IKA-DALAWAMPUT SIYAM NA KABANATA: PAG-DATING NG MGA TAGA PERLA

149 14 2
                                    


[Ika-dalawamput siyam na kabanata]

Tuluyan ng nakulong ang grupo nila intoy sa mga alagad ni Valu. Naisin man nilang pumalag o lumaban, alam nila sa mga sarili nila na matatalo lang sila lalo na't wala ng natitirang lakas si Amaya at naka-tingin sa kanila ng masama ang dragon na galit na galit sa kanila dahil sa pag-paslang sa asawa niya.

Muling umatungol ang dragon at bumuga ng apoy sa langit dahilan para mapayuko silang apat, sa lapit nila dito ay ramdam nila ang init ng apoy.

Tinapik ni Amaya ang kaibigan at sabay sabing, "Mukhang galit na galit talaga siya David sa ginawa mo sa asawa niya".

Bigla silang napa-hiyaw ng biglang taliin sila ng mga ugat na galing sa ilalim ng lupa, kanilang nakita ang paparating na si valu na naka-dikit pa rin sa mala-pugita nitong mga paa. "T-tatakas pa kayo ah" wika nito "Ngayon makikita niyo kung papaano ko wawasakin ang bayan ng purra gamit ang kapangyarihan ko, at walang makakapigil nito kahit mag-sama sama pa kayo!"

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni valu na animo'y nakakuha ng isang premyo mula sa isang patimpalak "Ganitong ganito ang ginawa ko sa bayan ng Grodus, hindi ako masiyadong nahirapan duon dahil sa liit ng sakop ng bayang iyon... pero dito sa bayan ng purra, masiyado akong napagod ng husto, lalong lalo na't nakisawsaw pa ang mga kaibigan ko. Alam niyo bang isang karangalan na mapatumba ang katulad ng bayang ito dahil parang napilayan ko na din ang buong isla ng odus? Karangalan dahil makikita ito mismo ng batang tagapagtangol" hinawakan ni Valu ang pisngi ni intoy

"Katulad ng nangyari sa Amadeus, magagawa ko ring sirain ang bayan na ito at wala kang ibang magagawa.... Ang tanging bagay na pwede mo lang gawin ay manuod, habang pinakikingan ang sigaw ng mga batang tumatakbo mula sa mga halimaw na binuhay ko, manuod habang tinutupok ng dragon ko ang mga palasyo na nakatindig sa bayang ito at manuod kung papaano ko papatayin ang hari ng bayang ito katulad ng ginawa namin sa hari ng amadeus na si haring laurel" malakas na binawi ni intoy ang kanyang pisngi mula sa pagkakahawak ni Valu dito.

"Hindi ka ba naawa sa mga nilalang na pinapaslang mo? Nasaan na ang puso mo valu? Nasaan na ang puso ng dating kaibigan nila propesor David at ni prinsesa Amaya na si mariko? Ganyan ka na ba talaga kasama?" sambit ni intoy dito, napailing nalang si valu sa kanyang narinig habang hinihilot ang kanyang magkabilang sintido.

"Sa tingin mo ba ay makukumbinsi mo ako sa mga munting salitaan mo? Patay na ang puso ni mariko na pinipilit mong kapaiin ngayon. Ganito lang kasi 'yan intoy..... lahat ng mga mabubuting engkanto na nakilala mo, lahat ng iyan ay magbabago kapag lahat sila ay napuno. Sa kasamaang palad, hindi mo pa iyon nakikita ngayon, pero subukan mo sila, subukan mong suriin ang paninindigan nila kapalit ang kapangyarihan, kayamanan at kasikataan. Lahat sila ay maglalaban laban hangang sa kanilang sukdulan, at duon mo makikita kung papaano sila mapuno. Sa pagkakataong nga lang iyon, ako ang nauna"

Biglang tumawa si Amaya habang umiiling iling "Ang sabihin mo, isa kang puta! na duwag! na walang kwenta! at madaling nagpa-dala sa pag-subok ng buhay. Tama ako hindi ba?" isang matalim na tingin ang ipinukol niya dito. Subalit nginitian lang siya ni Valu at nilapitan nito "Nakaka-tawa ka naman Amaya, hinahamak mo ako dahil madali akong nagpa-dala sa pag-subok ng buhay? Baka nakakaligtaan mo, ikaw ang unang umalis sa Amadeus dahil nais mong takasan yung masasakit na naranasan mo mula sa pagkamatay ng kasintahan mo at ng kapatid mo! Sa ating dalawa... ikaw ang puta! ikaw ang duwag! Ikaw ang walang kwenta"

Labis ang galit ni Amaya matapos bangitin ni Valu ang patungkol sa bagay na iyon, para siyang batang nag-wawala. "Huwag ka ng sumubok pang kumawala Amaya, wala ka ng lakas hindi ba?" Napasigaw nalang si Amaya dahil sa tindi ng galit.

"A-ano na pong gagawin natin propesor?" bulong ni Layla kay David. "H-hindi ko alam, sa pagkakataong ito. Nalamangan tayo ng kalaban" biglang nakaramdam si layla ng takot matapos marinig ang sinagot nito

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon