9

8.4K 224 6
                                    


NGUMISI si Shane. "Relax. I said perhaps when... when we—"

"Narinig kita the first time!" putol muli ni Caroline sa sinasabi nito. "Hindi mo kailangang ulitin. And FYI, the right word is IF. And you won't get the chance!" Nanggigigil siyang hindi mawari.

"Sshh. Bawal nagsasalita nang patapos," he said grinning irritatingly. "Ikaw naman, bakit hindi mo ako type?"

She made a face and rolled her eyes. "You are too thin. Mas type ko sa mga lalaki ay iyong may laman at muscles..."

"Tingin mo sa akin payat ako?" He pretended a wounded look. "At na wala akong muscles?" Itinaas nito ang braso at hinipo.

"O, hindi ba?" Sinulyapan niya sandali ang katawan nito bago ibinalik sa bintana ng taxi sa gilid niya.

"May daga-dagaan naman ako, ah," anito pagkatapos hipuin ang punong-braso.

"Daga-dagaan daw. Pero tama ka..." Tumango-tango siya sa nakakalokong paraan. "Dagang dingding."

"Oh, well..." Shane conceded with a grin. "Siguro nga medyo payat ako pero may muscles namang kaunti. You see, genes namin iyon, eh. Ang father ko ay medyo lanky rin noong kabataan niya. You should see the family album. Parang ako si Papa. Mas guwapo nga lang ako."

She gave him a saccharine smile. "Hindi ka mayabang. Sobrang type ko iyan sa isang lalaki."

Ngumisi ito. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Kahit ikaw, sige, sabihin mo sa aking hindi ako guwapo."

"Okay. Guwapo ka. Hindi pa rin kita type dahil payatot ka."

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Shane. Pakiramdam niya ay dumadagundong mula sa dibdib nito iyon. Ibinaling niyang muli ang tingin sa daan. She wondered why they had this kind of conversation. Na para bang kay tagal na nilang magkakilala at magkaibigan. Nagtataka rin siya sa sarili kung bakit nagaganyak siya nito sa ganoong usapan.

Wala siyang natatandaang nakipag-usap siya nang ganito sa mga bagong kakilalang lalaki. Pero hindi naman ito bastos. May kapreskuhan lang nang kaunti. Sa isang endearing na paraan.

Dahil hindi naman gaanong ma-traffic ay agad silang nakarating sa apartment. Napangiti siya nang makitang nasa ibaba ng apartment si Raquel at tinutulungan si Nemia na magluto ng hapunan nila.

Si Nemia ay ang kanilang kasambahay na rekomendado ng may-ari ng compound. Share din silang tatlo sa suweldo nito na hindi naman kataasan. Naroon din si Lovelle na nakaupo sa mahabang sofa at nagpe-pedicure. Too sexy in her short shorts.

"Magaling ka na? Baka naman mabinat ka niyan?" aniya kay Raquel na bumungad sa entrada ng kusina.

Parehong kay Shane nakatuon ang mga mata ng mga kaibigan niya. "Hindi nagtuloy ang inaakala nating trangkaso. May kasama ka?"

"Obviously," ani Lovelle na umikot ang mga mata. "Hi. Pasok ka," anito kay Shane.

"Ay, siyanga pala, girls... si Shane. Shane si Raquel at si Lovelle, mga kaibigan ko. And housemates."

Lumakad si Shane papasok at inilahad ang kamay kay Raquel. "Pleased to meet you, Raquel." At pagkatapos kay Lovelle na nakangising tinanggap ng huli ang kamay nito. "Pareho kayong mga taga-UE?"

"Graduate na ako. Last sem," ani Lovelle, hindi naalis sa mga labi ang isang nanunudyong ngiti para kay Caroline. "Nagtatrabaho na ako sa call center."

"Pero paano kayo nagkakilala?" tanong ni Raquel.

Nagkatinginan sina Shane at Caroline. "Nagkasabay kami sa LRT. Mamaya ko na ikukuwento sa inyo," aniya.

"Dito ka na kumain, Shane. Nakaluto na si Nemia. Sobra naman sa amin iyon. Iyon ay kung mapagtitiyagaan mo ang ulam namin."

"Ano'ng ulam natin?" pabulong at nahihiya niyang tanong sa kaibigan. Although may hinala na siya dahil umaalingasaw ang amoy niyon sa buong apartment.

