IKA-LABING ISANG KABANATA: DALAWANG LABAN

281 17 2
                                    


[IKA-LABING ISANG KABANTA]

"Ngayong nakita ko na si Prinsesa Amaya? Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Makaryo, nakabalik na kasi siya sa kanilang pinagtataguan matapos niyang matagpuan ang kinaroroonan ni Prinsesa Amaya.

"Kailangan niyo na akong madala sa kanya kahit mamayang gabi, kailangan ko na siyang maka-usap tungkol sa kalagayan ko" Tugon ni Valu na halatang nahihirapan, halos nangangayat na siya dahil hindi siya nabubusog sa mga engkantong dinadala nila Janry at makaryo sa kanya.

"Subalit pano kung hindi naman pumayag si prinsesa amaya na tuparin ang kahilingan niyo master valu?" tanong naman ni janry dito.

"Hindi siya pwedeng tumangi!" Si Makaryo ang sumagot

"Hindi talaga siya pwedeng tumangi at sa tingin mo ba ay hindi ko na naisip ang mga posibilidad na yan janry? Syempre bago niya tuparin ang kahilingan ko ay kaylangan may makuha siyang kapalit na kapaki-pakinabang sa pansiriling interes niya at iyong bagay na ipapalit ko ay siguradong hindi niya matatangihan" Isang mapusok na ngiti ang gumuhit sa labi ni Valu dahilan upang mapakunot ang nuo nila makaryo at janry.

"Ano naman po ang bagay na ipangpapalit niyo?" Tanong ni Janry

"Ang pinagbabawal na ritwal... Ang pagbuhay sa mga patay" Napangiti si Makaryo matapos marinig ang bagay na iyon.

"Hindi ba't---- Papaano niyo nalaman ang tungkol sa ritwal na iyon Master Valu? Ang ritwal na yan ay kapangyarihan ng dating tagpagtangol na si Master Arthur at siya na din mismo ang nagpabawal sa pag-gamit nito, ngayon papaano kayo nakakuha ng kaalaman upang malaman ang isang ritwal na kagaya nito?" Maski si makaryo ay sabik sa kaalaman upang matutunan din ang pag-gamit sa pinagbabawal na ritwal.

"Binuhay ako mula sa pagkakamatay ko... sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman ang proseso sa ritwal na iyon at kasama ng ilang impormasyon na nakuha ko sa paglilibot sa bayan ng perla, nakuha ko mismo ang tamang mga salita na ibibigkas upang maisakatuparan ang pinagbabawal na ritwal subalit hindi pa konkreto ang ritwal kong ito, mayroon pa ding kulang" Paliwanag ni Valu

"Papaanong kulang?"

"Kailangan kasi ay makontrol ko ang pag-iisip ng mga patay na aking buhay... upang sa ganon matawag na perpekto ang pinagbabawal na ritwal, ang nilalang lang na may kayang gawin iyon ay walang iba kundi si master arthur, subalit sa kasamaang palad kasabay ng kanyang pagkawala. Nawala din ang lahat ng impormasyon patungkol sa pinagbabawal na ritwal, iilang impormasyon lang ang kanyang naiwan sa bayan ng perla"

"Sa madaling salita ay palyado parin ang pinagbabawal na ritwal subalit papaano mapapakinabangan ni Prinsesa Amaya ang bagay na iyan?" Si Janry ang nagtanong

"Kapalit ng pag-gamot sa akin ay bubuhayin ko ang kanyang unang nobyo na si Rico at pati na rin ang kanyang nakakabatang kapatid na si Dandan. Kilala ko si Amaya, mabilis siyang madarang kapag ang dalawang lalake na iyon ang pinag-uusapan" halatang kabisado na ni Valu ang kanyang dating kaibigan na si Amaya kaya naman gagamitin niya ang kaalaman na iyon upang isahan ito.

Sa gitna ng pag-uusap nila ay biglang pumutok ang isang bumbilya na nasa gilid nila dahilan para magulat sila Janry at makaryo.

"A-anong nangyari?!" Tanong ni Janry

"Bakit biglang sumabog?" Tanong naman ni Makaryo

"Si Dante.... Patay na" Si Master Valu ang tumugon.

"Namatay? Bakit nasaan ba siya ngayon?" Tanong ni makaryo

"Sumugod lang naman si tanga mag-isa sa palasyo, inaakala niya siguro ay mapapatay niya mag-isa ang batang hari" Wika ni Janry habang umiiling iling pa.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