"But you just had to surprise us and turn yourself in.. sumusuko na ba ang maalamat na halimaw na walang-awang pumapatay ng mga mortal? I never knew stone hearted monsters can give up that easily. You disappointment me, Medusa."

Agad na lumayo si Ares nang kamuntikan na siyang tuklawin ng isa nitong ahas.

She glared at him with a smirk on her red lips. "'Stone-hearted monster', huh? Are you referring to yourself? Baka napagkamalan mo lang akong salamin. The last time I checked, wala nang tatalo pa sa kasamaan mo."

Umalingawngaw sa katahimikan ng throne room ang pagtama ng kamao ni Ares sa pisngi ng dalaga. Medusa fell to her knees and cursed when she felt the throbbing pain. Gustuhin man niyang gawing bato ang diyos na 'to, her powers are being restrained by these stupid golden chains.

Kumawala naman ang malalim na pagtawa mula sa diyos ng digmaan.

"Ganyan nga... Lumuhod ka sa panibago mong hari, halimaw. Hindi magtatagal, mawawalan ka na rin ng silbi sa'kin. I've sent a request for Athena to show herself and accept my proposal. Hindi na ako matatanggihan pa ng diyosang 'yon ngayong papatayin na sa harapan ng publiko ang dati niyang priestess."

A king does needs a queen, doesn't he?

Matagal nang nagmamatigas ang kanyang kapatid sa ilang beses na niyang pag-aalok ng kasal dito. That goddess of wisdom was as stubborn as she was smart.

But he's smarter, of course.

Akala ba niya hindi mahahalata ni Ares ang kamalian sa mga ibinibigay na mga "payo" ni Athena kay Zeus? First, she advised him to spare Medusa's life and locked her inside Hades' dungeons without any guards. Iyon ang rason kung bakit madaling nakakawala si Medusa noon. Then, Athena persuaded Zeus to give Medusa a deadline to surrender herself.

It was as clear as daylight that Athena was still protecting this monster, but of course, the old man never saw that.

'Ngayon tingnan natin kung may magagawa ka pa para mailigtas siya sa kapahamakan, Athena.'

Meanwhile, the moment Ares took his eyes off her, pasimpleng sinulyapan ni Medusa ang walang malay na si Zeus. Nakaposas pa rin ito. She silently let one of her babies slither towards him without being noticed by Ares. Wala naman talaga siyang pakialam sa mga nangyayari rito sa Olympus, pero mas gugustuhin na niyang si Zeus ang mamuno kaysa kay Ares.

'Damn! I just hope this will work,' isip-isip ni Medusa at pinanood sa gilid ng kanyang mga mata ang pagtuklaw ng maliit na ahas sa talampakan ni Zeus.

Ilang sandali pa, unti-unti nang nagising ang diyos ng langit.

Huminga nang malalim si Medusa at tinitigan ang mga kadenang nakalingkis pa rin sa kanya. Now, if she can only find a way to get out of these irritating chains before they ruin her manicure...

"LADY MEDUSA!"

Nabulabog ang lahat nang biglang sumigaw mula sa bukana ng silid ang isang mortal.

Mahinang napamura si Ares nang makita niya ito. Naalerto naman sina Hestia at Hermes sa biglaan nitong pagsulpot.

'Rein?'

Although she was happy to see him again, hindi maipagkaila ni Medusa ang nararamdamang inis para sa binata. Ano bang ginagagawa niya? Mapapahamak lang siya! Can't he understand that she left him to keep them safe? "Stupid mortal," she grumbled under her breath but felt herself smiling.

Hinihingal pa ito nang magtama ang kanilang mga mata. Pero bago pa man siya makatakbo papalapit sa kanya, Ares slowly clapped his hands in a mocking manner. Dumilim ang ekspresyon nito at walang-ganang nagsalita.

✔Sold to MedusaDär berättelser lever. Upptäck nu