IKA-TATLUMPUT APAT NA KABANATA: KINABUKASAN

148 18 1
                                    


[ika-tatlumput-apat na kabanata]

Nagising si Intoy sa isang puting silid, agad siyang napabangon ng mapagtanto niyang wala na siya sa kagubatan.

"Intoy, dahan dahan" ani ni Layla na agad nilapitan si intoy

"Nasaan ako? Nasaan tayo?" naguguluhang tanong ni intoy, ngumiti si Layla para ipakita kay intoy na ayos na ang lahat

"Nasa palasyo na tayo intoy, tapos na ang pakikipag-laban natin kay valu, hinahanap na siya ngayon ng mga sundalo ng purra" sagot nito dito

Biglang naalala ni intoy ang dragon na nasa tabi niya bago siya mawalan ng malay "Pero ang dragon? Nasaan ang dragon?"

Nag-kibit balikat si Layla "Yun ang hindi ko alam"

"Gising ka na din pala intoy" napalingon si intoy sa gilid niya ng marinig niyang mag-salita si axel, kapwa sila ngayon naka-higa sa isang kama na gawa sa acasia. "Ang sarap nga ng tulog ng tagapagtangol eh" pang-aasar ni Lily dito. Silang apat lang ang nasa silid ng sandaling iyon.

"Nandito ka din axel?"

"Hindi mo ba natatandaan? Tinamaan tayo ng tinik ni Valu kaya bigla tayong nahilo? Mabuti at naagapan tayo ni prinsesa Amaya" paliwanag ni axel dito

"Oo nga pala, nakaligtaan ko. Andami kasing nangyari kahapon" bumuntong hininga si intoy

"Anong problema intoy?" napansin ni Layla ang malalim na iniisip ni intoy ngayon

"Gusto kong makita ang dragon Layla, gusto kong makita kung nagawa din ba siyang iligtas ni haring esteban"

"Walang dragon na nakita intoy" si lily ang sumagot dito "Nung dinala ka nuong mga nakakita sa'yo sa gubat, ikaw lang ang kinuha nila. Walang bakas ng dragon" dugtong pa niya

"Imposible, bago ako mawalan ng malay, naramdaman ko yung buntot ng dragon na niyayakap ako. Pakiramdam ko, gusto niya akong samahan"

"Baka naman lumipad na yung dragon nung kinuha ka nung mga nakadampot sa'yo" ani ni Layla

"Pwede, pero kung lumipad ang dragon ay dapat natanaw man lang siya na lumilipad sa kalangitan" sambit ni axel

"Bakit intoy, ano bang problema kung nawala yung dragon? Halos winasak niya na ang buong sentral at malamang papatayin siya ni haring esteban kapag nakita ulit siya na lumilipad lipad dito sa paligid" ani ni lily

"kaya ako nag-aalala ngayon kasi... pakiramdam ko may gustong dumukot sa dragon"

Nagulat ang tatlo sa kanilang narinig "P-papaano mo naman nasabi 'yan intoy?" ani ni Layla

"kasi kahapon, nuong nag-laban kami ng dragon. Dinala niya ako sa kagubatan hindi dahil gusto niya akong tapusin, dinala niya ako sa kagubatan para ipakita yung kasama niyang dragon na namatay dahil sa atin. Pero nuong pag-punta namin duon, nawala na yung dragon na napatay ni propesor David, may posibilidad na may dumukot dito"

"Baka si Valu?" wika ni axel, umiling si intoy dito.

"Malabo, masiyado ng mahina si Valu para balikan pa ang dragon, ginawa niya nga itong pain para makakuha ng oras para makatakas eh"

"Tama, malabong si Valu ang may gawa nito, pero kung hindi siya? Sino?" ani ni layla

Biglang may kumatok sa pinto dahilan para matigil ang usapan. Agad din itong bumukas at pumasok ang dalawang hindi inaasahang bisita.

"Gising na pala ang tagapagtangol, tamang tama" ani ng lalake, nagulat si Layla ng mamukhaan niya kung sino ito. "Leandro?" bulong niya sa kanyang sarili.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon