Part 12

59 3 0
                                                  

- Alexa's POV



Ala-una pasado na ng hapon ng lumabas ako ng kwarto. Talagang namang sinulit ko ng bonggang-bongga ang araw na ito sa pagpa-pahinga habang wala pa akong pasok. Linggo kasi ngayon, kaya plano kong humilata't mag-stay lamang ng buong araw sa loob ng bahay. Buong linggo din kasi akong naging abala sa iskul at halos wala akong sapat na pahinga, kaya ngayon lamang ang pagkakataon ko para masulit iyon.

Naabutan kong nanunuod ng tv at kumportableng naka-upo sa mahabang sofa si Mama ng bumaba ako.

"Goodmorning Ma." bati ko.

"O, gising kana pala." anito na hindi man lang tumingin sakin.

Tutuk na tutuk talaga ito sa pelikulang pinapanuod kaya tinabihan ko na lamang sya't nakinuod na rin. Comedy ang pinapanuod nya kaya naman panay ang tawa niya kahit medyo corny at hindi naman masyadong nakakatawa yung ilang mga scenes. Sadyang mababaw lang  talaga ang kaligayahan niya, kaya kahit simpleng joke lang ay natatawa agad siya. Nahahawa at naaa-aliw nga din ako sa mga reactions niya, kaya napapa-ngite na lamang din ako.

"Gusto mo na bang kumain? Ipaghahain kita." tanong niya pagdaka.

"Later Mom. I dont feel like eating right now. Magti-tea na po muna ako."

"Ganun bah? O siya sige't gagawan kita." anito at agad namang tumayo papuntang kusina.


"Thanks Mom." pahabol ko pa habang nakangite.


Ewan ko, pero parang tinatamad talaga akong kumilos ngayon, at parang wala akong kagan-ganang gumalaw. Kaya naman umayos ako ng posisyon at tuluyan nang nahiga at humilata sa sofa. At wala pang isang minuto'y bumalik agad si Mama bibit ang isang tasa ng tsaa. Pinatong nya iyon sa side table na malapit lang sa uluhan ko, tapos naupo na rin agad sa kabilang bahagi ng sofa.


"Kamusta nga pala ang try-out mo?"  she asked.

"Okay naman po. Bukas pa malalaman ang final result ng mga makakapasa."

Bumangon uli ako't umayos ng upo at kinuha ang tsaa. Medyo mainit pa iyon kaya hinihipan ko muna bago ininom.

"Ganun bah? Dapat pa la, e magpa-pansit ako bukas."


Napakunot-nuo ako sa sinabi nya.

"Huh? Bakit? anong meron?"

"Aba'y syempre, mangunguna ba naman ang anak ko sa listahan ng mga pasado, e natural magsi-celebrate ako." tila confident pa talaga ito sa sinabi, kaya bahagya akong natawa.


"Naks naman, lakas ng confident."

"Syempre naman, wala nang duda 'yon. Ikaw pa bah?" then she smile at ginulo ang buhok ko. Mabuti na nga lang at hindi natapon yung tsaang hawak ko.

Honestly, kinakabahan ako sa resulta. Parang ayaw ko na ngang umasa dahil baka masaktan lamang ako. Halos magagaling din kasi ang mga sumali kaya napanghihinaan na ako nang loob na makapasok pa. Mapalad na nga lang din siguro na naka-abot pa ako hanggang sa third round ng trials. Isa pa, sa dinami-dami ba naman ng mga lumahok, e sampu lang din naman ang kukunin nila. Kaya naman mas lalo akong nawalan ng pag-asa.

Minsan pala nakaka-pressure din kapag alam mong may mga taong bumibilib sayo, dahil sa takot na baka mabigo mo sila or baka hindi mo ma-meet ang mga expectations nila para sayo. Katulad na lamang nitong si Mama. Hindi naman siya laging nagsasabi, pero alam kong umaasa siya lagi na palagi akong nangunguna sa lahat ng sinasalihan ko. Lagi nga niya akong ipinagyayabang at bini-bida sa mga kaibigan niya, kaya naman mas lalo ko pang pinagbubutihan dahil ayoko ring mapahiya siya. Yes of course, I always did my best. But what if, kung ang best ko pa lang iyon ay hindi pa rin sapat? at iyon lagi ang inaalala ko.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon