55

7.4K 213 5
                                    


CAROLINE was at the supermarket the next day. Namimili ng mga kakailanganin sa condo at sa bahay sa Silang para sa lola niya. Sa makalawa ay kailangan niyang magtungo sa Silang upang dalawin ang lola niya. Maybe she'd find solace in her grandmother's arms.

She bit her lips to keep from crying. Itinulak niya ang cart at tinungo ang linya ng mga de lata. Gusto ng lola niya ng Palm corned beef. Hindi maalis-alis sa isip niya ang namagitang usapan nila kahapon ni Hannah pagkaalis ni Shane.

"You are so young, Hannah. Malaki ang katandaan ni Shane sa iyo."

"He is twenty-nine," sagot nito sa tonong puno ng rebelyon. "Eleven years ang tanda ni Shane sa akin. Si Daddy ay labinlimang taon ang tanda sa iyo!"

"Your father loved me—"

"At walang pag-ibig sa akin si Shane? Iyon ang gusto mong sabihin?"

She groaned. "Oh, Hannah, please. Don't you think Shane is doing this on a rebound?"

"No, Caroline. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. And what is it with you? You don't want Shane. Pero ayaw mo rin siyang mahalin ako?"

"Hindi sa ganoon, Hannah. Ikaw ang inaalala ko. Napakabata mo pa para—"

"I can take care of myself, Caroline."

"And what about Erick? Are you planning to tell him the truth?"

"Ano ba talaga ang prolema mo, Caroline? Are you still in love with Shane and you are jealous? O natatakot kang malaman ni Shane na anak niya si Erick? Na posibleng mawala sa iyo ang anak mo sa sandaling makasal kami?"

Shocked, she stared at her stepdaughter. She had never known Hannah to be this bitchy. Ito ba ang resulta ng pagtinging iniuukol ni Hannah kay Shane? Like her, was Shane Hannah's first love, too?

Hilam sa luha ang mga mata niya at hindi na napansing nakadagil siya. "Oh, I'm sorry! Nasaktan ka ba?" Mabilis niyang pinahid ng tissue paper ang mga mata at sinipat ang nadagil ng cart niya.

"Honey, what happened?" wika ng kasamang lalaki nito. "Tinamaan ka ba ng cart?" Umiling ang babae. "Hindi naman ako nasaktan. Napigil ng kamay ko ang pagbangga sa akin ng cart."

Si Caroline ay nakatitig sa lalaking kasama nito. "Mike?"

"Caroline?"

"Magkakilala kayo?"

Inakbayan ni Mike ang babae. "This is my wife, Lindy, Caroline. Honey, si Caroline. Isang... kaibigan."

Inilahad ng babae ang kamay sa kanya. "I'm pleased to meet you."

Atubiling tinanggap niya ang kamay ng babae. She wasn't pleased to meet them. But she could hardly voice that out. Friendly ang babae. Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito. She was obviously very much pregnant.

"May coffee shop sa labas nitong grocery, Caroline. Maaari ba kitang maimbitahan doon?" Akma siyang iiling subalit sinusugan ni Mike ang sinabi. "Please."halos wala pa namang laman ang grocery cart nilang pareho ay lumabas na sila at tinungo ang coffee shop. Sa pagitan ng pag-inom ng kape ay may ipinagtapat si Mike sa kanya. Ang ipinagtapat din nito kay Shane limang taon nang mahigit ang nakalipas.

"I'm sorry, Caroline. I know sorry isn't enough. Pero noong panahong iyon ay sobrang obsessed ako kay Chanelle..."

"And you are telling me this in front of your wife?" she said angrily.

"Sinabi na sa akin ni Mike ang bagay na iyan, Caroline. Bago pa man kami nagpakasal. He wanted to come clean."

"Sinira niya ang buhay namin ni Shane..."

"Gusto ko ring ihingi ng tawad sa iyo ang ginawa ni Mike." Puno ng sinseridad ang tinig nito at inabot ang kamay ni Mike ay pinisil iyon.

Tumayo siya. "Hindi ko alam kung kaya kong magpatawad, Mike. Marahil sa takdang panahon. Pero hindi ngayon. At sana'y habang-panahon kang usigin ng budhi mo sa ginawa mo.

"In my vocabulary, you were not obsessed. You were... are a maniac and sick in the head. Ipinagpalit mo ang pagkakaibigan ninyo ni Shane dahil sa tawag ng laman." Niyuko niya ang asawa nito. "I'm sorry for you."

Lumakad si Caroline pabalik sa grocery sa kabila ng lahat. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. At sama ng loob. Sana'y natuklasan niya ang ginawa nito bago sila nagkitang muli ni Shane. Binayaran ni Mike si Nemia ng kaunting halaga upang ilagay sa lugaw niya ang pampatulog na ibinigay ni Mike sa kasambahay nila. Kung nasa poder pa ng mga kaibigan niya si Nemia ay malamang na makakatikim ito sa kanya. Subalit matagal nang wala si Nemia.

And Mike took pictures of her and Jessie. Sa university canteen. Had it photoshopped. 

Pinagmukhang magkadikit sila ni Jessie. Sinamantala ni Mike na nagseselos na si Shane kay Jessie at ipinakita nito ang litrato kay Shane.

Lahat ng iyon ay dahil ipinangako ni Chanelle na sasagutin nito si Mike at magiging girlfriend. Hindi lang iyon, Chanelle offered her body to Mike two days before Mike bribed Nemia. And Chanelle promised more. Subalit nang magkagalit sila ni Shane ay hindi na tinupad ni Chanelle ang pangako kay Mike.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang