Part 11

59 3 0
                                              

- Jasper's POV



Balak ko sanang dumiretso sa Dorm, at wala talaga sa plano kong umuwi sa bahay. Pero ewan ko at bakit sa huli ay dito parin ako napadpad at dinala ng aking mga paa.

Takang-taka nga kanina si Nanay Linda ng mapagbuksan nya ako ng gate, dahil buong akala nya'y nasa paaralan ako, lalo pa't lunes ngayon. Panay din ang tanong nito, pero hindi ko na lamang sinasagot dahil alam kong mag-aalala lamang siya. Mabuti na nga lang at hindi halatado itong bendang nakapulupot sa beywang ko, dahil kung nagka-taon, naku, ewan ko na lang.

Si Nanay Linda nga pala ang Mayordoma namin dito sa bahay. Maliit pa lamang ako'y nandito na sya't naninilbihan sa amin, kaya masasabi ko na rin na parang parti na rin sya ng aming pamilya. Sa totoo nga nya'y mas malapit pa ako sa kanya kumpara sa aking mga magulang, dahil mas madalas ko pa syang kasama kesa sa mga ito. Siya lang naman kasi lagi kong takbuhan sa tuwing pinapagalitan ako nila Mommy't Daddy, at siya rin ang laging sumbungan ko kapag nag-aaway kami ni Kuya. Kaya itinuturing ko na rin sya na parang pangalawa kong ina.

Kaninang pagdating ko dito sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto at agad na humilata sa kama. Hindi naman ako pagod pero parang gusto ko lang talagang magpahinga. Sa katunayan nga nya'y nakahiga pa rin ako dito hanggang ngayo't nakatanga lamang sa kesami. Kung anu-ano kasi ang naiisip ko, kaya tuloy parang wala akong ganang kumilos.

Kamusta na kaya si Carla? Sa mga oras kaya na ito ay naiisip din nya ako? Isang linggo na buhat ng maghiwalay kami, subalit hanggang ngayo'y wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Malabo pa nga yatang magkausap kami dahil disidido yata talaga itong iwasan ako at hindi man lang nagre-response sa lahat ng mga tawag at text ko. Maging mga kaibigan nga niya'y hindi din sumasagot sa tuwing tinatanong ko kung nasaan siya at panay din ang iwas ng mga ito sa tuwing makaka-salubong ko sila sa daan. Hindi ko din naman sila mapipilit kaya wala din akong choice. So, ano pa nga bang magagawa ko? 😔


"Hindi ka ba nagugutom?"


Napukaw ang atensyon ko sa tanong na iyon ni Nanay Linda. Sa subrang lalim ng iniisip ko'y hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya.

"Aba'y kanina pa ako katok ng katok sa pintuan pero hindi ka man lang sumasagot. Kaya nama'y pumasok na ako, kako baka naka-headset ka na naman." pahayag nya saka umupo sya't tinabihan ako.

Bumangon naman ako't umayos na rin ng pagkaka-upo malapit sa kanya. Saka ipinilig ko ang aking ulo sa kanyang mga balikat.

"Kaya pa?" mahinahon niyang tanong saka hinawakan ang mga kamay ko. Ramdam din siguro niyang may pinagdadaan ako.

"Kaya pa naman po." mahinang ko din namang sagot.

"Sadyang ganyan talaga ang buhay, Anak. Hindi ka matututo sa isang bagay kung hindi mo mararanasang mabigo at masaktan. Magpakatatag ka lang, alam ko namang kaya mo yan. Ikaw pa bah?" pagbibigay lakas loob nito saka mahinang pinisil ang kamay ko.

"Iyan talaga ang isa sa mga nami-miss ko sa inyo e." then i hug her.

"Naku, kung talagang nami-miss mo ako, e di bumalik ka na dito sa bahay."

"Nay naman. Alam niyo naman po ang dahilan, diba? Kung hindi na nga lang po dahil sa inyo, e hindi na ako pabalik-balik dito sa bahay." sinamahan ko pa ng pagkindat ang huling sinabi saka tila nagpa-cute.

"Naku, binola mo pa akong bata ka. Tumayo ka na nga dyan at kumain ka na. Mag-aalas dos na, hindi ka pa rin ba nagugutom?"

"Medyo nagugutom na nga po." sabay ngite habang napahawak pa sa tyan ko.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon