Part 8

68 3 0
                                                  

- Alexa's POV

Wala pang sampung minuto ay nakarating agad kami ng bahay. Halos nakasindi lahat ng ilaw doon, at nakita kong nakatayo sa nakabukas na gate si Mama, kasama si Kuya Lester na mas nauna nang dumating sa amin.

Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito ng salubungin niya ako ng mahigpit na yakap pagkababa ko pa lamang ng sasakyan. At si Kuya nama'y agad inatipa ang sugatang lalaki at magakatuwang nilang binuhat ni mamang driver papasok sa loob ng bahay.

"Jusko, anak ko, okay ka lang bah? Nasaktan ka ba? Halos himatayin ako sa nerbyos ng sinabi ng Kuya mo ang mga nangyari." tila hindi mapakaling tanong ni Mama habang hinahagod ako sa magkabilang balikat.

"Im fine, Mom. Sorry po kung napag-alala ko po kayo." then i hug her.

"Sure kang okay ka lang, hah? At kung sakali mang may nararamdaman kang masakit, sabihin mo lang kay mama, okay?" she added, habang ginigiya na akong papasok ng bahay. At tumango na lang din lamang ako bilang pagtugon.

Hindi naman agad nag-aksaya pa ng oras si Mama, dahil pagdating namin sa loob ay agad na nitong inasikaso ang lalaki na ngayo'y nakahiga na sa mahabang sofa ng aming sala. Wala parin itong malay.

Is he really okay? 🥺🙁😔

Hindi naman siguro ganun katigas ang puso ko para hindi makaramdam ng pag-aalala para dito. Kahit sabihin paman nating may nagawang kasalanan ang mokong na 'to sa akin, still, iniisip ko pa rin ang kaligtasan niya, at pinapanalangin na sana'y maayos lang ang kalagayan niya.

Mabuti na nga lamang at dumating agad si Kuya at naagapan siya nitong asikasuhin. Kahit papaano'y nagawan nito ng paraan para tumingil ang pagdugo ng kanyang sugat. Dahil kung hindi sana'y mas lalong delikado at naging kumplikado ang lahat.

I take a deep breath as I was looking at him.

"Dont worry, nak, he's fine. Marami lang siyang nainom, kaya nakatulog." ani Mama sabay tapik sa aking balikat.

I was surprised. Mind reading? Well, she's deffinitely my mom.



"O, dahan-dahan lang," pagdaka'y sabi  naman nito kay Kuya, habang magkatuwang nilang inaalis ang suot na jacket nung lalaki.

Subrang ingat na ingat sila sa pagkilos para lamang hindi masagi ang sugat nito. Lalo pa't impit itong napapa-ungol sa sakit sa tuwing napapagalaw ito.

Akma ko pa sana silang tutulungan, pero sinaway naman agad ako ni Mama.

"Naku, kami na, Nak. Kuhanin mo na lang yung medicine kit sa cabinet." utos na lamang niya, at sumunod din naman agad ako.

Pagbalik ko ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang lalaki, at pinupunasan na ito ng bimpo ni Mama. Medyo naasiwa nga ako sa ayos nito, kaya umiwas na lamang ako ng tingin at pasimpleng pinatong lang ang medicine kit sa lamesa, saka agad na tumalikod.

"Hoy Alexa, gabi na. Matulog ka na't may pasok kapa bukas." sita ni Kuya.

"Ikaw din, matulog ka na rin at may trabaho ka rin bukas." sabad naman ni Mama kay Kuya.

Isang magaling na Chief, and at the same time, Food and Dietary Consultant si kuya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa napaka-prestiryusong Cafeteria ng JLG General Hospital na dito rin mismo sa Lobresa. Siya lang naman ang isa sa mga planner ng mga pagkain na hinahain sa loob ng Canteen na halos libo-libong mga Doctor, Nurses at mga staffs ng naturang Ospital ang kumakain araw-araw. Bukod doon, ay sila din ang nag-aasikaso ng pagkain ng ilang mga pasyente lalo na sa mga VIP rooms.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon