6

9.7K 251 9
                                    


KUNG nagmamadali siya kanina dahil baka ma-late siya ay hindi na niya alintanang absent siya sa unang subject. Bagaman mayroon pa naman siyang kinse minutos kung magmamadali siya. 

Pero wala siyang balak na gawin iyon.

Naglakad sila sa kahabaan ng Recto patungong UE.

"Alam kong traffic kapag ganitong oras at late na rin ako sa pagpasok," anito. "At nagpapasalamat akong hindi ko dinala ang bike ko."

"Why?" she asked casually. Sinusundan lang ang daloy ng usapan.

"Dahil nakilala kita."

He sounded pleased and sincere. At hindi malaman ni Caroline ang sasabihin at iisipin. Maniniwala ba siyang talagang gusto siya nitong makilala?

Sa buong buhay niya ay noon lang siya walang maisip na isasagot sa simpleng pakikipag-usap. Pero hindi niya kailangang mag-isip ng kasunod na sasabihin dahil agad na sinundan ni Shane ang sinasabi.

"Anong oras ang klase mo?"

"Why?"

"Nakadalawang 'why' ka na, ha." Then he smiled.

Caroline swallowed. The man had a killer smile. And if he kept on smiling like that, babagsak siyang walang buhay sa baldosa.

"Gusto kitang imbitahing mag-snack. May Yellow Cab sa gilid ng Morayta..."

She almost rolled her eyes. As if she didn't know. "An... an hour from now." Hindi siya nagsisinungaling, dahil sa uri ng paglalakad nila na tila sila namamasyal sa kabilugan ng buwan samantalang ang mga kasabay nila ay pawang mga nagmamadali, ay malamang na male-late na siya sa first class niya.

Lumapad ang ngiti nito. "Mahaba pa ang oras natin..."

"What about you? Hindi ka ba male-late sa trabaho mo?"

He shrugged. "I work part-time. Wala namang mahalagang gagawin ngayon sa office."

Hindi na siya kumibo. Mahaba-haba rin iyong nilakad nila mula sa Recto patungong Morayta. Pero bale-wala kay Caroline iyon. She was enjoying Shane's company. At maalalahanin ito. Agad na nakaalalay sa kanya kapag tumatawid sila. At tuwina'y pumupuwesto ito sa bahagi kung saan naroroon ang mga sasakyan.

Lihim niya itong pinagmasdan nang matigil sila sa pagtawid dahil green light ang nasa intersection. He was the usual cliche. Tall, dark, and handsome. But a little bit thin and bony. Na lalo pang nagiging obvious dahil may kataasan ito. Marahil ay nasa five-eleven or six footer ito.

She was twenty-one. Matanda marahil ito sa kanya nang dalawa o tatlong taon.

Iyon lang pagiging payat nito ang napansin niyang medyo maipipintas niya sa physical nitong kaanyuan. She always admired the macho type of men. Iyong mga nakikita niya sa commercial ng jeans. Iyong may abs at may muscles sa mga braso.

Hindi siya kailanman nabighani sa mga lalaking lanky. She should be disappointed. Ayaw niya ng lalaking may kapayatan. Lalo at matangkad. Pero hindi iyon ang nadarama niya. Pinagtatakhan niya ang sarili doon. Kahit kanina sa train ay hinayaan niya itong hilahin siya upang bigyan siya ng mas maluwag na tatayuan.

She even liked his smell. She liked his dark and penetrating eyes framed with thick lashes that many women would envy. She liked his kinda shaggy straight hair. Just as she liked his masculine lips. Manipis sa upper lip and a little fuller sa lower lip na parang naka-pout.

She hadn't been kissed. Kahit minsan. Totoong nagka-boyfriend siya noong high school pero agad din naman silang nag-break pagkalipas lamang ng isang buwan dahil nalaman niyang may iba pa itong nililigawan sa ibang section. At pinag-iisipan niya nang malalim kung ano ang mararamdaman niya kung hahagkan siya ng estrangherong ito.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon