Part 14

89 1 0
                                    

- Jasper's POV

Ilang oras na ang lumipas mula ng makarating ako dito sa Dorm, pero ang diwa't isip ko ay naiwan pa rin yata doon sa bahay nina Alex.

I dont know why, pero kahit anong gawin kung paglilibang ay hindi pa rin talaga ma waglit-waglit sa isip ko ang mga nangyari.

Hindi ako mapakali. Para na nga akong baliw dito na kanina pabalik-balik at paikot-ikot ng lakad sa maliit na espasyo ng aming kwarto.

"Dude, ano ba? umupo ka nga't kanina pa ako nahihilo sa'yo." saway ni Glen. Kasalukuyan itong nakadapa sa kama habang nagbabasa ng libro.

"Kaya nga. Hindi na nga rin ako maka-concentrate dito sa ginagawa ko." reklamo naman ni Toby na bising-bisi namang nagtitipa ng keyboard sa harap ng laptop, sa study table.

Para naman akong walang narinig at patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Dude naman, please! Kailangan kong matapos 'tong ginagawa ko't isa-submit ko pa to bukas." tila nagmamaka-awa nang paki-usap ni Toby.

Tumalima naman agad ako't tumigil na rin sa kabaliwang ginagawa. Humiga na lamang ako sa tabi ni Glen.

"May problima ba, dude?" mahinang tanong ni Glen habang ang mga mata'y nakatutuk pa rin sa librong binabasa.

Napapikit muna ako, saka humugot ng isang malalim na hininga.

"I kissed her." malumanay kong pahayag, habang blanko ang mukha't nakatingin lamang sa kisame.

"No-no-no. Hindi pala ganun dahil hindi q naman 'yun sinadya, and it was an accident." biglang bawi ko sa sinabi.

"B-but still.... but still, we can't deny it... We can't deny the fact that we had a... kiss." dugtong ko pa, then I sigh. 😔

Wala akong narinig na anumang salita mula kay Glen matapos sabihin ang mga bagay na iyon. Marahil hindi lang niya narinig, kaya tumahimik na lamang din ako't ipinikit na lamang ang mga mata. Subalit laking gulat ko, nang pagmulat ko ay mukha agad niya ang aking nakita. He was intently looking at me, with an AWE.

"Woooaaah!! I can't believed it. Is that really you, Jasper?" he said, while shaking his head. Umayos ito ng upo, saka tuluyang humarap sa'kin.

"Gago! Ano bang klaseng tanong 'yan? Piktusan kita dyan e."

"Seriously, hindi lang talaga ako makapaniwala."

"Makapaniwala saan? Sa kiss? Yeah, me either."

"No, not in the kissed, but in you, and your reactions. It's the first time, you know." natawa pa siya.

"Damn! ano bang pinagsasabi mo?" siniko ko siya.

"Kanina ka pa kasi balisa at wala sa sarili. Akala namin kung napano ka na naman, pero my gad! kiss lang pala? Kiss lang naman pala, e nagkakaganyan ka na." pang-aasar pa niya.

Anu raw? 'Kiss lang pala?!' He's kidding right? Wow hah... hmmmf!

I glared at him.

"E totoo naman diba? Hello, it was just a kiss, Dude! As if naman hindi ka pa sanay sa ganun, e nahalikan mo na nga yata halos lahat ng mga beauties and popular girls ng LU. Pa wholesome ka pa dyan eh." he added.

Ang exage naman ng uguk na 'to. 😏

"What the ...!" at binato ko siya ng unan, pero nasalo din naman niya agad iyon.

"My gad! You are not our Dude! You're not Jasper!" he exclaimed. At talagang umarti pa siya na kunwari takot, at sumiksik pa talaga siya sa headboard ng kama, habang tinatago ang mukha sa hawak na unan.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon