Chapter 33: Battle for rankings! (2)

118 4 0
                                    


   [ Clio Samantha ]

   “Nasan na si Deimon?” nagtatakang tanong ko, halos kumpleto na ang lahat ng representatives pero wala si Deimon doon. Agad na nagpanic ang tatlo na katabi ko. Umalis kasi si Drix at mukhang hinanap si Deimon, mula sa labas ng gym nakita ko na si Deimon na naglalakad pa din ng chill habang kumakamot sa batok nya. Jusko naman! Hindi nagbabago! Mukhang tamad pa din! tamad pero matalino!

   Nagpalakpakan naman lahat at nagsigawan ng makita si Aim Deimon sa gitna, wala na! Nagsisigawan na ang lahat! At mukhang lahat sila kinikilig sakanya.

  “Iba talaga si fafa!” sambit nung isa. Luke. Luke ang pangalan, naalala ko na.

  “Tanga inggit ka lang eh!“ sambit naman ng katabi kong si Rion na binatukan naman ni Luke.

  “Oh san naman galing yun?” tanong ni Zaijann ng makabalik sa pwesto namin si Drix

  “Bebe time, nakita ko tinatadtad ng chat si bebe nya eh!" natatawang sagot ni Drix

  bebe time? kasama nya naman si Heira ah! Ah baka di pa sila nagkita ngayon.

  “Kumukuha ng lakas si kupal!“ sambit naman ni Zaijann na sinabayan ng tawanan.

  Wala ng masyadong echos ang ginawa, nagdiretso na sila sa first level. Kitang kita din sa screen na nagpapaunahan sila sa pagsagot. Kabado ang iba, si Gavin naman nakafocus lang sa ipad na nasa harap nya, samantalang si Deimon chill at humihikab hikab pa. gosh! ako ang kinakabahan.

  “Done for the First level!“ sigaw nung isang lalaking may hawak na ng mic, mukhang sila ang student council sa school ng Demetrio.

  Masyadong mabilis ang oras! Grabe!
  Agad na pinakita ang scores at isa sa AU ang natanggal, Dalawa naman ang natanggal sa Hermione kaya wala na silang ilalaban sa susunod na level, Wala namang natanggal sa Riole Catholic, Tanderos, GAMC, AU, Demetrio at Luna.

  13. 13 pa ang maglalaban. Hindi na kasali ang Hermione doon.
Nakakatuwa! Sa First Level hindi natanggal si Gavin pati na si Deimon!

  “Now, get ready for the 2nd level!!!“ muling sigaw ng lalaki.

  Nagkaingay lahat at muling tumutok sa malaking screen, Ito na!!! Nagsimula na ang lahat.

  “Mukhang magaling yung chinito na naka-navy blue!” bulong ni Rion sa tabi ko, nakikita kasi sa malaking screen na nangunguna sa pagsasagot si Gavin at siya ang tinutukoy ni Rion.

  “Si Gavin” bulong ko, naramdaman kong lumingon siya sakin at napatango.

  Tumunog na ang bell, tapos na ang 2nd level! tanggal na ang AU, tanggal na din ang GAMC. Dalawang taga Tanderos, Riole Catholic, Demetrio at Luna nalang ang natitira.

Walo! Walo nalang!

  “Apat ang pipiliin sa 3rd level.” bulong ni Rion.

Oonga pala! Bakit hindi sinabi kung sino ang nanalo kanina between Demetrio and Luna?! Hindi ko tuloy alam kung si Heira ba ang nanalo! Psh!

  “Yow!!! 8 pa ang natitira! Ang tatag nyo naman!” kwelang sabi nung lalaking may hawak ng microphone. Nagsigawan lahat, sinisigaw nila ang school nila samantalang ang AU, Hermione at GAMC naman ay nakatahimik nalang sa tabi at inaabangan ang mga susunod na rounds!

  Hindi pa nagsisimula ang 3rd round. Nilalapitan muna isa isa nung lalaki ang mga representatives. Inuna nyang lapitan ang dalawang lalaki na nakakulay yellow na damit, mula sa Tanderos High.

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now