44

7.2K 228 9
                                    


"BUKAS na ang lipad natin patungong, Coron, honey," ani Matt kay Caroline na nasa kabilang linya. "Wala ka na bang nalilimutan?"

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang magpakita si Shane kay Caroline. Alam niyang muling nanariwa ang sakit at pait na naramdaman nito. Higit kaysa sa dati dahil sa paghingi ng tawad ni Shane.

Subalit si Caroline mismo ang nagsisikap na maka-recover. Ito ang nagyayang manood sila ng Cinderella sa CCP. Anne Ramos, her friend who worked in CCP had invited her. Pinanood din nila ang mga bagong palabas sa sine, karamihan ay action movies na paborito ni Caroline ang mga bida. They went shopping until they dropped.

Minsan ay nagtutungo sila sa disco bar kasama si Raquel at Lovelle. Sumasayaw ito sa mabibilis na tugtugin subalit hindi niya mapahinuhod si Caroline na sumayaw ng slow drag. He could guess why. Nasasaktan man siya ay nagpapaubaya siya.

Sinamahan niya ito sa Divisoria dahil doon nito gustong mamili ng mga giveaway para sa iilang imbitado sa kasal nila. Kahit sinasabi niyang marami rin ng mga iyon sa malls.

"Kuripot tayo... gusto nating makatipid," nakangiting sabi nito.

Matt indulged her. Gusto niyang tulungan si Caroline na muling limutin si Shane. Kahit na nga ba paminsan-minsan ay nakikita niya itong nakatanaw sa malayo. At bawat paglipas ng araw ay kinakabahan siyang magbago ang isip nito.

Lalong tumindi ang kaba niya nang, finally, ay bibilhin na nila ang wedding rings. Iyon ang hiniling ni Caroline na huli nilang gagawin bago sila lumipad patungong Coron. Matagal nitong tinitigan ang mga singsing that he thought she'd change her mind.

Tiningala siya nito, wrinkled her nose, at pinili ang pinakamura sa mga singsing na ipinakita ng saleslady.

He protested. But Caroline smiled at him. "It isn't how much it is worth, Matt. Kundi ang kahulugan ng mga singsing na ito."

His eyes stung. Nagiging emosyonal siyang labis pagdating sa babaeng ito.Ikakasal sila ng Linggo. Monday, kasama sina Lovelle at Raquel ay babalik sila sa Manila. On Tuesday, lilipad sila patungong Hawaii. Then they would tour around the world for one month kasama sina Hannah at Lola Serafina. Si Caroline mismo ang may ideyang isama si Hannah at ang lola nito.

Habang tumatagal ay nagiging malapit sa isa't isa ang anak niya at si Caroline. Nagpapasalamat siya nang lihim sa anak. Kahit paano ay nakatulong ito upang muling ngumiti si Caroline.

Kung siya ang masusunod ay gusto niyang isama sa honeymoon at pagliliwaliw sina Raquel at Lovelle. Pasasalamat na rin sa dalawa sa unconditional na pagtingin ng mga ito kay Caroline. The more the merrier. Ikatutuwa ni Caroline iyon. Anyway, they would own the nights.

Subalit dalawang araw lang maaaring mag-leave sa Lovelle sa bago nitong trabaho. Ganoon din si Raquel sa unibersidad.

Si Lola Serafina lang ang kasama sa entourage bilang maghahatid kay Caroline sa kanya sa makeshift altar sa hardin ng Hotel Hannah. It was Caroline's choice na maging ganoon kasimple at pribado ang kanilang kasal. Dahil kung si Matt ang masusunod ay gusto niyang masaksihan ng marami ang pagpapakasal niya sa babaeng kahulugan ng buhay niya.

"Ano pa ba ang maaari kong makalimutan, Matt?" anito na pumutol sa daloy ng isip niya. "Naipamudmod na natin ang iilang imbitasyon..." She laughed.

Napangiti si Matt. He loved to hear her laugh. Tumatawa ito dahil wala pang tatlumpo ang invitation cards na pinagawa nila sa wedding planner. At pinagtatawanan ni Caroline iyon.

"Naipadala mo na ba ang imbitasyon para kina Janet at Chanelle?" dugtong nito sa sinabi.

"Paano ko namang malilimutan iyon, eh, lagi mong ipinaaalala? Ipinahatid ko sa messenger. At palagay ko ay gusto mo lang inggitin si Chanelle sa enggrandeng kasal natin," he teased.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now