"Oo na, sige na iwan ko na kayong dalawa rito." pangunguna niya, kaya't natawa ako.

"Basta ha!! Yung cake ko!!" sabi nito sa akin bago lumapit kay Dayle.

Agad ko namang kinuha ang phone ko para kunwari ay nagcecellphone ako at walang ka-alam alam sa nangyayari

"Pre, bili lang ako ng tubig. Maiwan muna kita saglit." rinig kong sabi ni Bryan sabay alis sa gym.


Napatingin naman ako kay Dayle na nagdridribble bago ishoot ang bola.


"Galing!!!" parinig kong sabi sakaniya nang mashoot niya ang bola. Nakita ko namang sumulyap ito sa akin, nginitian ko naman siya kaya't iniwas niya ang tingin niya.


Agad naman akong naglakad palapit sakaniya, hindi niya ito napapansin kasi nakatalikod siya sa side ko. Nakita ko namang hinagis niya nang malakas ang bola sa ring pero sa halip na mashoot ay tumalbog sa may head ng ring. Magsasalita na sana ako nang bigla akong matamaan ng bola sa ulo ko.



"A-aray."


"F-ck." rinig kong mura niya sabay lapit sa akin.

"L-lakas mo naman magshoot." pabirong sabi ko kahit nahihilo na.

Nagulat naman ako nang maramdamang hinawakan niya ang aking balikat at bewang at inalalayang umupo sa gymnasium seats.


"Sh't sorry Addison." he said while looking at me softly. Agad naman akong namula at umiwas ng tingin.


"H-huwag mo nga akong titigan." nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin.


"Okay." malambing na sabi nito sabay iwas ng tingin kaya't napatawa ako.

"Why?" nagtatakang tanong nito nang marinig akong tumawa.

"Wala, you're cute." nakangiting sabi ko.

"Tss." sabi nito at sumimangot.

-----

"Oh ano ayos ba?" salubong sa akin ni Bryan kaya't natawa ako.

"Ayos na ayos ssob!!" panloloko ko, agad naman nitong ginulo ang buhok ko.

"Cake ko ha" pagpapaalala nito.

"Oo naman!!" ngiti ko rito.



Nang mag lunes ay dalawang tupperware ang dala ko habang papunta sa upuan ng Blakers.


"Hello!!" bungad ko sa Blakers, agad namang napangiti ang iba nang makita ako.


"Uy miss cake!!" sabi ni Klint sa akin.


"Eto na ang cake." nakangiting tingin ko kay Dayle na walang ganang nakatingin sa akin.

"Oh ba't dalawang tupperware miss cake? Umaasenso ah!!" natatawang sabi ni Bryan na para bang hindi alam na sakaniya yon. Natawa tuloy ako.


"Para sa'yo toh bano." sabi ko sabay abot ng tupperware sakaniya. "Salamat Addie!!" masayang sabi nito. "Welcome mauna na ako ah." nakangiting sabi ko.




Sumulyap ako kay Dayle bago umalis, he is seriously staring at the tupperware that I gave to him. Nagkibit balikat lang ako at umalis.


Nang mag 4 ay dumiretso ako sa gymnsium para mag practice. Nagulat ako nang makitang nandoon ang Blakers, they are using the half court.



"Uy miss cake!!" pagtawag sa akin ni Klint nang makita ako kaya't naagawan siya ng bola, natawa naman ako.


"Klint, focus!!" rinig kong sabi ni Dayle rito. Napangiti naman ako, Dayle is the team captain of the team.



Nang maaninag ang mga kaclub ko ay agad akong lumapit sakanila. Nahintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa pinapwesto kami ng President namin sa position.



Napansin ko namang tapos na ang laro ng Blakers at nakaupo sila sa gymnasium team na tila ba nagpapahinga.



"Go miss cake!!!"


"Ikembot mo 'yaaan!!!"



Agad naman akong mahiya nang marinig ang sigaw nila Klint. Parang ayoko na tuloy sumayaw!!!



"Can you please not shout?!" rinig kong pagsuway sakanila ni Dayle.



Narinig ko pa ang hagikgik ni Sylia kaya't napanguso ako. Agad namang ipinlay ng President namin ang music kaya't nagsimula na kaming sumayaw.



Ang sayaw namin ay may pagka-swag kaya't chill lang na kanta ang mga tugtog. Ang unang kanta ay ang 'Ayy Macarena by Tyga.'



Link----- https://youtu.be/Jtwpa1-ohI0



"Puchaaa ang galingg!!" natatawang sigaw nanaman ni Klint.


"Oh Captain baka malusaw." rinig kong pangaasar ni Bryan.


"Nakoo haaa." rinig kong gatong pa ni Klint.


"Pagibig na kayaaa."


"Captain, ayos palaa si miss cakeee ha."


"Ganda na nga, galing pang sumayaw."



"Shut the f'ck up. Rest time is done, go back to the court." rinig kong sabi ni Dayle kaya't nag-angalan ang mga kateam mates niya.

Nang matapos kaming magpractice ay agad kaming umupo sa upuan at ang Blakers naman ang pinanood namin.


"Eto tubig oh." abot ni Sylia sa akin ng tubig, agad naman akong nagpasalamat. Kahit nauuhaw na ako ay tiniis 'ko ito dahil balak kong ibigay kay Dayle ang tubig.



Nang makitang tapos na ang laro nila ay agad akong lumapit kay Dayle habang nakangiti.



"Dayle oh tubig, hindi ko pa naiinuman yan promise!! Di ako uminom diyan kahit uhaw ako." sabi ko sakaniya.




Nakita ko naman itong tumingin sa tubig ko bago sa akin. Natigil lang ang tingin niya nang may makitang babaeng galing sa labas ang may dalang tubig ang lumapit sa amin.



"Dayle, here's the water." nakangiting sabi nito, walang sabi namabg kinuha ito agad ni Dayle at agad tumalikod sa amin.


Napa-nga nga naman ako dahil sa nagyari. Kapag ibang babae kukunin agad ang binigay tapos pag galing sa'kin ay hindi? Nakakahurt ha Dayle Salveo.

Rudely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon