Una

145 3 0
                                    

- Alexandra's POV


Araw ng Lunes, buwan ng Hulyo. Unang araw ko ngayon bilang Freshmen Student sa Lobresa University.

"I.D please." salubong ni manong guard ng pumasok ako sa malawak at mataas na tarangkahan ng naturang eskwelahan. Ipinakita ko din naman agad iyon sa kanya, kaya tuluyan na niya akong pinapasok.

Halos nabusog ang mga mata ko sa gara at marangyang tanawin na aking nakikita. My gosh! totoo ba 'to?! Para akong kinikilig. Pangarap ko kasi talagang makapag-aral sa eskwelahang ito, kaya di ko lubos akalaing makakapasok nga ako sa sikat at high class na unibersidad na'to.

Masyadong malawak ang kabuo-an ng Iskol, kaya napag-desisyunan ko na mamayang hapon na lamang maglilibot, at uunahin ko na munang hanapin kung saan ang magiging silid ko. Alas nuebe pa naman ang unang subject ko, pero mainam na yung maaga, kesa naman sa ma-late ako.

Gamit ang booklit na ibinigay ng school bilang guide, ay mabilis kong nahagilap ang building department na aking hinahanap. Kasalukuyan na nga akong papa-akyat sa ikalawang palapag niyon ng bigla namang may bumunggo sa akin. Napangiwi ako't impit na napa-daing habang sapo-sapo ang kaliwang braso. Ouch!

I don't think na aksidenti lamang 'yon. Coz it's not only once besh, but twice. And that's weird, dahil sa lawak ba naman ng ispasyo ng hagdanan, e sa gawi ko pa talaga sila dadaan? Duuuuh!.... And the funny thing is,  magkasunod pa talaga silang bumangga sa akin? Jusko, mabuti na nga lang at nakahawak agad ako sa railing ng hagdanan, disin sana'y nahulog nga ako. At mabuti din at nasa unang baytang pa lamang ako, dahil kung sakaling nahulog man ako, edi mataas sana ang kababagsakan ko. Promised, it's hurts.

"My gad! tumabi ka kasi at wag tatanga-tanga! You're blocking the way, Idiot!" reklamo nung isa, sa dalawang babae.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya? What? Are they kidding me?! Nasa gilid naman ako ah. Sila pala 'tong mga idiots eh!

"Next time kasi 'wag kang pa kalat-kalat kapag dumadaan kami! Baka sa susunod hindi lang 'yan ang abutin mo." Nakapa-meywang namang sabad nong isa pa.

Napama-ang ako. Seriously? Are they threatening me? Hmf! Teka, teka, teka! Di na yata tama 'to. Tumayo ako't hinarap sila.

"E kayo pala 'tong tanga at idiot eh! Di niyo ba nakikitang nasa gilid na ako?! Di niyo yata alam kung saan ang tamang lugar ng gilid at gitna e! And hello!... Im not blocking your way! IDIOTS!!" nanggi-gigil na talaga ako. H'wag lang nila akong subukan, at di ko talaga sila uurungan.


"What did you say?!" napipikong tanong ng naunang babae. Isang matalim na tingin ang pinukol nya sa akin at ganun din nung kasama niya.

"Hindi ka naman siguro bingi, diba? Kailangan ko pa bang ulitin? Duuuuh!" Matapang ko namang sagot. Magpapatalo ba naman ako?


But infairnes hah, ang gaganda't ang si-sexy nila. Lalo na yung naka-crop top na itim na parang artistahin at modelo ang dating. My gosh! wala man lang akong panama kahit man lang sa mga porma nila. But then, so what?! I don't care! Kahit gaano pa sila kaga-ganda't kasi-sexy, e kung ang sasama din lang naman ng mga pag-uugali, well, di-bale na lang.

Napapalibutan na kami ng ilang mga studyante. Mag-eksena ka ba naman sa ganitong klaseng lugar, e natural, agaw atensyon talaga 'yon sa madlang people. Kunsabagay, hindi naman ako ang nag-umpisa. Im just defending myself. Masama ba 'yun?

"C'mon, girl. We're just wasting our time here." sabi nung naka-black.

Inirapan pa talaga niya ako at saka nag-about face. Ganun din ang ginawi ng sidekick nya, este nong kasama nya, hanggang sa tuluyan na nga nila akomg tinalikuran.

Aba't ang ba-bastos ng mga bruhang 'to a! Ganon-ganun na lamang 'yun? Aalis na nga lang, e magtataray pa?! Ang bad naman yata nun. Maturuan nga ng leksyon, at baka sakaling matauhan.

Nag-unat ako ng katawan saka pinalagatok ang mga daliri sa kamay. Sus, akala mo nama'y sasabak talaga ako sa awayan. Anu ba naman ang silbi ng pagiging brown belter ko sa Taekwando kung di ko man lang magagamit bilang depensa sa mga ganitong sitwasyon? Napakababaw na rasun, pero ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat, e yung inaapi ako. Di na ako katulad nong dati na nagpapabaya na lang. Natuto na ako, kaya  hanggat nasa tama ako, lalaban ako.


"Hey you!!" Dali-dali ko silang sinundan.

Susugurin ko na sana sila ng may mga mabibigat na kamay na pumigil sa akin at hinatak ako bigla. Hindi ko alam kung nagkataon lang dahil napasubsub talaga ako't napayakap sa dibdib niya.


"Kung ano man ang binabalak mong gawin, h'wag mo nang ituloy!" He said firlmy.


"And who are you?!" I asked angrily pero di man lang nag-effort para sumagot. I try to get away from him, but his grip is too strong for me para manlaban.


"Enough!" saway ulit nito, kaya napamaang ako.


Pero infairness, ang bango niya. At para pa yata akong mahihipnutismo sa sarap ng samyo ng pabangong ginamit niya, lalo pa't humalo ito sa amoy ng balat niya. parang natural scent lang kumbaga. But, it doesn't matter, anyway. Back to reality.


At yun na nga, pinilit ko pa ring kumawala sa kanya, subalit di ko yun magawa dahil mas lalo pa yata niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. PAGKAKAYAKAP to be exact. Parang di yata uubra ang Power kick, Super punch at self defense ko hah.


"Ano ba?! bitiwan mo nga ako!" nang gagalaiti kong paki-usap at para naman itong bengi na walang narinig.


"I said, enough! Stop it, will you?!" bagkus sabi niya na nasa high tune na.


Natigilan ako. Galit na ba siya sa lagay na 'yan? Gago lang? Sino ba kasi ang sira-ulong lalaking 'to na bigla na lamang um-eksena? Yun tuloy, tuluyan nang umalis ang mga Bruha.



"SABING BITIWAN MO...A-KO!!"



Sa subrang galit ay buong lakas kong tinapakan ang isang paa niya na naging dahilan para mabitawan niya ako. So, I grab all the chances to gather all my strength and gave him an elbow strike. At 'yon, sapol. Bagay lang yun sa paki-alamerong katulad niya. Buti nga.

Nakawala nga ako sa kanya, pero sa di namang inaasahang pangyayari ay napatid ang isang paa ko sa ibabang bahagi ng step ng hagdanan kaya na out balance ako. Napahiyaw ako habang pilit na inaabot ang kamay niyang nakahawak pa sa pesnging tinamaan ng pagsiko ko. 'Aaaaaaah!' this is so insane! para akong tanga.



I dont know what happen next, basta napa-pikit na lamang ako sa subrang takot. My gad! Ilang sakit pa ba ng katawan ang aabutin ko sa araw na ito? Hindi pa nga nangangalahati ang araw, e bugbug sarado na ako. And now I realized, that it's too much embarasing. What a good start.





Juice colored, sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.








😭😭😭






- to be continued.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon