IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA: DÉJÀ VU

173 13 0
                                    


[Ika-dalawamput-apat na kabanata]

Isang linggo makalipas matapos ang biglaang paghahamon ni prinsesa Amaya ng isang laban kay intoy ay hindi pa rin siya makapaniwala na tinangap niya ang responsibilidad sa pagiging reyna ng Amadeus.

"Ano ng gagawin ko Layla? Wala ako sa katinuan ng mga sandaling iyon!" reklamo pa rin ni Amaya habang humihipak ng tabako.

"Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa inyo prinsesa na ang kasunduan ay kasunduan, halos mapatay mo pa si intoy! Papaano kapag natuluyan yon? Anong sasabihin mo?! ay wala kasi ako sa katinuan?! ganon?!" sagot naman ni Layla na hindi maitago ang kasiyahan... kasiyahan dahil sa mahabang panahon ay mukhang babalik na ulit sila sa Amadeus.

"Ugh! Bwusit! Padalos dalos kasi ako eh!" Tumawa si Layla dahilan para tingnan siya ng masama ni Amaya "At bakit ka tumatawa aber?!"

"Wala lang, hahaha" tinakpan pa ni Layla ang kanyang bibig upang mapigil ang kanyang pag-halakhak.

Natigil ang usapan ng dalawa ng biglang bumukas ang pinto at sumiwalat ang madaling madali na si propesor David.

"Oh, bastos ka ah! Pasok ka ng pasok!" sigaw ni Amaya

"Pasensiya na pero may importante akong dapat sabihin sa'yo, dapat nitong nakaraang linggo ko pa sinabi ito sa iyo subalit nawaglit kasi ito sa isipan ko" tugon ni David

"Oh, ano ba iyon?"

"Nitong nakaraang linggo, nakatangap ako ng mensahe mula sa dalawang taga-payo ni haring laurel na sila tandang tata at tandang sora" biglang natawa si Amaya "Akalain mo, buhay pa pala yung mga huklubang iyon, ngayon?"

"Ang sabi sa mensahe, kapag hindi daw tayo nakabalik sa Amadeus ng mas maaga, magkakaroon ng sapilitang pagpili sa magiging bagong pinuno ng Amadeus"

"At ikaw yun?" tanong ni amaya dito, isang iling ang isinagot ni david

"May isang gustong umupo sa trono ng pagiging hari Amaya"

"At sino naman iyon?"

"Si Pablo" Biglang nambilog ang mata ni Amaya sa narinig at biglang natawa "Oh, anong masama dun sa bagay na iyon? Hindi ba't hindi ka na mahihirapan pa na kulitin ako na pauwiin sa Amadeus at hindi na din ikaw ang pipilitin nila na pumalit kay tiyo laurel"

Napa-iling si David at napapikit dahil sa inis "Hindi mo ba nakukuha Amaya, si pablo ang uupo sa Amadeus!"

"S-sino ba si pablo?" tanong ni Layla

"Si pablo ang isa sa dating kalaban ni tiyo laurel na may posibleng maging hari ng Amadeus, sa kasamaang palad hindi siya nanalo" si Amaya ang sumagot

"At hindi lang iyon, si pablo ang gumawa ng pangkat ng kapatiran, pamahalaan na ginawa niya upang sumalungat sa mabuti, patas at pantay na pamamaraan para mapanagot ang mga masasama" panimula ni David "Kilala si pablo bilang isang pinuno na gumagamit ng dahas, marami siyang nagawa sa bayan ng Amadeus na labis na kinagalit ni haring laurel, alam mo yan Amaya at alam ko na hindi mo rin siya gusto"

"Oo hindi ko siya gusto pero kung siya ang magiging pinuno, wala na akong kinalaman dun"

"Prinsesa Amaya!!! Ano ka ba! Akala ko ba nais mong makatulong para ang lahat ng engkanto ay mapag-iisa?!" galit na tugon ni Layla

"Tch, biro lang.... sabi mo nga diba, ang kasunduan ay kasunduan" sagot ni Amaya dahilan para mapanatag si Layla "Anong gusto mong gawin David?"

"Kailangan na nating bumalik sa Amadeus!"

"hindi pwede, lalo na't nasa panganib ang bayan ng purra at ang kaibigan kong si rowena ay dawit dito!"

"Bale kailangan na nating mahanap sila mariko, para matuldukan na ang kaguluhang ito" sambit ni David

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now