IKA-LABING PITONG KABANATA: PANG-GAGAMOT

216 14 0
                                    


[ika-labing pitong kabanata]

"Ngayon sigurado na akong makikita na natin si amaya" kampanteng tugon ni professor david kay intoy

"Excited na po akong makilala si prinsesa amaya!" sambit niya dito

"Sigurado, makakasundo mo ang babaeng iyon dahil lapitin siya ng mga bata! Nakaka-miss makipag-kita sa mga dati mong kaibigan" singhal ni david

"Ano, handa na ba kayo?" tanong ni Raul habang sakay sakay sa kanyang kabayo.

"Handa na kami" sagot nito dito. Sasakay na sana sila intoy at david sa loob ng kalesa ng bigla silang tinawag ng hari

"Bago kayo umalis... hinihiling ko na sana ay mahanap niyo na ang dapat mahanap niyo, lalong lalo na si prinsesa amaya. Upang sa ganon, maka-alis na kayo dito sa bayan ko" mula sa mahinahong tugon ni esteban bigla itong nag-bago sa pagiging mataray. Hindi naman alam nila intoy kung matutuwa sila o maiinis sa itinugon ng hari

"Hayaan niyo nalang siya, ganyan lang talaga siya mag-sabi ng ingat" wika ni Raul na natatawa nalang.

"Sige... hehe, sana mahanap namin siya!" wika ni intoy na pumasok na sa loob ng kalesa.

"Hindi ko talaga masabi kung sinusuportahan tayo ni haring esteban o napipilitan lang siya" komento ni david

"Oo nga eh, hindi ko tuloy siya maka-usap ng matino kasi bigla biglang nagbabago yung ugali niya, parang mga babae" saad naman ni intoy dahilan para matawa si david

Nag-simula ng umalis sila intoy at david, dinala sila ng kanilang paghahanap sa lugar na itinuro ng ilang mga kawal kung saan naninirahan daw si amaya sa kasalukuyan, napa-dasal nalang si intoy na sana ay makita na nila si amaya ng sandaling iyon upang makabalik na muli sila sa bayan ng amadeus. Nasasabik na kasi siyang makita ang mga dati niyang kaibigan lalo na't hindi siya nakapag-paalam na aalis siya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila, kaya naman dali-dali silang bumaba at nag-tungo sa tahanan na itinuro ng mga kawal ngunit nagitla ang lahat ng makita nila ang isang dalagitang nakahandusay sa loob at walang malay

"A-anong nangyari?" tanong ni intoy sa sarili, si david ay agad pumasok sa loob upang tingnan ang kalagayan ng dalagita at labis siyang nasorpresa ng mamukhaan niya kung sino iyon

"Si layla" sambit niya.

"Sino? kilala mo ang babaeng iyan?" tanong ni raul na sinisilip ang buong paligid

"Oo, kasa-kasama ito ni amaya, kumpirmado! nandito nga si amaya!" Wika ni david

"Sige! hahalughugin namin ang bahay na ito! mga kawal! kilos na!" Ma-awtoridad na tugon ni raul sabay libot sa paligid

"L-layla, gising... anong nangyari sa'yo" wika ni david habang tinatapik ang magkabilang balikat ni layla "Gising layla, gising"

Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti ng dumilat ang mata ng dalaga dahilan para makampante sila david at intoy ngunit ng mapansin ni layla na ibang nilalang na ang kanyang kaharap ay napabalikwas siya dahilan para matulak niya si david

"Sino kayo?! Nasaan na si binibining rowena?!" Singhal niya sa kanila

"Teka! Teka! Layla! ako ito, si professor David! Isa sa ma-alamat na engkanto sa bayan ng amadeus! hindi mo na ba ako natatandaan?" Malumanay na tugon nito, napakunot naman ng kilay si layla habang pinagmamasdan ang itsura ni david simula ulo hangang paa.

"Ginoong david?!" wika ni layla at mistulang hindi pa rin kumbinsido.

"Oo! Ako nga!"

"Ginoong david!!" Sa sobrang kagalakan ni layla ay napalapit siya kay david at napayakap ng mahigpit. Napatigil lang siya sa pagyakap ng mapansin niya si intoy na nakatingin sa kanila.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now