atungal ni Saliya habang naglalakad kami palabas ng Adamia.

"Sira! Eh napakapangit mo naman kasing umarte! Kahit ako ay nahalatang nagpapanggap ka lang!"

"Sa bagay... Kung si Lazaro siguro ang nakapareha ko hindi ko na kailangan pang magpanggap dahil totoo naman na may nararamdaman ako para sa kanya, edi sana pumasa kami! " kinikilig niyang sambit.

"Lagi mong bukambibig ang Lazarong iyan, sa tingin ko naman wala kang pag-asa don." tamad na sagot ko.

"Ang sakit mo naman magsalita! Ang yabang mo porket muntik ka nang halikan ni Apolo!" Sigaw niya na ikinalaki ng mata ko.

Nakakainis! Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"Binibini maari ko bang malaman ang iyong ngalan.." saad ni Apollo sa malambing na tono habang diretsong nakatingin sa aking mata.

Pumungay pa lalo ang kanyang matang nakatitig sa akin. "Sa tingin ko ikaw ang pinakamagandang babae na aking nakilala" aniya at biglang ngumiti ng napakatamis.

Hindi ako nakaimik, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti, mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti.

Pumikit ako ng mariin ng narealize ko ang mga pinag-iisip ko! Hindi! Hindi pwede suplado yan! Masama ang ugali!

Pagdilat ko ng mata ay nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko.

" Maari ba kitang halikan binibini..." dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Dahan dahan ko na lang ipinikit ang aking mata kasabay ng sa kanya.

Parang slow-mo ang mga nangyayari at parang kami lang dalawa ang nasa loob ng silid..

"TIGIL!" sigaw ni propesor na dahilan upang mapalingon kami sa kanya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko, parang may parteng nanghihinayang ako na hindi natuloy ang paghalik sakin ni Apolo.

*CLAP! CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!*

"Magaling! Nagawa niyong gumawa ng isang perpektong gayuma! Kitang kita ko sa mata ni Apolo ang pagnanasa. Dahil diyan ay bibigyan ko kayo ng perpektong grado!"

Nagpalakpakan ang lahat ng nasa silid. Ang iba pa'y humihiyaw at sumisipol.

Bumalik sa upuan si Apolo na sa tingin ko ay bumalik na sa dati, masungit na ulit ang mukha.

Bumalik na rin ako sa aking upuan.

Nakapagtataka lang, paanong gumana ang gayumang iyon kung kulang iyon ng isang sangkap.

Hayaan na, atlis nalagpasan namin.

"Marikit at Lazaro maari na kayong magtungo dito sa unahan" saad ni Propesor na nagpatigil sa aking pag-iisip.

Pinagmasdan ko ang dalawa na nagtungo sa unahan

Maganda nga ang Marikit na ito, mahaba at tuwid na buhok, at kulay brown na mga mata.

Ang Lazaro namang ito na bukambibig ni Saliya ay may itsura din. Palangiti at mukhang palakaibigan. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babae ang nagkakagusto daw sa kanya.

Moonlight GoddessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang