IKA-LABING SIYAM NA KABANATA: PAGKIKITA

222 14 2
                                    


[ika-labing siyam na kabanata]


Kumagat na ang dapit hapon subalit hindi parin umuuwi si amaya, labis ng nag-aalala ang mga engkantong nag-hihintay sa pag-dating niya. Kung titingnan ang itsura ng kanilang pag-mumukha sa loob: si intoy ay bagot na bagot na, si david naman ay inaantok, si susan na gusto ng maiidlip na ngunit pag-dating kay layla, ang pag-aalala at pagkabalisa ay gumuguhit sa pagmumukha niya.

Ngunit ang lahat ng iyon ay napalitan ng pagkabigla ng biglang bumakas ang pinto ng napakalakas. "Amaya?!" Sabay na sabay na tugon nila


"Ha? Anong meron dito?!" Naguguluhang tanong ni Santino


dali daling nilapitan ni layla si santino at hinawakan ang magkabilang braso nito "Nasaan si prinsesa amaya? Akala ko ba ay sinundan mo siya?!" Pa-sigaw ng pagtatanong ni layla, kitang kita mo talaga na labis na siyang kinakabahan ng mga pagkakataong iyon.

"Oo! Sinundan ko siya subalit, nawala ang paningin ko sa kanya ng makita ko si ate rowena" Paliwanag ni Santino, biglang naguluhan si layla sa kanyang narinig at napakunot pa ang nuo "Anong sabi mo? Nakita mo si binibining Rowena?"


Kahit sila intoy at david na nakikinig lang sa pag-uusap nila ay medyo naguguluhan nadin, ayon kasi sa kanilang pagkakatanda ay dinakip si binibining rowena ng pwersahan ngunit ayon sa sinasabi ni santino ngayon nakita niya ang ate niya, mukhang hindi nagtutugma ang kwento niya sa kwento ni layla.


"Alam mo ba santino na dinakip yung ate mo kanina dito? kahit ako ay sinaktan" Wika ni Layla na ikinagulat ni santino, mistulang binuhusan ng malamig na tubig ang binata dahil sa kanyang itsura.


"D-dinakip siya? sabihin mo nga, anong itsura nitong lalakeng dumukot kay ate?"


"Sa pagkakatanda ko isa din siyang aswang, kayumangi ang kanyang balat, at makapal ang kanyang buhok, wala akong masiyadong kakaibang katangian na nakita sa kanya subalit kung makikita mo siya ng personal masasabi mo sa una na hindi siya mapanganib" paliwanag ni layla na pilit iniisip ang iba pang itsura ng dumukot kay rowena.


"May posibilidad na yung nakita ko ay yung lalake na sinasabi mo layla, kaya pala una palang ay medyo kinutuban na ako. Kasi papunta silang dalawa sa lugar kung saan nag-punta si prinsesa amaya!" wika ni santino na napa-upo nalang dahil sa pagka-hapo


"Maari mo bang sabihin sa amin kung nasaan nag-punta si amaya?" Wika ni David, ngayon lang naman napansin ni santino ang presensiya ng dalawa kaya naman tinitigan niya ang mga ito at sinusuri mabuti.


"Ikaw!" Biglang napatayo si santino mula sa kanyang pagkaka-upo "Namumukhaan kita!" Tugon niya habang lumalapit kay intoy.


"Hindi naman kita natatandaan" sagot ni intoy na hindi mamukhaan ang pagmumukha ni santino.


"Hindi mo talaga ako mamumukhaan dahil nakikipag-laban ka kay Zabarte at kay lorde! Alam mo ba Layla na masasamang engkanto ang mga yan?! Bakit mo sila pinatuloy dito!" Singhal ni Santino na animo'y isang batang inagawan ng kendi.


"Alam mo bang ako si David ang ma-alamat na engkanto na mula sa amadeus at itong batang pinagbibintangan mo ay ang batang tagapagtangol" Ma-awtoridad na sagot naman ni David dahilan upang mabigla si santino

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now