Malapad na ngumiti si Raquel. Sadyang nilakasan ang tinig nang sumagot. "Ano ba sa palagay mo ang kaya kong lutuin sa budget natin? Di sardinas na may miswa. Tatlong latang sardinas iyon kaya kasyang-kasya sa ating lahat. Eh, may pritong daing na GG pang natira kanina." Napangiwi nang lihim si Caroline.

"Wow. Paborito kong pareho," ani Shane.

Caroline rolled her eyes. "So patronizing..." paungol at sarkastiko niyang sabi, sabay siko sa sikmura nito. Tumawa lang si Shane.

Habang kumakain sila ay sina Raquel, Lovelle, at Shane ang gumagawa ng mapag-uusapan. Nanatili siyang tahimik at lihim na pinagmamasdan ang binata. At manaka-nakang nagkakasalubong ang mga mata nila dahil hindi rin inaalis ni Shane ang mga mata sa kanya.

Napansin ni Caroline na agad nakuha ni Shane ang loob ng mga kaibigan. Mahirap ma-impress ang mga ito, lalo na si Raquel. But he was so charming that in no time at all he had her friends laughing at his jokes.

Pagkakain ay itinaboy na sila ni Raquel sa munting sala ng apartment. Si Lovelle ay pumanhik naman sa itaas. Kalahating oras pa silang nag-usap ni Shane bago ito nagpaalam.

Agad siyang hinila ni Raquel pagkalabas ni Shane ng apartment.

"Hindi ako maka-recover, Caroline," anito na malapad ang ngiti. "Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-entertain ka ng lalaki! Ano na ang nangyari doon sa 'pagka-graduate ko, doon pa lang ako tatanggap ng seryosong manliligaw'?"

She made a face. "Hindi naman nanliligaw iyong tao."

"Hindi pa..."

Tinungo niya ang hagdan na siyang nakapagitan sa sala at kusina. Pumanhik siya habang kasunod si Raquel. Si Lovelle ay nasa bungad ng pinto ng silid ng dalawa. Nakahalukipkip at nakangiti.

"Ang ating bunso ay may nakilalang lalaki," anito. Naka-plaster na sa mga labi ang ngisi. "Pray tell how you two met?"

"At guwapo, ha," susog ni Raquel.

"Guwapo nga. Pero tingnan mo nga at mukhang malnourished. Kaya siguro enjoy sa food natin kahit sardinas na may miswa ay dahil walang makain sa kanila..." She knew she was exaggerating. Pero kailangang may isagot siya sa mga panunukso ng mga kaibigan.

"OA ka, ha." Sinundan siya ni Raquel hanggang sa silid niya, sumunod din si Lovelle. "Paano kayo nagkakilala?"

Ibinaba niya sa study table ang bag. Isinara ang jalousies sa bintana na nakatanaw sa kalye at nagsimulang maghubad ng damit. Ikinuwento niya sa mga kaibigan kung paano sila nagkakilala ni Shane.

"How romantic!" bulalas ni Lovelle.

"Blessing in disguise sa iyo ang pagkakasakit ko, ha. Nakilala mo si pogi. And mind you, ni ayaw matanggal sa iyo ang mga mata niya kahit kami ang kausap. Laging sa iyo nakatitig."

"Ohhh... I'm so kilig," ani Lovelle, sabay hagikgik.

"Tse! Magtigil nga kayo. Hindi ko siya type. Alam n'yo namang mas gusto ko iyong macho..."

"Huss. 'Di raw type," ani Raquel na umirap. "Kung 'di mo type si Shane, hindi mo siya dadalhin dito. Eh, ang dami na kayang nag-alok sa iyong ihatid ka pero 'di mo naman pinapansin."

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib..." paghimig ni Lovelle sa isang lumang kanta at saka sinabayan ng tawa at iwas nang batuhin ito ni Caroline ng hinubad na blouse. Tuluyan na itong lumabas ng silid niya habang humahalakhak.

Tinitigan siya ni Raquel nang ilatag niya ang katawan sa kama nang naka-bra at panty lang. Nakatitig siya sa kisame. Iniisip kung type nga ba niya o hindi si Shane.

"Masama ang kutob ko. Tinamaan ka ni kupido. Tsuk na tsuk. Finally."

Hindi siya kumibo at sa halip ay dumapa sa kama at niyakap ang unan.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon