Part 13

79 1 0
                                    

- Alexa's POV



"Alex."

I ignore him at kunwari busy ako sa phone.

"Alex, pwedi ba tayong mag-usap?"

Matino naman itong naki-usap, pero ewan ko't naiinis talaga ako. So denedma ko pa rin siya.

"I know galit ka, but please listen to me."

Tumayo ako't akma na sanang aalis papasok sa loob ng bahay nang bigla niya akong pinigilan at hinawakan sa kamay.

"Ano bah?! Bitawan mo nga ako!" angil ko, sabay bawi ng kamay, pero hindi ko rin naman nagawa 'yon dahil sa subrang higpit ng pagkakawak niya.

At dahil dala na rin ng pagkainis, kaya medyo napalakas ang boses ko. Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya, marahil ay hindi rin siya makapaniwala sa ginawi ko. Kaya naman laking gulat ko ng bigla niya na lamang akong hinila patungo sa gilid ng balcony kung saan hindi makikita sa loob ng bahay kung sakali mang dadaan si mama.

"Mahirap bang pagbigyan ang paki-usap ko? At saka pwedi ba, i-set aside mo muna yang pride mo, and please listen to me."

"I dont want to hear you talk. At kahit mag-sorry ka man ngayon, e wala din namang mangyayari, at mas lalong wala din namang mababago. So please, stop this nonsense." mahina pero madiin kong sinabi iyon.

Kita ko ang mapanuyang ngite na sumungaw sa kanyang mga labi.

"Woah! You're so rediculous, alam mo ba 'yun? Para kang bata. Ang taas pa naman ng expectations ko dahil sa mga kinuwento ng mama mo tungkol sa'yo. But now, that you are acting like that... " he smiked. "... Im a little bit dissappointed."

What?! E gago pala ang ugok na to, e. Wala syang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan dahil hindi pa nya ako lubusang kilala. Bakit, ano bang ini-expect nyang gagawin ko? ang patawarin agad siya at makipag-mabutihan agad sa kanya? Hindi porket winelcome sya dito sa pamamahay namin at close sila nina Mama't Kuya ay magiging ganun din ako sa kanya. Darn him!!

"I don't care kung ano man ang sasabihin mo. Kung masama man akong tao sa paningin mo, then be it. Hindi ko na problima 'yun." sabi ko nalang at agad na tumalikod.

Pero sa di-ko inaasahan na mga pangyayari, ay bigla na naman nya akong hinapit at mabilis na sinandal sa pader. Ikinulong nya ako doon gamit ang kanyang mga bisig habang matamang tinititigan sa mata. Syempre na-off guard naman ako't hindi makapagsalita, lalo pa't malapit ang mga mukha namin sa isa't-isa. Mga isang dangkal siguro ang kung iistimahin ang agwat pagitan naming dalawa, kaya naman amoy na amoy ko pa ang mabango at presko nyang hininga. Napalunok ako.

My gad!Is he insane?!

Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.

"Alright, sorry sa sinabi ko. I didn't mean to offened you. Gusto ko lang namang makipag-usap sayo. Masama bang magpa-salamat at humingi ng tawad sa kasalanang nagawa ko? Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng chance magsalita? Ganun ba kabigat ang naging kasalanan ko?"

Sabagay, totoo nga naman... Hay, ewan ko bah, kahit ako man ay nagtataka sa mga pinangga-gagawa ko. Hind naman ako ganito, pero bakit pagdating sa kanya, e kumukulo itong dugo ko. Kainis!

Hindi ako makasagot. I was freezed for a moment, at tila bumilis yata ang pagtibok ng puso ko. Maybe because, I was just scared? Oh gosh, im wavering...

"Wether you like it or not, I will apologize.... I am sorry, and I really-really mean it. Hindi ko sinasadyang mahulog ka. I was in a tight situation kung bakit ako umalis agad at iniwan kita. May hinahabol ako, so i was in a hurry. Hindi ko naman hinihiling na patawarin mo agad ako. Ang importante, ay nasabi ko na ang dapat kung sabihin at .....---"

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon