Part 15

43 1 0
                                    

- Jasper's POV

"Sure ka bang hindi ka na sasabay sakin?" si Third. Tinapik ko siya sa balikat.

"Yeah. Dont mind me, may dadaanan pa ako."

"Alright. So, panu lalarga na ako?"

"Yes, go ahead. Magkita na lang tayo  mamaya."

"Okay, Dude. Chow!" at agad na itong nagsuot ng helmet, saka mabilis na pinaharorot ang Racer Bike na motorsiklo.


Ako nama'y agad ding bumalik sa loob ng campus at mabilis na tinahak ang daan papuntang cafeteria. Makikipagkita ako kay Tee Jay -- Senior  ko sa Polscience. --ilang linggo din kasi akong um-absent kaya ang dami kong lessons na kailangang habulin. Alam kong napagdaan na niya ang mga subjects  namin, kaya humingi ako ng previous notes niya na maaari kong pag-aralan. Pina-copy ko iyon sa USB.



Subalit sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay bigla akong napahinto sa aking nakita. Sa di-kalayuan kasi ay natanaw kong masayang nakikipagkwentuhan habang nakaupo sa isang bench si Alexa, kasama ang dalawang lalaki't isa pang babae. Sa daraanan talaga sila naka-pwesto kaya nagdalawang isip tuloy ako kung dideritso ba ako o liliko na lamang sa kabilang pasilyo.


But, damn!... I guess its too late for me to retrieve now kasi nakita na niya ako. At isang matalim na tingin lang naman ang pinukol niya sa akin, at talagang inirapan pa niya ako sabay talikod.

Whuuaaat?!!! Seriously?! .... hmf! 😏

Humugot ako ng isang malalim na hininga, tsaka lakas-loob na dumiretso at tinahak ang daan. Ewan ko kung ano namang kalokohan ang pumasok sa isipan ko at lumapit pa ako sa kanya. At habang nakatalikod siya ay bigla kong hinablot ang cellphone sa kamay niya.

"YaaAh!!!" tili niya.

Bibigwasan pa sana niya ako, pero buti na lang at naka-ilag ako.

"Wow, self-defense! thats cool." I said sarcastictly.

Pilit niyang Inaagaw ang cellphone sa kamay ko, pero itinaas ko iyon para di niya maabot. Gulat namang napatingin sa amin ang mga kasama niya, at kita ko ang pagtataka at pagkasuya sa mga mukha nila. Lalo na yung dalawang lalaki.

"Ano bang problima mo?! Nananadya ka ba?!" she continued.

"Is there any problem?" tanong naman ng isa sa mga lalaking kasama niya.

I just smirked and ignore him, kaya mas lalo itong nainis.

"Do you know him, Lex?" Tanong din nong isang pang lalaki. Napatayo na ito sa kina-uupuan at lumapit sa amin.

"Will you please mind your own business?" sabat ko, at  napatanga naman ito.


"Ano?! E gago ka pala e!"


Akma sana nito akong susuntukin,  subalit maagap naman iyong  napigilan ni Alexa.

"Please stop!" pumagitna siya. "Its alright, guys. I know him."

"Are you sure?" yong babae.

"Y-yeah. I-im sorry, but please excuse us." sabay hila sa damit ko at hinatak akong palayo sa mga ito. Nagpatianud naman din ako.





----------------------------

- Alexa's POV


"Are you out of your mind?! Ano bang problima mo?" nang-gagalaiti kong tanong ky Jasper.


My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon