5

9.9K 283 19
                                    

NAKIPAGSIKSIKAN si Caroline sa LRT. Dahil pasukan, maraming tao at balyahan at unahan sa pagpasok sa train. Muntik na siyang maipit sa pagsasara ng pinto ng train sa pagsisikap na makasiksik dahil male-late siya.

Kipkip niya nang mahigpit ang body bag niya, nag-iingat sa mga mandurukot. Nang umandar ang train ay ni wala siyang mahawakan. Kung hindi niya naitukod ang mga palad sa dibdib ng isang lalaki ay malamang na sumubsob na siya mismo roon.

Napatingala siya. "S-sorry..."

Maiitim na mata ang seryosong nakatunghay sa kanya. Tila ba ipinagtataka nito kung ano ang ginagawa niya at nakisiksik sa puro lalaking sakay ng train. At dahil nga hindi naman siya kataasan ay halos natatakpan na siya ng mga ito.

Napasinghap siya nang lihim. The man was very good-looking. Makapal ang buhok na bahagyang umabot sa dulo ng kuwelyo nito. Maraming beses na rin naman siyang nakakatagpo ng magagandang lalaking nakakasabay niya sa LRT subalit sa wari ba'y kakaiba ang isang ito. Para siyang hinihigop ng mga mata nito.

And she needed to look elsewhere. Dahil kung hindi ay baka tuluyan na siyang higupin ng mga titig nito. Subalit sa kung ano mang kadahilanan ay malakas ang magnet at hindi niya magawang ialis dito ang tingin.

Gayundin ito sa kanya. They stared at each other for a few moments. Kung ano-ano na ang gumagana sa mayaman niyang imahinasyon. Na para sila iyong mga bida sa isang romance movie at ang eksenang iyon ang pasimula ng kanilang pagkikilala.

Kapagkuwa'y muling umuga ang train. The spell was broken. At muli sana siyang masusubsob dito subalit nakahawak na ang isang kamay nito sa balikat niya. Kasabay niyon ay naramdaman niyang ginigitgit siya ng isa pang lalaki sa may likuran niya. Sinasadya nitong gitgitin siya. Napa-"oh" si Caroline.

Isang masamang sulyap ang ibinigay ng estranghero sa lalaking gumitgit sa kanya. At sa gulat niya ay kinabig siya ng estranghero palapit dito at isinandal siya sa post rail habang iniharang nito ang sarili sa lalaking nasa likuran niya.

Natanto niyang nakaprotekta ang mga bisig at katawan nito sa kanya mula sa mga lalaking sadyang nananamantala ng mga babae sa ganoong siksikan sa LRT.

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula siyang magkolehiyo at sumakay ng LRT ay noon lamang nasiyahan sa gitgitan si Caroline. Add the fact that she felt romantic. Yumuko siya upang itago ang ngiti niya sa pangyayari.

It was silly, yes. Pero sa pakiramdam niya ay ligtas siya sa pagkakakulong sa mga bisig ng lalaki.

The guy's one hand was on the rail post and the other hand on the handhold. Napupuna niya ang mga balahibo sa braso nito hanggang sa may ibabaw ng kamay. Lalo nang lumalim ang kanyang pantasya.

At gusto niya ang nalalanghap na amoy mula rito. Fresh. Woodsy. She inhaled deeply.

"Huwag mong ubusing langhapin ang amoy ko. Magtira ka sa iba..."

Napasinghap si Caroline. Nakayuko ang lalaki sa may tainga niya at bumubulong. At nang matanto ang sinabi nito ay nag-init ang mukha niya. Hindi niya namamalayang idinidikit na niya ang ilong sa dibdib nito. Hindi rin niya natatantong sinasamyo na niya ito.

She stared at him indignantly. "I did not—"

"Sshh..." May anino ng ngiting nakasilip sa mga labi nito. She realized he was only teasing her.

My goodness, he had nice lips! Masculine. Unlike other men na tila pambabae ang mga labi.

"Now you're staring..." muling bulong nito.


Nanlaki ang mga mata niya. Double offense. Sinisinghot niya ito kani-kanina lang nang wala sa loob niya. Ngayon nama'y nakatitig siya sa mga labi nito. Pakiramdam niya'y para nang kamatis ang mukha niya sa pamumula.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Where stories live. Discover now