IKA-DALAWAMPUNG KABANATA: AMAYA LABAN KAY ESTEBAN

206 13 0
                                    


[Ika-dalawampung kabanata]

Nag-patuloy ang usapan sa palasyo ni haring esteban, lahat sila ay naka-pwesto sa may sala upang hintayin ang pagbaba ng hari mula sa kanyang silid, nang mga sandaling iyon napag-buklod buklod na ng lahat ang koneksiyon sa pagkawala ni Rowena, ni Valu at ni amaya. Tahimik ang lahat at halos walang nag-sasalita, mga nakakabinging katahimikan, at kahihiyan na nararamdaman ni amaya para kay santino at david. Ngunit ang katahimikan ay tuluyan ng nabasag nang makarinig sila ng mga yapak mula sa hagdan, lahat sila ay tumingala at dahan dahang tiningnan ang pagbaba ni Esteban na nakasuot ng pandigmaan.

Napakunot ang nuo ng lahat dahil sa kanyang itsura, wala siyang suot suot na kamiseta o damit pang-taas, tanging balabal na naka-tali sa ulo niya, nakatali ng benda ang dalawang kamay niya at naka-suot siya ng maiksing pang-baba.

"Anong meron?" Tanong ni layla habang lumalapit kay Prinsesa Amaya

"Siya pala ang hari ng bayan ng purra? Buong akala ko ay isang magiting na binata si esteban subalit ang totoo pala ay isa lamang siyang bata, mukhang kasing-edad lang siya ni intoy" bulong ni Amaya na hindi pa rin makapaniwala. Ngayon lang kasi nila nakita si esteban dahil hindi hinahayaan ni Dante na makalabas ito dahilan upang walang pagkakataon ang mga engkanto na masilayan ang itsura nito.

"Mukhang nandito na ang lahat ah! At ang pinaka-popolar na si Amaya! Ang Diwaning Sugalera!" Ma-awtoridad na tugon ni Esteban, natuwa naman si amaya dahil mukhang popular ang pangalan at kataga sa kaniya.

"Hindi ko naman inakala na aabot pala ang katagang yan hangang dito sa palasyo" sambit niya.

"Handa na ba ang lugar ng paglalabanan?" Tanong ni Esteban, napakunot naman ang nuo ng lahat.

"Handa na mahal na hari" Wika ni Raul na nakatayo sa gilid ni esteban

"Wow... bale hindi talaga nagbibiro si haring esteban?" Gulat na tugon ni intoy

"Sa nakikita ko ngayon, mukhang totoo talaga ang sinasabi niya" Wika ni Susan na napapa-nga nga na.

"Sundan niyo ko" Wika ni Raul agad silang dumaan sa likod ng palasyo at dinala sila sa isang malawak na patyo (court) na mukhang hinanda para lamang sa isang pagsasanay o labanan.

"Ano bang meron?" Dahil hindi na talaga mawari ni amaya ang nangyayari ay tuluyan na siyang nag-tanong

"Hindi niyo ba nasabi sa kanya?" Tugon ni Esteban dahil dito ay si David na ang sumagot.

"Nais ka makalaban ni haring esteban" payak niyang sagot.

"Laban? Sa isang bata!? Nasisiraan yata kayo ng bait!" wika ni amaya na halos minamaliit ang kakayahan ni Esteban

"Matabas ang dila mo amaya, yan ang gusto ko sa isang kalaban. Pero kahit matanda ka na ay hindi kita pag-bibigyan" wika ni esteban dahilan para mainis si amaya.

"Matanda? hehe! Awatin mo ko layla baka masuntok ko tong batang ito" bulong ni amaya kay layla

"Hindi normal na bata si haring esteban prinsesa amaya, isa po siya sa nagmamay-ari ng agimat, ang doble karang tamaraw" Si intoy ang nag-paliwanag sa kakayahan ni esteban

"Woah! kaya naman pala maangas tong batang to! Kung yun ang nais niya! Pagbibigyan ko siya!" Yumuko si amaya upang mag-tapat ang pagmumukha nila ni esteban, isang matalim na titig ang ibinato nila sa isa't-isa na halos handa ng magsalpukan at magbugbugan.

"Kung ganon, mag-handa na kayo dahil magsisimula na ang laban" wika ni raul

Hindi na sila nagpatumpik tumpik pa at agad nang nag-handa, tanging sila raul, amaya at esteban lamang ang nasa loob ng patyo samantalang sila intoy ay naka-upo sa lugar ng mga manunuod.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now