EPILOGO

222 14 0
                                    


Sa isang liblib na kagubatan, tahimik na kumakain si Valu hangang sa makarinig siya ng kaluskos mula sa mga dahon sa paligid niya. agad siyang nag-obserba at nag-masid. 

"Sino yan?" ani ni Valu

agad niyang inilapag ang kanyang pagkain at tumayo, dahan-dahang lumakad palapit sa dahon na pinang-gagalingan ng kaluskos.

hangang sa may nakita siyang engkantong palapit sa kanya, napakunot ang kanyang nuo dahil hindi siya pamilyar sa presensya nito, inihanda niya ang kanyang mga ugat sa posibleng labanan na maganap.

"Mariko ng amadeus, ang rebeldeng si Valu. Huwag kang mag-alala, dahil hindi kaguluhan ang sadya ko rito" wika ng engkantong papalapit sa kanya, subalit umiling si Valu

"puwes, kaguluhan ang dala ko!!" agad winasiwas ni valu ang kanyang mga kamay kasabay ng biglang pag-haba ng mga ugat, agad nitong tinali ang engkantong papalapit sa kanya at walang kahirap hirap na nahuli ito. dahan-dahang lumapit si Valu dito, labis siyang nag-taka dahil hindi man lang ito natatakot sa kanya.

"sino ka ba?" muling tanong ni Valu

"katulad nga ng sinabi ko kanina valu, hindi kaguluhan ang sadya ko dito, subalit dahil unang inatake mo ako. mapipilitan akong lumaban" malumanay niyang tugon

"hindi ka na makakalaban sa sitwasyon mong 'yan, subukan mong gumalaw, babaon sa'yo ang mga tinik na tatagos hangang sa buto mo" 

katulad kanina, mukhang hindi pa rin ito nasisindak "hindi ko kailangan gumalaw, ang kailangan ko lang ay mag-salita. Paki-usap, tumilapon ka" 

sa isang iglap biglang tumilapon si valu ng napakalakas, bagay na hindi niya inaasahan. agad siyang tumayo na labis na nawindang "p-paano?!" 

"paki-usap, maalis itong mga ugat" sa isang iglap biglang naglaho na parang bula ang mga ugat dahilan para mapatayo ang engkantong iyon.

tumindig si valu, ngumiti sa engkantong iyon "patawarin mo ako sa biglang pag-atake ko sa'yo" aniya "maari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"ako pala si Escanor, isa akong dalakitnon"

"ikinagagalak kong makilala ka escanor. YYAAHAHHH!" muling umatake si Valu gamit ang mga ugat niya, agad siyang nagpalabas sa harap nito ng mga ugat na handa ng tumusok sa katawan ni escanor subalit may isa pang engkanto ang biglang lumabas na agad dumepensa para dito.

"hindi ka pala talaga nadadaan sa mahinahong paki-usapan ah" sambit ng bagong engkantong dumating

napansin ni valu na may suot ang dalawa na itim na kapa at sa likod nito ay may tatsulok na may mata sa gitna. "hayaan mong tapusin ko itong engkantong ito" aniya subalit pinigilan siya ni escanor

"huwag, kailangan natin siya" sambit nito 

biglang inangat ng engkanto ang armas na hawak niya, bagay na napansin ni valu "t-teka, parang pamilyar yang armas na hawak mo ah?"

"eto ba? eto lang naman ang armas na gamit gamit dati ni master sahaya, ang gintong martilyo" hindi makapaniwala si valu sa kanyang narinig, napalunok siya dahil nakaramdam na siya ng takot.

"sino ka?" 

"katulad mo, mula din ako sa amadeus. ako nga pala si tats" 

"ngayon valu, bibigyan ka namin ng pagkakataon para mabuhay.... sasali ka ba sa grupo ko?"

"g-grupo?"

"oo, naghahanap kami ngayon ng mga angkop na miyembro para sa grupo ko at isa ka sa mga napili ko. sasali ka ba? o tatapusin kita?"

natawa si valu, nakasalalay sa desisyon niya ang magiging kahihinatnan ng buhay niya, base sa dalawang engkantong kaharap niya, alam niyang luging lugi siya. Si escanor, lahat ng sinasambit niya ay biglang nangyayari. Si tats, pangalawang engkanto na nagawang mabuhat ang gintong martilyo. 

"oh sige, sasali ako. gusto ko pa namang mabuhay"

"tama ang desisyon mong 'yan" ani ni escanor sa kanya

napansin ni valu ang kakaibang kulay ng mata ni escanor, ito'y kulay pula pero higit sa lahat, halip na hugis bilog ang itim nito sa gitna, hugis krus.

"ang mga mata mo---"

"tama ang nakikita mo, hindi lang basta dalakitnon itong si escanor, nasa kanya ang natatanging mata na katulad sa mata ng mortal na kaaway ng kauna-unahang tagapagtangol. ang mata ng utos" 

"k-kaya pala, lahat ng sinasabi niya kanina.... nangyayari" 

inabot ni escanor ang kapa kay valu "suotin mo" agad kinuha ni valu ang kapa at isinuot ito

"mula ngayon, kasama ka na naman eh. isa ka na ring bagani" 

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now