40

7.3K 248 23
                                    

MULA sa mesa niya sa opisina ay marahas na napatayo si Shane. Tinitigan si Mike.

"After three and a half months, why are you telling me this now?" Ang mahinahon at kontroladong pagbigkas ng mga salita ay kabaliktaran sa nakikitang anyo ni Shane. Nag-iigting ang mga bagang niya at nagngangalit ang mga ngipin. At galanggam na lang ang tingin niya sa kaibigan.

"Hindi ko kayang tingnan ang ginagawa mo sa sarili mo, Shane..." Mike said with so much regret in his voice. "Ang laki na ng ibinawas ng timbang mo. Nilulunod mo ang sarili mo sa labis-labis na trabaho. Hatinggabi ka na halos kung umalis dito sa opisina. At kung hindi sa trabaho ay sa alak naman. You almost got yourself killed a week ago. Your parents are worried..."

Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga. Kumuyom ang mga kamay. "Pagkatapos ng ginawa mo ay nag-aalala ka sa akin? Sa mga magulang ko? And you expect me to believe that?"

"Sa maniwala ka o hindi, nakadarama ako ng panliliit tuwing kinakausap ako ng papa mo. And I am honestly worried about you..."

Halos sumisingasing si Shane sa galit na unti-unting umahon sa dibdib niya kanina pa nang magsimulang magkuwento si Mike. Kailangan niyang payapain ang sarili bago pa siya makapatay ng tao.

Ni hindi halos makatingin sa kanya ang kaibigan. Yukong-yuko ito. "Patawarin mo ako, Shane. Pinagsisisihan ko ang lahat. I was so obsessed with her. I wanted her even when she was Josh's girlfriend..."

Umikot si Shane sa kinauupuan ni Mike, pinitserahan ito at marahas na hinila patayo. "Some people were murdered for less, Mike. I could kill you right now!" he said furiously. Halos mabasag ang mga bagang sa pagtatagis. "You are my friend... almost my brother. My father treated you like a son. Wala kang hininging pabor sa akin na hindi ko pinagbigyan. Tinutulungan kita sa kolehiyo kapag kinakapos ka. At nilimot ko iyon! You son of a bitch!" Ibinalya niya ito at isang malakas na suntok ang pinakawalan niya na tumama sa ilong ni Mike.

Bumalandra sa dingding si Mike. Napigtal mula sa hinges ang dingding na plastic. Nakuha ang atensiyon ng mga empleyado. Muli niya itong inundayan ng kasunod na suntok at natumba sa sahig si Mike. Maririnig ang malakas na singhapan at bulungan ng mga naroroong empleyado.May tumawag marahil kay Mr. Malvar dahil mamaya pa ay naroon na ito sa entrada ng booth. Nanlalaki ang mga mata sa nakitang pagkasira ng booth. Lalo nang namangha nang makitang duguan ang bibig at ilong ni Mike at nakahandusay sa sahig.

"What happened here?" gulat nitong tanong. Pinaglipat-lipat ni Mr. Malvar ang tingin sa kanilang dalawa. Lumakad ito patungo kay Mike at iniabot ang kamay rito upang tulungan itong tumayo.

"Leave him, Papa!" ani Shane sa mariing tono. Nag-iigting ang mga ugat nito sa leeg sa matinding galit. "Terminate this fuck of a man! Make him sign a waiver..."

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Malvar. "I can't do that! We can't just terminate an employee on a whim, Shane. Kung ano man ang hindi ninyo—"

"Kung hindi mo gagawin iyon, Papa, ay ako ang magre-resign!" putol niya sa sinasabi ng ama. "You will never see me in this office ever again!"

MAANG na tinitigan ni David Malvar ang anak. He had never seen his son this furious. At hindi bayolenteng tao si Shane. At ang sinaktan ng anak ay ang mismong matalik nitong kaibigan. Mr. Malvar was instantly alarmed. Sumisidhi na ang epekto ng pagkawala ni Caroline sa buhay ni Shane.

His son was getting out of control. Ang masaklap nito ay wala silang magagawang mag-asawa. Bagaman pagdating sa trabaho ay walang masasabi kay Shane. Nilulunod nito ang sarili sa trabaho. Pero sino ang nakakaalam sa susunod na gagawin ng anak?Masayahing tao si Shane. Idinadaan sa biro ang mga bagay na nakakabigat sa isang tao. Matulungin sa kapwa. Sa nakalipas na tatlong buwang mahigit ay biglang nagbago si Shane. Naging malulungkutin ito. At madaling mawalan ng pasensiya at agad na nagagalit kahit sa mumunting bagay.

Minsan ay umuwi ito na may sugat sa kanang pisngi. Pahabang sugat. Nataranta ang mama ni Shane at balak isugod sa ospital ang anak subalit tumanggi ito. Si Mrs. Malvar na lang ang gumamot sa sugat na ayaw namang sabihin ni Shane kung saan nagmula.

Agad nahinuha ng mag-asawa na babae ang dahilan ng biglang pag-iiba ng ugali ng anak. Kaya itinanong minsan ng mag-asawang Malvar nang nasa hapag-kainan sila kung kumusta na si Caroline. Bigla ang pagsiklab ng galit ng anak at marahas na tumayo. Muntik nang matumba ang silya nang kabigin ni Shane paatras iyon.

"Huwag na ninyong mabanggit-banggit ang pangalan ng babaeng iyon!" Iniwan nito ang mesa at pumasok sa sariling silid.

Natiyak ng mag-asawang Malvar na nakagalit nito si Caroline. Umaasa silang pagkalipas lamang ng ilang araw ay magkakaayos ang dalawa. Subalit tatlong buwan at kalahati na ang lumilipas ay nanatiling iba si Shane.

Nais sana nilang kausapin si Caroline subalit nag-atubili ang mag-asawa. Minsan pa lang nilang nakita at nakausap si Caroline. Hindi naman talaga nila ito kilala maliban sa mga kuwento ng anak.

Though she seemed like a good woman, sa kabila ng kabataan. Subalit kinakabahan ang mga itong makialam sa pag-aalala sa magiging reaksiyon ni Shane. Baka hindi nito mabutihin iyon.Sa halip, sa nakalipas na mga linggo ay may maliliit na party sa kanilang bahay at imbitado ang mga dalagang kaibigan ng kanilang mga kumare't kumpare. Karamihan din sa mga iyon ay mga kilala ni Shane at ang ilan sa mga kadalagahan ay sadyang nagpapakita ng pagkagusto rito.

Shane was polite. Pero hanggang doon lang. Pagkalipas lamang ng dalawang kasiyahang ginanap sa bahay nila ay kinausap silang mag-asawa ni Shane. Sinabi sa kanila na tigilan na ang ginagawa dahil kung hindi ay lilipat ito ng bahay at mangungupahan na lang.

Halos dito na nakatira sa opisina si Shane. Aalis nang maagang-maaga para pumasok at uuwi nang maghahatinggabi. Kadalasan ay nakainom. Paglabas sa opisina ay dumadaan marahil ito sa isang pub at doon umiinom at nagpapalipas ng oras.

Pinaalalahanan na ito ni Mrs. Malvar na baka maaksidente sa daan kapag nagmamaneho ng motorsiklo nang lasing. But Shane ignored it all. Hanggang sa tawagan sila ng mga awtoridad at ipaalam na nasa presinto si Shane dahil nakipagbabag sa isang bar.

Puno ng pag-aalala ang mag-asawa nang magtungo sa presinto. Nakita nilang may pasa ang isang bahagi ng mukha ng anak. Ayon sa mga pulis ay nakipag-away ito sa ilang customer sa isang bar.

Natuklasan din nilang isa sa tatlong nakaaway ni Shane ay dinala sa ospital dahil sa mas malubhang pinsalang ginawa nito. Ayon sa sinasabi ng mga pulis ay tatlo ang nakalaban ni Shane. Kung hindi tumestigo ang mga waitress at ang bartender na ang tatlo ang naunang gumawa ng gulo ay baka may kaso pang inaayos si Mr. Malvar.

At ngayon, isang linggo pagkatapos ng rambol sa bar ay si Mike naman. Niyuko ni Mr. Malvar si Mike. Sinaktan ng anak ang kaibigan nitong matalik. Nababahalang nag-angat siya ng tingin kay Shane na palakad-lakad sa loob ng opisina. His nose flared in anger. Parang gusto niyang pagsisihang pinahintulutan niyang mag-aral ng martial arts ang anak. Nagagamit nito iyon nang walang pagsasaalang-alang.

"I'll... tender my resignation, sir..." mahinang sabi ni Mike sa tinig na puno ng pagsisisi. Pinahiran ng likod ng palad ang duguang mukha at tumayo. Sinulyapan si Shane sa nanlulumong anyo. "Alam kong hindi mo ako mapapatawad, Shane. But I—"

"Tama ka, Mike!" Shane turned to his friend and looked at Mike with hatred in his eyes. "Hindi kita mapapatawad. Sinira mo ang buhay ko... namin ni Caroline. So, get out of here, you snake! Mientras kaya ko pang pigilin ang sarili ko. At kalimutan mong naging magkaibigan tayo!"

Lulugu-lugong lumakad patungo sa pinto si Mike. Bago lumabas ay nilingon nito si Mr. Malvar. "Patawarin n'yo rin po ako. Dahil sa maling obsesyon ay sinira ko ang pagkakaibigan namin ng anak ninyo. You will have my resignation, sir, in a couple of minutes." Tuluyan na itong lumabas.

Hinarap ni Mr. Malvar ang anak. "What is it, Shane?"

Shane raised his hands. "Ayokong pag-usapan, Papa. Gusto kong mag-isip. Pag-isipan kung paano maitutuwid ang aking malaking pagkakamali sa kaisa-isang babaeng minahal ko."

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now