Chapter 7: Bully Deimon

176 9 1
                                    


HAIL SELENE

    Dumiretso ako ng room at pinakinggan nalang ang pag iingay na ginagawa ng mga kaklase ko,

“San kayong group sasali?”

“Paranormal club may ganon pa ba?"

"Ako kung san si Deimon doon ako!"

"Baliw Trisha! Lagi namang theater arts club si Deimon huh! Magtheater na tayo!"

"Theater with Deimon ulit!"

"Photography na ata si Deimon ngayon"

 
  Club? Ako saang club ako? Aaaish hindi ko pa alam. Kahit college may ganon pa din pala sa Luna.

  “Goodmorning! ” napatahimik lahat at halatang kinikilig ng biglang pumasok si Deimon sa room, umupo ito sa desk at tinanggal ang shades nya,

Nilingon nya lahat at nagsign sa isang bodyguard nya na binuklat naman ang isang cartolina na hawak nito

“Clubs. Alam kong alam nyo na ang tungkol sa clubs na 'to sa LU! Ngayon ililista kung saang club kayo sasali. Monday to wednesday ang klase, Thursday to friday magfofocus sa clubs na sinalihan nyo! ” sambit nya at pinaalis na ang mga body guards nya.

Nagsmirk ulit siya at inilibot ang paningin nya at tsaka ito lumingon sakin

  “Kay Hail Selene kayo magpalista ngayon na” sambit nya at nagsmirk pa.

Naglapitan naman sakin mga kaklase ko at nagpalista, sabay sabay pa silang nagsasalita kaya litong lito ako. Napatingin ako kay Deimon na chill lang habang nakatingin sakin

  “STOPPP!” sigaw ko.

Tumayo naman ako at pinaalis si Deimon na nakaupo sa harap

  “Isa isa akong maglilista! Hindi sabay sabay! Ituturo ko kayo at ipapalista sainyo ang pangalan nyo sa club na gusto nyong salihan! wag kayong mag unahan!” sigaw ko at ipinalibot na ang papel.

Pagkatapos nun ay pinapunta na sa iba't ibang club na sinalihan, sa theater nalang din ako sumali para maexperience ang mga bagay bagay, nakita ko naman sa photography club sila Clio at Gav.

Pinakaunang pumasok ng pinto si Deimon at pinatigil ang ilang estudyanteng nakasunod sakanya,

  “Magbayad kayo ng 10 pesos kay Hail Selene at pagkatapos nun bibigyan nya kayo ng pwesto. Alphabetical order! Ikaw na bahala Hail Selene!” sambit ni Deimon at nagwink pa.

Nanlaki ang mata ko at inis na nilingon ang mga estudyante na nasa likod ko, ang dami nila. mukhang nahatak ni Deimon ang kalahati ng estudyante sa school.

  “Ang bagal naman, pwede bang dalian mo naman Miss! gusto ko ng pumasok para makita si Deimon!”

“Theater arts Club to! Hindi Deimon's Club” sambit ko, inirapan nya naman ako.

Pagkatapos ng ilang estudyante ay pumasok na din ako sa loob at sa napakagaling na nangyari ako lang ang bukod tanging walang upuan.

  “Good morning guys! I'm Deimon and gusto ko lang sabihin na welcome kayo sa Theater arts club, na kung saan ay pwede pang mahasa ang skills nyo sa kahit na anong bagay, maeexperience natin lahat! Thursday and Friday tayong magkakasama at sa ngayon gusto ko na isulat nyo sa isang papel ang mga gusto nyong mangyari sa club na'to. yung mga bagay bagay din na gusto nyong maexperience o nilo-look forward nyo sa club natin at pagkatapos ay babasahin nyo ito sa harapan, pipili ako ng tatlong estudyante” sambit ni Deimon

  “Wala kaming dalang papel Deim”

  “Wag kayong mag alala! may papel na iaabot si Hail Selene sainyo" sambit ni Deimon kaya nanlaki nalang ang mata ko.

Ako?! At san naman ako kukuha ng napakaraming papel na ibibigay sakanilang lahat?!

   Tinignan ko siya ng masama pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Napalibot ang tingin ko sa buong room at sa pinakataas ng cabinet ay may napakadaming makapal na papel na halatang matagal ng di nagagamit dahil sa alikabok nito, pinilit kong tumingkayad para abutin ito pero nagulat ako ng may kumuha nito at iabot sa kamay ko,

  Isang maputing lalaking nakangiti lang sakin, ang gwapo nya!

    “Wow thankyou!” napatingin ako sa lalaki sa tabi ko at nakita si Deimon na inagaw ang papel na nasa kamay ko,

Napabalik ako sa katinuan at napansin ang sarili ko na nakatulala pala sa lalaking kaharap ko ngayon

  “I'm Cloud Xavier, photography---“

“Tiga photography club ka diba? Bakit nandito ka?” muling sambit ni Deimon,

  Inabot ko ang kamay nya at nagpakilala din sakanya,

  “I'm Hail Selene Agustin” sambit ko.

  Nagpaalam na din siya na aalis na kaya napatingin na ko sa mga kapwa ko estudyante na mukhang naghahantay mabigyan ng papel, laking gulat ko nalang na makitang lahat sila ay nakatingin saamin ni Deimon ngayon,

  Napatingin ako kay Deimon na nakakunot ang noo sakin ngayon kasama pa din ang sungit face nyang nakakaimbyerna

  “Ipamigay mo na” sambit nya at ibinagsak sa harap ko ang madaming papel na maalikabok kaya naalikabokan din ako

Napatawa siya ng bahagya kaya sinamaan ko siya ng tingin,

“Imbis na puro harot, tumulong ka sa club ko. wala ka na ngang maiambag gaganun ka pa” bulong nya kaya nanlamig ang katawan ko at pumunta lahat sa ulo ang dugo ko.

AAAAARGH pwede bang pumatay?! kahit ngayon lang.

 

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now