Chapter 13: RICH (Present)

61 30 3
                                    

RICHNESS

Chapter 13:

*Arjhane's POV*

"Den punta tayo sa bahay!!"

"Saan? Villagonza Residence? Tsk! Pinalayas ka na nga diba!?" sarkastiko pa nitong sagot.

Napalingon ako sa kanya sa sinabi niyang yun. Is he serious?

"Den gusto kong ipakita sa kanila na mali sila. I will prove myself to them."

"Tsk!" maikli nitong sagot.

"Den, magkalinawan nga tayo!! Napipilitan ka lang ba sa set up na 'to?" He's so rude! Pwede naman siyang humindi. O sabihin na 'Pwede next time nalang?' Not like this!

"I-Im jus–"

"No! Lets be practical. Gusto mo ba 'tong batang 'to?" sabay hawak sa tiyan ko. I'm in pissed!

d>>_____<<b

Sabihin niya di yung nagiging tanga na ako ng di ko man lang alam!

"Of course! Kasi anak ko yan. Hey Jhane.." lumapit siya sakin tsaka niya hinawakan ang kamay ko. "Don't be stress. Kung gusto mong pumunta then pupunta tayo. Okay?" dagdag pa niya.

I rolled my eyes. Duh! "Tss!"

"Wag ka nang magalit. This is for the baby.." hinawakan niya ang mukha ko at dumampi ang labi niya sa labi ko. "Wait for me here. Magbibihis lang ako." usal niya sabay alis.

Biglang natameme ako sa ginawa niya. It make me blushed secretly. Minsan lang siyang humahalik ng kusa at everytime na ginagawa niya yun ay di talaga ako maka-imik. Ang lakas ng epekto niya sakin. But suddenly I found myself smiling. Di ko maiwasan yun.

"Hey! Pupunta tayo sa inyo diba?" sulpot niyang bigla.

"Ah o-oo..On n-naman..hehe.."

"Tulala ka diyan eh. Let's go!" sabay akbay sakin patungo sa kotse namin.

It's a present, bigay ng Dad niya. Supportive naman yung family niya lalo na si Tita. All day/night long they're still there. Accepting us lalo na ako at ang baby'ng dinadala ko. Nagre-rent kami ng simpleng bahay para samin ni Den.

Wala kaming malaking halaga ng pera at ang inaasahan lang namin ay ang sweldo niya at minsan tulong galing kina Tita at Tito. Medyo matagal yung biyahe kaya napaidlip ako ng kunti.

"Jhane! Gising! Andito na tayo!" mahinang alog pa niya.

Agad naman akong nagising at inalalayan niya akong bumaba ng kotse. Anim na buwan na rin tong tiyan ko kaya mabigat na talaga at malaki na rin.

Agad kaming ipinapasok sa mansyon at mga katulong lang ang umasikaso sa'min. Nasa opisina nito raw si Dad at marami pa raw itong ginagawa kaya sinabi namin sa katulong na wag muna itong istorbuhin.

RICHNESS (The Present Past) - O N  G O I N GWhere stories live. Discover now