Chapter 3: A friend like Clio

164 8 0
                                    

SELENE'S

"alam mo dapat di mo sinagot sagot si Deimon" napatingin ako sa babaeng umupo sa tabi ko at napakunot ang noo.

Nakaupo lang ako sa bench ngayon at tinitignan ang basag basag na screen ng iphone ko.

"Mali kase kalabanin siya, actually katulad mo lang ako noon.. hindi ko alam kung bakit may mga estudyanteng mahal na mahal si Deimon at di ko rin alam kung bakit ganon nalang ang ugali ni Deimon. Isa rin ako sa lumipat ng school na'to at ginawa ding hell ni Deimon ang buhay ko sa loob ng ilang taon" kwento nya.

"Ha? Panong hell? Pero sige pwede ba magkwento ka, di muna ko sisingit. " sambit ko.

"Senior high na ko nung lumipat sa school na Luna, hindi ako naniniwala sa iba na nagsasabi na magiging hell ang buhay ko once na lumipat ako dito.. ang saya ko pa nga e kase parang ang saya makipagsabayan sa mga estudyante, feeling ko lahat magiging kakampi ko, makakasundo ko. Hanggang isang araw nakilala ako ni Deimon,, mainit ang mata nya sa mga bagong mukha sa school ng Luna. Una palang sikat na si Deimon dahil sa kagwapuhan nya, wag mo nalang pansinin ang ugali nya. Ayun mainit ang mata ni Aim Deimon sakin, kada araw ata nya sakin iniaabot ang mga gawain ng mga teachers sa faculty. pupunta siya sa faculty at magtatanong ng mga kailangang gawin at ayusin, kapag naman ibinigay ng teachers ang mga lesson plans nila diretsong iaabot ni Deimon sakin 'yun. Hindi na nga ako nagtataka na nasasabihan siyang mabait at paborito ng mga guro dahil araw araw nyang kinokonsulta ang mga guro sa faculty.." kwento nya.

"..akala ko matatapos na sa ganun ganun lahat ng mga bagay, naalala ko pa nga e kapag gusto nya kong ipahiya, ipinapahiya nya ko sa lahat. sinisigawan at kung ano pa.. minsan ipagkakalat nya sa mga babae sa school na girlfriend nya ko para magalit sakin lahat at abangan ako.."

Tumingin siya sakin at ngumiti,
"Pero alam mo ba... hindi pa rin mawawala kay Deimon yung minsanang pag aalala nya, sabi ko nga e kahit pala mala-halimaw na ugali, nagkakaron din ng konsensya at minsan bumabait.."

"Bumabait?" tanong ko

"Naalala ko nung sinabi nya sa mga babae na girlfriend nya ko, inabangan ako ng ilang kababaihan sa gate, akala ko nun makakalbo na ko, mamamatay na ko sa bugbog o ano pa man.. pero biglang dumating si Deimon, niligtas nya ko at hinatid pa samin.. kahit may kasamang sigaw pa 'yun okay lang, at ayun doon na ko simulang nagkagusto sakanya pero nawala siya ng ilang taon sa eskwelahan"

"bakit nawala?"

"Nasangkot siya sa isang aksidente. Sinampahan pa siya ng kaso, ang alam ko kase may babae siyang hinatid. sobrang halaga daw ng babaeng 'yun kay Deimon e tapos.."

"Tapos?"

"Ang saya palang pag usapan ako 'no?" napatingin kami sa nagsalita at nakita si Deimon na nasa harap na namin ngayon.

"D-Deimon" bulong ng babae sa tabi ko.

Inalis ni Deimon ang shades nya at napasmirk ulit tulad ng lagi nyang ginagawa.

"Clio Samantha Destreza" sambit ni Deimon, agad na kinuha ni Clio ang bag na nasa tabi nya at nagmadaling umalis.

Naiwan akong tulala at di alam kung pano haharapin ang lalaking nakatingin na sakin ngayon,

Bigla siyang lumapit sakin at hinatak ako.
Bawat estudyanteng makakakita samin ay nakatitig samin na parang gulat na gulat

"siya yung sumigaw kay Deimon kanina sa canteen!"

"mukhang lagot na siya kay deimon"

"well goodluck nalang sakanya!"

Bawat bulungan paulit ulit na nag eecho sa tenga ko. Ang higpit ng hawak ni Deimon sa wrist ko. Humahapdi na din ito.

Bigla akong binitawan ni Deimon at nakita na nasa isang madilim na room kami. Nilapitan nya ko at tinitigan ako.

"Alam mo naman na siguro ang kwento ng buhay ni Clio sa school na'to?" tanong nya

Nakatayo lang ako at nakasandal sa locker na nasa likod ko. Madilim ang room at di ko masyadong maaninag ang mukha ni Deimon pero alam kong sobrang lapit nya lang sakin dahil amoy na amoy ko ang pabango nya.

"Alam mo din na mainit ang mata ko sa mga baguhan sa eskwelahan na'to. Mali ka ng kinakalaban Hail Selene Agustin." bulong nya.

Lumapit pa siya ng lumapit sakin at ngayon ay nacorner nya na ko sa locker.

"Gusto mo pa ba madinig ang katapusan ng kwentong pinag uusapan nyo ni Clio ha?! gusto mo bang ako na mismo ang magtuloy?!" galit na sambit nya.

Hindi ako makapagsalita, nakayukom lang ang palad ko at pinapakinggan ang mga sinasabi nya.

"Hail Selene Agustin, hanggang san kaya ang pagmamayabang na kaya mo?" sambit nya tsaka napatawa ng bahagya, lumayo na siya at tumalikod sakin,

Napaupo ako at ramdam na ramdam pa din ang pananakit ng wrist ko.

'Hail Selene Agustin, Hanggang san nga ba ang kaya mo? mukhang magiging hell na din ang buhay mo!'

----------------

UNEXPECTEDLY MARRIED.

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now