IKATLONG KABANATA: OBLIGASYON

342 18 0
                                    


[Ikatlong Kabanata]

Mula sa isang simpleng palasyo, pumasok ang dalawang engkanto na mukhang galing pa sa malayong pag-lalakbay, agad silang kumatok sa pinto nito at dali-dali naman silang pinag-buksan ng isang matandang tiktik na halatang uugod-ugod na.

"Ginoong Jose! Mabuti naman at nakabalik na kayo" Bati ng matanda kahit na medyo mabagal na ang kaniyang pagsasalita, agad na tumabi ang matanda upang makapasok ang dalawa sa loob ng munting palasyo. "Nga pala, ito pala si Lola Mirasol, siya ang mayordoma ng aking palasyo" Pagpapakilala ni Jose sa kasama niya "At ito naman si Susan, anak ni David at kaza mula siya sa bayan ng Amadeus at siya ang kilalang si tigre, nandito siya upang tulungan tayo na mahuli ang dalawang bandido na gumagawa ng lagim dito sa sentral" agad namang pinag-masdan ng matanda ang buong itsura ni kaza simula ulo hangang paa. Agad siyang napangiti at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Umaasa ako na matutulungan mo kami sa suliranin namin" Wika ng matanda, tumango naman si Susan at nginitian ito "Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang makakaya ko upang matulungan kayo" Agad namang pina-upo ni jose ang kanyang bisita sa kanyang malambot na upuan at agad ding nag-handa si Lola mirasol ng makakain dahil siguradong pagod ang dalawa mula sa isang malayong paglalakbay.

"Kumain ka muna hija, alam kong nagugutom ka" Wika ni lola marisol sabay lapag ng makakain sa mesa, agad namang ngumiti si Susan at dahan-dahang kumain, napabilog ang kanyang mata ng masarapan sa pag-kaing inihanda sa kanya "N-Napakasarap po nito" Wika niya dito, napatawa naman ang matanda dahil sa tuwa sa naging reaksiyon ni Susan sa inihanda niya.

"Masarap talagang mag-luto itong si Lola mirasol. Nagagawa niyang espesyal ang isang normal na putahe" Wika ni Jose na nagpapalit na ng damit. "Lola mirasol maari niyo po bang pag-handaan ng silid at mga damit ang ating bisita? Nais kong maging komportable siya sa kanyang magiging silid dahil siguradong hindi magiging madali ang pag-tugis niya sa dalawang bandido na sakit sa bayan ng purra" Agad namang tumango ang matanda at dali-daling umakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon at inasikaso ang magiging silid ni Susan.

"Ginoong Jose, maari ko na bang malaman kung sino ang dalawang bandido na nais niyong ipahuli sa akin" Wika ni Susan habang kumakain, dali-daling nag-tungo si Jose sa isang aparador at may kinuhang dalawamg papel, agad niyang inilapag ang mga ito sa mesa ni Susan.

"Iyan ang larawan ng dalawang bandidong tinutukoy ko" Pinag-masdan ni Susan ang larawan ng dalawang bandido na ginuhit gamit ang tinta, napakunot naman ang kanyang nuo dahil halos hindi niya makita ang pag-mumukha ng mga ito dahil sa maskarang nakasuot sa pagmumukha nila, maliban sa isa dahil kahit papaano na makikita mo ang kalahati ng kanyang mukha samantalang ang kalahati nito ay natatakpan ng tela.

"Ang isa diyan ay isang sigben at ang isa naman diyan ay isang wakwak kagaya ko" Panimula ni Jose sabay punas sa mga pawis na nag-lalabasan sa kanyang mukha "Kinatatakutan silang dalawa ng mga-taga sentral dahil isa silang tinik sa amin! Isa silang salot para sa amin!" Galit na wika nito, pinagmasdan naman mabuti ni susan ang itsura ni jose na halos nanginginig dahil sa galit.

"Saan ko makikita ang dalawang ito?" Tanong ni Susan sabay inom ng tubig. Agad siyang tinabihan ni jose at tinitigan sa mata "Sa lugar ng mga kriminal, sa merkado!" Napakunot naman ang nuo ni Susan sa narinig. Nahalata naman ni Jose na bahagyang naguluhan si Susan sa sinabi niya kaya naman huminga muna siya ng malalim upang mas ipaliwanag dito ng klaro ang tungkol sa dalawang bahagi ng bayan ng purra.

"Nahahati sa dalawang parte ang purra, dito mas nabibigyang pansin ang estado ng bawat engkanto kung saan dapat siya nabibilang, ang unang bahagi ay ang sentral. Dito naka-tira ang lahat ng mga negosyante, mga popular at makapangyarihan engkanto dito sa bayan samantalang sa merkado naman, sa labas ng pader ng sentral. Dito nakatira ang mga mababaho! mangmang! kadiri na engkanto at higit sa lahat mga kriminal! pero sa lahat ng mga kriminal na meron ang merkado, meron lamang na dalawa na namumukudtangi! Si Zabarte at si Mina" Isang matalim na titig ang binigay ni Jose kay susan na mas lalong naging enteresado sa buong kwento.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Where stories live. Discover now