IKAAPAT NA KABANATA: PINAGLALABAN

297 11 3
                                    


[Ikaapat na kabanata]

"Mag paalam ka na" Mabilis na winasiwas ni Zabarte ang kanyang espada sa ulo ni Susan, dahil sa biglang pag-atake nito ay hindi siya naka-iwas dahilan para mapugutan siya ng ulo. tumilapon sa ilog ang ulo niya na pagulong gulong sa tulay.

Pero labis na nagulat si Zabarte ng biglang naging isang puno ang katawan ni Susan na tumubo mismo sa tulay "A-ano?!"

Biglang nag-labas ng mga sanga ang puno at agad tinali si Zabarte dito, maya-maya pa ay lumabas ang tunay na si Susan na nag-tago lang pala sa ilalim ng tulay.

"Alam ko ang tungkol sa kapangyarihan mo! Kaya naman napaghandaan ko ang pag-harap ko sa'yo!" Wika ni Susan.

"Mukhang minaliit ko ang abilidad mo, ang kakayahan na maging isang kahoy at isang puno ay kakahayan ng isang balbal hindi ba?" Tanong ni Zabarte

"Tama ka, isa akong balbal. Kaya kong gamitin ang abilidad ng puno at gawing sanga ang ilang parte ng katawan ko. Maliban don, nasa akin ang kapangyarihan ng agimat ng tigre. Yun ang dahilan kung bakit naging tigre ang bansag sa akin sa ibang bayan. Alam mo" Nilapitan ni Susan si Zabarte at dinuro duro ito "Masiyado mong minaliit ang kakayahan ko dahil isa akong babae hindi ba? Pwes, gusto ko lang sabihin sa'yo na marami na akong nakalaban na malalakas na lalake at isa ka na dun"

"Huwag kang mag salita ng hindi pa tapos, dahil hindi mo pa ako napapabagsak!" Gamit ang malakas na pwersa, nasira ni Zabarte ang mga sanga na nakayakap sa buong katawan niya, agad tumalon palayo si Susan upang hindi siya magawang atakihin nito. Pero kagaya ng inaasahan biglang nawala si Zabarte at dali-dali siyang hinanap ni Susan.

Dahil sa abilidad ng agimat ng tigre, naramdaman niya ang malaking espada na pabagsak sa balikat niya kaya naman agad siyang na-alerto at naiwasan iyon. Labis naman ang pag-kagulat ni Zabarte dahil naramdaman nito ang atake niya. Muling nag-patuloy si zabarte sa pag-atake kay Susan pero dahil sa liksi nito ay nagawa niyang iwasan ang mga atake nito.

Agad tumalon si zabarte sa pinaka-dulong bahagi ng tulay at muling nagpakita kay Susan, itinaas niya ang kanyang kamay at mula duon ay may lumabas na kulay asul na bilog. Mistula itong isang kristal dahil sa nakakasilaw na liwanag nito. Napakunot ang nuo ni Susan habang pinagmamasdan ito. Makalipas ang ilang saglit ay biglang may narinig na sigaw si Susan dahilan para mapatakip siya ng tenga.

"Naririnig mo ba yon?" Wika ni Zabarte "Yan ang sigaw ng mga kaluluwa na nakulong sa espada ko na ngayon ay muli na namang makalabas!" Dugtong niya. Lalong napa-higpit sa pag-takip sa tenga si Susan dahil mas lalong tumitindi ang sigaw na naririnig niya, parang sasabog ang tenga niya kung ito'y tatagal pa.

"Tumigil ka!!!" Utos ni Susan, pero umiling lang si Zabarte at masamang tinitigan ito siya ngayon.

"Tikman mo ang bagay na ito!" Ibinato ni Zabarte ang bilog na bagay na kanyang ginawa patungo kay Susan, sa kabila ng tunog na nilikha nito na nagpapahirap kay susan ay mabilis niyang naiwasan ito. Pero hindi niya napansin na sumulong din si zabarte palapit sa kanya at sinipa siya ng malakas dahilan para tumilapon siya sa ilog.

Pinilit ni Susan na maka-ahon sa ilog pero dahil sa tindi ng alon ay medyo nahirapan siya, medyo nadala pala siya sa di kalayuan dahilan para mapalayo siya sa tulay. "T-Tulong!" Sigaw ni Susan habang pilit umaahon sa ilog na mistulang hinahatak siya pababa. "Tulong!!!"

"Susan hawakan mo ang kamay ko!" Napatingin si Susan kay Ginoong Jose na ngayon ay lumilipad sa ere at pilit inaabot ang kamay ni susan na patuloy na inaalon sa ilog ngayon.

"Hablutin mo ang kamay ko!" Muling utos ni Ginoong Jose kaya naman kahit nahihirapan ay sinikap ni susan na kunin ang kamay ng ginoo. Nang tuluyan ng makuha ni Ginoong Jose ang kamay ni susan ay lumipad pa siya ng pataas para ma-iangat si susan. Halatang nahihirapan ang ginoo at hindi sanay sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay kaya naging isang malaking dagok para sa kanya ang pagpapanatili sa paghawak kay Susan, agad siyang nag-tungo sa damuhan at dun sila bumagsak at nag-pagulong gulong sa lupa.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now