Chapter 36

179 7 0
                                    


   Pagkatapos ng salo salo ay pinalapit kami isa isa ni Ma'am Reosa at sinabing babalik ulit sa by partner ang lahat. Hindi magbabago ang partner namin kahit ano mangyari at kahit saang activities na gagawin. 

  “What? Pipili kami ng partner namin?" tanong ni Deimon

  Pabiro namang itinulak ng iba si Heira papalapit sakanya,

  “Si Heira na ang magiging partner mo” sambit naman ni Mrs. Reosa kaya napuno ng hiyawan at asaran.

  Si Clio at Gavin ang partner at ngayon kasama na namin ang mga partners namin.

  “Akala ko ba matutulog na?” cold na tanong ni Deimon, mula kanina siya lang ang nagsasalita at mukhang di mapakali.

  “Oo! Pinag partner partner ko lang kayo para sa activities na gagawin natin bukas” sambit ni Mrs. Reosa at muling ngumiti sakanya.

  “Osige na magsipag punta na kayo sa mga tent at magsitulog na” sambit ni Ma'am kaya dumiretso na kami ni Cloud sa tent.

  Nagkabit ng ibang tent ang lahat. Sumama naman samin sila Clio at Gavin at nagkasya nsman din kami sa tent na 'to.

  “Matulog na tayo para may lakas bukas, lalo kana Selene, napagod ka sa paglangoy kanina” sabi ni Cloud kaya napatango nalang ako, lumingon naman ako kay Gavin na nakaupo katabi si Clio

  “Congrats Chivin, I'm so proud of you” bulong ko kaya ginulo nya lang ang buhok ko.

  

________________________________________________

  Alas - Dose na ng mapamulat ako, ang sama ng naging panaginip ko. May isang babaeng nilulunod ako sa putik. Nakakaewan! Tsk! Gusto ko tuloy uminom ng tubig'

  Pasimple akong lumabas ng tent at naglakad lakad malapit sa tubig at naupo nalang.

  “Bakit gising ka pa?”

  “Ay bastos!” bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat, nakita ko naman si Deimon na may dalang tumbler at saka inabot sakin yun.

  “Uminom ka ng tubig”

  “Tubig nga ang hanap ko” natutuwang sabi ko, umupo naman siya sa tabi ko at nilapit ako papunta sakanya at hinalikan sa noo.

  “Baka may makakita satin” bulong ko pero lumabas nanaman mula sa labi nya ang pagngisi.

  “I don't care”

  Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa langit. Nag iiba na ang kulay ng langit.

  “P-Pwede bang wag ka masyadong lumapit kay Cloud” nabigla ako at napatingin kay Deimon na nakatitig sakin ngayon

  “Bakit naman? Hindi naman pwede yon! siya ang kapartner k-“

  “Konting distansya, kahit konti! a-ayokong makaramdam ng selos pero puta hindi ko din macontrol, gusto kong manapak pero bawal” bulong nya, napatawa naman ako dahil sa sinabi nya at dahil doon bigla siyang napatingin sakin ng masama. Ito nanaman ang Deimon's signature face.

  “Okay sir! sige po didistansya na” sambit ko kaya mas lalo siyang napatingin ng masama.

“Congrats mi amore” natatawang sabi ko.

  “mi amore” ngising sabi nya.

  Pasimple kong ibinato sakanya ang tumbler at nasalo nya naman, “Matutulog na ko, mamayang 6 gigising na lahat. Matulog ka kahit konti.”

  “Yes mi amore” nakangisi nanaman siya at kumaway pa. Kaya napangiti ako at muling bumalik sa tent.

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now