Chapter 1: Hail Selene,

374 16 0
                                    


Hail Selene Agustin


"Alam mo ba bitchprend once na makapasok ka sa listahan ng rankings na yan, pwedeng pwede mo ng mapaikot yung eskwelahan" sambit ng kaibigan kong si Gav.

Normal pa naman siguro sa ibang kabataan kapag sinabi mong nagkacrush ka sa bestfriend mo diba? Ganun ako eh! Halos kasabayan ko lang lumaki si Gav at siya na ang lagi kong kasama, dahil na din siguro sa kagwapuhan nya kaya humahanga talaga ko sakanya.

Inikot ko ang paningin ko sa malalaking gusali na nasa unibersidad na pinasukan namin ngayon. First Day of school at kami na siguro ang pinakalate enrollees.

"Tara na Hail, pasok na tayo doon sa registrar para mapasa na natin yung documents" sambit nya kaya sumama na din ako sakanya.

Bawat estudyanteng nakakasalubong namin tinititigan kami, lalo na si Gav. Hindi na ko magtataka dahil gwapo naman kase talaga ang kumag na'to. siguro nagtataka din sila kung bakit may katulad kong asungot ang sumusunod sakanya.

"Nice to see you again Mr. Chua, girlfriend mo ba ang isang 'to?" tanong ng isang babaeng nakasalamin na kumuha sa documents namin. nasa 30s na ang isang 'to

"No Ma'am. Bestfriend ko po."

"Akala ko hindi kana ulit papasok dito, buti nalang at ang Luna padin ang pinasukan mong eskwelahan"

"Ma'am syempre halos dito na ko nag aral sa buong buhay ko. Ito naman pong si Hail, sa katabing school lang din nag aral" sambit ni Gav na nakangiti pa sakin.

Napangiti nalang din ako at hinintay sila na matapos mag usap. Ilang minuto din ata sila nagbiruan at pagkatapos nun ay naglakad na kami papunta sa building na malapit sa field.

"Hail, malas. Hindi tayo magkaparehas ng section pero kaya mo naman diba? tsaka sa taas lang naman ang room ko, you can text me kapag may kailangan ka"

"Ano ba Gav okay lang! Sige na"

"Magpakabait ka Hail ko!" sambit nya at ginulo na ang buhok ko at umakyat na sa hagdan.

Napatigil ako sa room na nakaassign sakin at huminga muna ng malalim bago pumasok.

"You're late Miss pero sige come here and introduce yourself" sambit ng teacher na nasa harapan kaya ngumiti ako ng slight at nagsimulang magpakilala sa lahat.

Lahat sila ay nakasimangot lang. Yung iba may iba ibang business na ginagawa. nagcucutics, nagcucurl ng hair and yung ibang boys naman mukhang naglalaro lang sa mga phones nila.

"H-Hi everyone. I'm Hail Selene Agustin. I'm from Aphrodite University"

"AU? School ng mga hampaslupa?" sambit ng babae na naggugupit ng kuko nya.

Natawa ang iba, samantalang ang iba naman ay mga wala lang ding pake.

"AU, school ng mga katulad mo" bulong ko, napakunot naman ang noo nya pero dinedma ko nalang din at umupo na sa upuan na nasa gitna lang din.

"Actually hangga't di pa pumapasok si Mr. Anderson, dyan ka muna uupo" sambit ng teacher namin kaya napatango nalang ako.

"Miss, hindi pwedeng mawalan ng upuan si Deim" sambit ng babae na nasa tabi ko at saka dumukmo.

Napakunot ang noo ko at napaisip.
Sino ba 'yun at bakit parang hari siya na kailangang may upuan pa rin siya kahit wala siya?

May royal blood ba yun? I mean,,,, Bakit.

"Yes Miss and isa pa, she can sit there naman huh, malapit sa trash can kase may isa pang bangkuan doon, wag nya dumihan yung upuan ni Deimon" sambit ng isa pa sa teacher namin kaya napatango ito at sinenyasan akong lumipat sa likod.

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now