3

10.2K 286 5
                                    


NAKUHA na ni Caroline mula sa U-shape platform ang maleta niya nang matanaw niya ang paparating na mag-ama. For whatever reason, hindi niya gustong makasabay ang mga ito. 

Nagmadali siyang agad na hinila ang maleta patungo sa exit.

May mga van siyang nakikitang nakaparada at tiyak na naghihintay ng mga pasahero. Wala siyang sundo dahil hindi naman alam ni Raquel na lilipad siya patungong Coron. Nakita niya na ang ibang driver ay may mga hawak na karatula na may pangalan ng mga pasahero.

Tinanong niya ang isang driver ng van na naghihintay rin ng mga pasahero patungo sa bayan ng Coron kung may bakante pa. Isinakay siya ng driver. Ang maleta niya ay inilagay nito sa may likuran ng van.

Katunayan ay aapat na katao lamang ang sundo niyon. Mag-asawa at dalawang anak na pawang lalaki na marahil ay nasa mga edad nueve at onse. Sa mismong passenger seat sa harap siya pinaupo ng driver na malamang na natutuwang may ekstra itong matatanggap.

Ilang sandali pa ay binabaybay na nila ang daan patungong town proper. Maliban sa wala siyang matanaw na mga kabahayan sa gilid ng daan, ang patungo sa kanila sa Silang ay wala namang kaibahan sa nakikita niya sa magkabilang bahagi ng daan.

Oh, well, maliban sa nariyan ang mga bundok na natatanaw niya. Kahit kubo ng mga residente ay wala siyang nakikita sa dinadaanan nila na sa wari ay nasa gitna ng mga bundok, pero wala rin naman siyang nakikitang maituturing niyang magandang tanawin.

For a minute there, gusto niyang pagdudahan ang sinasabi ni Raquel na maganda ang mga isla ng Coron. Katunayan ay tila tuyo ang mga damong natatanaw niya. Wala siyang gaanong napupunang mga puno. Kung mayroon man ay iyong mga hindi namumunga.

Natatandaan niyang sinabi sa kanya ni Raquel na walang namumungang halaman ang tumutubo sa bayang iyon. Parang may mineral sa ilalim ng lupa na nagpapangyari upang hindi tutubuan ng mga prutas. Manganese perhaps. She wasn't so sure.

Ilang minuto nang tumatakbo ang van subalit wala siyang nakikitang maaari niyang makaligtaan, maliban sa mga bundok na natatanaw niya sa malayo. Naisip ni Caroline na kung ipipikit niya ang kanyang mga mata ay wala siyang makakaligtaang magagandang tanawin.

Inihilig niya ang ulo sa headrest at pumikit. And as always, hindi niya maiwasan ang pagdaloy ng mga alaala sa kanila ni Shane...

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon