Chapter 44

102 7 0
                                    

Hail Selene

Ang hassle. Ang ganda nga ng dress ko, magcocommute naman ako! Bakit kasi umalis pa si Deimon kahapon! Bakit kasi hindi ko siya pinigilan na umalis.

   Dahil wala pang dumadaang taxi ay naglakad nalang ako, medyo madilim na din at nagdadasal nalang ako na wala akong weirdo na makasalubong ngayon.

pero mukhang napagtitripan ako.

mula sa madilim na kalsada ay kitang kita ko ang grupo ng kalalakihan na makakasalubong ko. nakknampucha!

"Hello Miss." sabi nung isang lalaking nasa harapan nung lima pang kalalakihan

Nagpatuloy ako sa paglalakad at 'di sila pinansin pero agad na may humawak sa kamay ko

  "Dadaan ka sa lugar namin nang nakaganyan ka. Tingin mo ba 'di ka muna dadaan sa aming anim bago ka makaalis?" tanong naman ng isang tukmol na naka-taas pa ang buhok, kung may butiki sigurong malalalaglag sa buhok niya, sure ako patay na!

   "Bitawan nyo nga ako!" sigaw ko at inalis ang kamay nung lalaki sakin pero mas diniinan niya ang hawak sa kamay ko

Ampucha! Nasasaktan na ako!

  "Bitaw!" bigla akong napatingin sa nagsalita at nakita si Deimon na naka-black jacket pa habang nakatingin sa kalalakihan, napatawa naman ang anim at binigyan ng mayabang na titig si Deimon

  "e paano kung ayoko?"

"Tol si Anderson 'yan" bulong nung isang butiki, agad namang kinuha ni Deimon ang kamay ko at hinatak ako sakanya

  "Tanga magsitakbo na kayo kung ayaw nyong mapuruhan" kalmadong sabi ni Deimon, agad naman na hinatak ni Butiking nagsalita kanina ang mga kasamahan niya na ayaw pa sana umalis.

Napa-yuko naman ako habang nakatingin sa wrist kong namumula ngayon.

Hihintayin ko nalang na sigawan ako ni Deimon at sabihan ng masasakit na salita.

  Pero..

wala akong masakit na salitang narinig.

Niyakap niya lang ako habang tinatapik ang likod ko.

  "Sabi ko tawagan mo 'ko kapag may kailangan ka. Halika na love, hinihintay na tayo nila daddy."

Buong byahe tahimik lang ako. Sobrang laki na nga ng pinagbago ni Deimon, sobrang gaan niya nang tao. sobrang dali na sakanya ang ngumiti kasi kahit nagdadrive siya napapansin kong napapangiti siya minsan pero pinipigilan niya lang.

"Hi Selene!!" bati ni Ate Dysiree, agad siyang lumapit sakin at bineso ako, ganon din si Dashton na yumakap sa paanan ko.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila, nakakamiss ang pamilyang 'to.

  "Hon halika na kayo dito" dinig kong sigaw ni Kuya Charles, ang asawa ni ate Dysiree.

Agad akong dumiretso sa upuan na katabi lang ng inuupuan ni Deimon, tahimik lang kaming kumakain hanggang sa si Daddy na ang nagkwento.

  "Alam mo ba Selene nakikita ko si Dysiree sa'yo. Naalala ko dati kung paano kumilos si Dysiree habang katabi si Charles, sobrang bagay sila. Masaya ako na makita kayo mismo ni Deimon, hindi kami nagkamali ng papa mo na ipakasal kayong dalawa, bagay na bagay din kayo." sambit niya,

  "Thank you po tito."

"By the way bukas na ang graduation nyo, nagpapractice ba kayo?"

"Dad hindi na kailangan ang practice. Nung mga nakaraang araw kase sobrang busy ng lahat." paliwanag naman ni Deimon.

Naisip ko, paano kaya 'yon.

Pag graduate namin mawawala na ang pangalang Aim Deimon Anderson sa nangunguna sa ranking. Nakakalungkot 'yon dahil ipinundar niya mismo yon at siya mismo ang may kagagawan kung bakit naging kilala ang school namin sa iba. Sobrang laki ng naiambag ng katalinuhan ni Deimon sa eskwelahan.

  "Why are you staring at me like that? May dumi ba 'ko sa mukha?" nasa garden kaming dalawa ni Deimon ngayon. Naalala ko na dito ko mismo nagtago nung panahong nakaburol si Lola Chey at nakita ko sila Heira.

  "Nakakalungkot na pag graduate natin, mawawala na ang pangalan mo sa rank."

"Parte ng buhay, kailangan rin nating pagbigyan ang iba. Hindi pwedeng pangalan ko lang ang palaging nakasulat doon. May ibang tao na kayang pumalit sa pwesto ko. Alam mo ba Love, magaling lang ako magmemorize at magsagot, matalino lang ako sa ganong part pero pagdating sa pag ibig, sobrang bobo ko." natatawang sabi niya habang nakatingin lang sa magagandang damo sa garden nila, madilim pero nagbibigay liwanag ang buwan.

  “Nasaktan kita ng sobra pero alam mo namang pinagsisisihan ko 'yon diba? Hindi ako magsasawang mag stay sa tabi mo kahit sobrang hirap at sobrang sakit na." nakangiting sabi niya sakin. Tumayo naman siya, "Halika na sa loob Love."

"Deim"

"Bakit?" tanong niya at muling humarap sakin

  "A-Alam mo naman yung consequence sa bagay na ginawa natin kahapon diba. Alam mo naman yung nangyari diba o nakalimutan mo.."

  Nakita ko namang napakunot ang noo niya.

  "nevermind." sambit ko at lumakad na papasok ng kwarto ni Deimon, dito na 'ko pinapatulog ni Daddy dahil gabi na daw at delikado na umuwi pa sa bahay.

Napahiga naman ako sa kama at naramdamang pumasok na si Deimon sa kwarto at tumabi sakin.

"Alam ko yung ginawa ko Mahal, alam ko yung magiging consequence non. Papanagutan kita. Hindi naman masama kasi kasal na tayo. Kaya nga sabi ko kahapon diba na kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

"Umuwi kana sa bahay natin. Mas kakailanganin kita sa mga susunod pang araw" sambit ko, naramdaman ko namang yumakap si Deimon sakin at inabot ang pisngi ko at hinalikan ito.

"I love you Selene."

"I love you too."
 
 

 
 

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now