Ika-tatlo

118 3 0
                                    

- Alexa's POV


Bakit ba napaka-malas ng araw na ito para sa akin? Sa ilang minuto palang na pagtapak ko sa eskwelahang ito ay marami na agad ang nakakahiyang nangyari. Di ako na inform na bongga pa lang magpa-welcome ang iskol na ito. Di tuloy ako prepared. Hmf!


Para nga akong basang-sisiw na pinapalibutan ng mga estudyante, habang nakasalampak sa sahig. Gagong lalaking iyon, pagkatapos nya akong bitawan ay bigla na lamang akong iniwan. Wala rin 'yong ipinagkaiba sa dalawang babaeng bumangga sa'kin. H'wag lang mag-krus ang mga landas namin, dahil kung sakali ay malalagot talaga sila sa'kin.


Akma na sana akong tatayo nang may isang mabuting-puso na umabot ng kanyang mga kamay para alalayan ako. Tumingala ako para tignan kung sino iyon. And I was starstruct ng makita ang isang gwapong mukha na tila isang anghel sa ilalim ng napakasilaw na sinag ng araw.

"Are you alright?" anito habang inaalalayan ako. Pinulot pa nito ang bag kong nagkalat sa sahig, saka inabot sakin.


"Y-yeah, thank you." pinagpag ko pa muna iyon bago isinuot.

Hay, mabuti naman at may natitira pang anghel, este, mabait sa eskwelahang ito. At salamat din dahil nagsi-alisan na ang mga usyu-serong mga estudyante na tila aliw na aliw pa yata talaga sa kanilang mga nasaksihan.


"I saw what happened, Im sorry." he suddenly said.


"Huh? ba't ka naman nagso-sorry, e wala ka namang kasalanan? Ikaw pa nga itong tumulong sa akin."


"I told you, I saw what happened, pero wala man lang akong ginawa para tulungan ka. I really feel bad. Im sorry." bagamat nakangite ay mababakas pa rin ang panghihinayang at lungkot sa mukha niya.


Pero infairness hah, kinilig ako. Yeeeh! Hindi matago ang galak sa kalooban ko kaya napangite ako.


"And now, Im glad your smilling." anito at napangite na rin. Bigla akong namula.

"By the way, Im Niko. Bagong studyante rin ako rito." then he gave his hand.


"Im Alexa." at tinangap ko din naman agad iyon. Finally, may kakilala na rin.


"Freshmen?" I asked.


"Nope. Im a transferee and a second year student. Im taking-up BS-Enginering at doon lang sa kabilang building ang department ko. E, ikaw?"


"Freshmen student naman ako, and Im taking-up BS-Education. Saka, dito lang mismo sa building na to ang department ko."


"Oh really? I see," tumango ito.


Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Natural, bagong magkakilala, kaya medyo nagkakahiyaan pa. Ang Akward.


"Are you sure, okay ka lang?" basag nito sa katahimikan. Nahalata siguro nito na hindi ako kumportable.


"H-honestly, I-im not. But, dont worry, I'll be fine, later. Medyo na surprisa lang ako sa pa-welcome ng school na 'to. Hindi lang kasi ako prepared." bahagya akong natawa, at ganun din naman ito.

"Wala bang masakit sayo? I-i mean, baka kasi nagkabali-bali na yang mga buto mo dahil ilang beses kang...hmm, alam mo na..." di pa niya maituloy-tuloy ang sasabihin. My gad! Grabe, nasaksihan niya lahat ng iyon? Juice coloured, nakakahiya.

At para din naman akong tanga na agad din namang nag body checking. Kinapa ko ang bawat parti ng aking katawan. Well, parang okay naman ako. Pero bahagya akong napangiwi ng dumako ang kamay ko sa kaliwang bahagi ng aking balakang. Ramdam ko ang nanonoot na hapdi at kirot na sigurado akong dulot ng malakas na pagbagsak sa akin ng gagong lalaking iyon. Bigla na naman tuloy uminit ang ulo ko. Grr!

"Gusto mo samahan na kita sa clinic?" nag-aalalang tanong nito ng makita ang reaksyon ng mukha ko.

Im not aware na nag-reflect pala sa mukha ko ang inis na nararamdaman, kaya akala tuloy niya ay may iniinda akong pananakit ng katawan. Which is meron naman talaga. Nakahawak pa man din ako sa kaliwang ibahagi ng aking balakang.

"Oh, no no no. Thank you." maagap ko namang sagot sabay iling. "It's alright. Ayaw ko din namang lumiban sa klase lalo pa't unang araw pa lang ngayon. Mawawala din naman siguro ito maya-maya. Salamat."

"Sigurado ka? Baka mas lumala pa yan pag hindi mo maipagamot ngayon. Mas mabuti na yung sigurado."

Napangite na lamang ako sa concern na pinapakita niya.


"Dont worry, I'll be fine. But anyways, thank you so much. I really apprecaite it." and I smile. Napabuntong hininga na lamang ito habang nakangite, knowing na wala siyang panalo sa akin.

"Alright, as you like. But incase na masakit pa rin hanggang mamayang gabi, then ipahilot mo na agad at wag mo nang hintaying lumala pa, okay?"

"Okay po, I will. Thank you po." biro ko with matching vow pa.

Natawa na lamang ito saka napakamot ng ulo. Parang nawala na yung awkwardness sa pagitan naming dalawa, unlike kanina.

"Oh wait, anong oras na?" bigla kong tanong. At agad naman itong tumingin sa suot na relo.


"It's Eight fiften."


"WHAT?!" OMG!! fiften minutes na lang at mali-late na ako.

"Im sorry, Niko, pero kailangan ko na sigurong umalis." nag-aalangan pa ako sa pagkasabi niyon.


"Yah sure. Its alright, I know. Papunta na rin naman ako sa klase ko." anito na tinuturo pa ang direksyon kung saan ito pupunta.


"So, paano, maiwan na kita. It's really nice to meet you. At maraming salamat ulit." kako at dali-daling nang tinahak ang hagdan paakyat.


"Be careful." habol pa nito, pero tuloy-tuloy pa rin ako. Kailangan ko kasing magmadali, at baka tuluyan na talaga akong mahuli sa unang subject ko. Hindi ko pa man din alam kung nasaan ang silid na iyon. Naku!


"Alexa,"


Napalingon ako sa tawag nya. Nasa tuktuk na ako ng hagdanan ng mga sandaling iyon.



"Hmm, Yes?"


"Im glad to meet you, too. See you around. Bye!" Kumaway pa ito saka umalis na rin.


Napailing na lamang ako't napa-ngite sa ginawi nya. It made me realized na hindi naman pala talaga malas ang araw na ito, kundi sadyang may mga tao lang talaga na likas na yata ang kasamaan para sirain ito.


Hiling ko lang na sana marami pa akong makasalamuha mamaya na kasing bait niya. At nawa'y, maging maayos din ang takbo ng unang araw ko sa paaralang ito.


Please, guide me, Lord! mahinang dalangin ko.


Humugot muna ako ng isang malalim na hininga, at excited na tinahak ang mahabang pasilyo ng naturang gusali.







- to be continued.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon