37

6.9K 240 17
                                    


LUMAPIT siya rito. Itinaas nito ang mukha niya patingala. "Kung sasabihin mo sa aking sa sahig ako mahihiga ay gagawin ko..."

"Why would you do that?" she said simply. "Kasya naman tayo sa kama."

"Oh, baby..." Niyakap siya nito. Nagpatianod siya. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa katawan ko? Can you feel me now?"

She could feel his huge sex on her stomach. Hindi niya matiyak kung ano ang dapat maramdaman. She adored Matt. Maraming dahilan upang tuluyang mahulog ang loob niya rito. 

She loved him already. But not the kind of love she had for Shane. And yet somehow, naroon ang hindi maipaliwanag na damdamin na gumuhit sa pagkatao niya.

"Maaari bang makadama ng sexual attraction kahit na wala roon ang pag-ibig?" she asked herself. At siya na rin ang sumagot, "That's really a stupid question, Caroline. Many couple do sex all the time, even in the absence love."

At ang hindi lang maa-attract kay Matt sexually ay iyon lamang mga walang pakiramdam at bulag. Bagaman hindi niya makapa sa dibdib ang damdaming pinukaw ni Shane sa kanya noong nasa tree house sila.

Matt raised her face, bent his head and kissed her. She wanted to detest him. Not wanting to ruin the memory she had with Shane. Pero wala siyang mahagilap na ganoong damdamin sa dibdib. Sa halip ay ipinikit niya ang mga mata at nagpaubaya.

Hesitantly, she kissed him back and wrapped her arms around him. She only had one man to compare with—Shane.

And she instantly knew Matt was also a good kisser. May ginigising itong pilit sa damdamin niya. Damdaming hindi niya gustong maramdaman subalit naroroon at gustong mangibabaw. Litong-lito ang puso at isip niya sa nangyayari sa kanya.

Kapagkuwa'y pinakawalan siya ni Matt. He was gasping for breath. Tulad din niya. Nakayuko ito sa kanya at hinahagod ng mga mata ang buong mukha niya.

"I love you, Caroline, and I want you. You can't even know how much..." Nasa mga mata nito ang masidhing pagnanasa.

"Narito ako, Matt. Hindi ko ipagkakait sa iyo ang magiging karapatan mo," she said, albeit hesitantly.

Tumango ito. Unti-unting sinisikap ni Matt na patayin ang baga ng pagnanasa sa katawan. Pinakawalan siya nito. "Go to bed, Caro..."

She frowned. "W-why?"

He smiled. It didn't even reach his eyes. "You will be mine on our first night. I want to give you that. Kasal na gusto mo... unang gabi na gusto kong mananatili sa alaala mo habang tayo'y nabubuhay. Na kahit paano ay mabubura ko ang ano mang alaala. At hindi ko magagawa iyan dito sa silid mo na ang kabilang silid ay sa lola mo na ang pagitan ay isang manipis na plywood..."

"Pero hindi ko na maibibigay sa iyo ang unang—"

"It doesn't matter. Ang mahalaga ay akin ka sa sandaling makasal tayo." Hinubad nito ang sport shirt at inilagay sa sandalan ng silya. At pagkatapos ay isinuot ang kamiseta ng lolo niya. Nang hubarin nito ang pantalong maong ay umiwas siya ng tingin at tinungo ang kama at nahiga sa bahagi niya.

Mayamaya pa ay lumundo ang kama sa kabilang side. Nahiga ito at kinabig siya. Iniunan ang ulo niya sa braso nito. He kissed the back of her head. "Goodnight, sweetheart..."

"Matt..."

"Sshh. I just want to hold you like this."

"Gusto ko lang sabihin sa iyong amoy-naptalina ka." She smiled.

Mula sa likuran niya ay bumunghalit ng tawa si Matt.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now