Chapter 5: Hell

154 10 0
                                    

HAIL SELENE'S

"Hindi ko talaga alam na mainit pala ang mata ni Deimon sa mga baguhan, Gav naiinis ako" kwento ko kay Gav habang naglalakad kami papasok ng school

Napatawa siya at muling ginulo ang buhok ko,

"Andami palang nangyari sayo kahapon nung wala ako! Hayaan mo na Hail! Nandito naman na ko" sambit nya.

"Clio!" nakita ko si Clio na nagmamadaling pumasok ng school, lumingon siya sakin at kumaway. Hinatak ko na din si Gav at pinakilala siya kay Clio, nagclick agad ang ugali nila.

"Sa taas din ang room ko, halika sabay na tayo Gav. Hail, mauuna na kami" paalam ni Clio sakin kaya ngumiti ako at pumasok na sa room,

Masyado pa atang maaga dahil wala pang tao sa room. Umupo ako sa upuan ko at nakita ang papasok sa room na si Deimon, mukhang himalang wala siyang kasamang body guard.

Tinanggal nya ang shades nya at inilagay yun sa parteng dibdib nya.

Hindi ko sana siya papansinin pero bigla nyang ibinato sa ulo ko ang isang lukot na papel,

"oops, kala ko basurahan. ulo mo pala" bulong nya.

Pinilit kong itikom ang bibig ko at iniba ang tingin ko, naramdaman kong lumapit siya sakin at kinuha ang cellphone ko sa lamesa.

"Ang ganda ng phone mo ha, ang ganda ihagis hagis!" sambit nya.

Agad kong kinuha ang phone ko at tumayo na para lumabas. Hinawakan nya naman ang wrist ko at nagsmirk pa,

"Pasalamat ka hindi ko pa alam yung mga bagay na ipapagawa ko sayo. Gustong gusto pa naman na kita pahirapan" nakasmirk pa ding sabi nya.

Binitiwan nya ko at napahawak pa sa may baba nya, "Gawin kaya kitang driver ko? Ay wag na.. mukhang di mo alam kung pano magmaneho!"

"Paglinisin kaya kita ng buong school? parang mas okay 'yun no? Tingin mo?" sambit nya.

Napangiti ako at tinapik siya sa balikat,
"Tingin ko mas maganda kung ikaw ang gagawa nun, hindi yung puro papogi ka lang sa school na'to, kala mo naman gwapo kang kinumag ka!" sambit ko at lumabas na para magpahangin, sakto din na may naglalaro sa field kaya nanood nalang ako at hinintay magbell para pumasok na ng room.

"Ms. Agustin?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ang id nito na may nakasulat na "officer"

"Yes po? Bakit?"

"Pinapatawag kayo sa office" sambit nito, kahit nagtataka ay sumunod nalang din ako sakanya at pumasok sa office

"Ms. Agustin?"

"Yes po?"

"Masaya ako na nagpresinta ka na magpipintura ng mga pader na may vandalism, alam mo bang ang tagal ko din naghihintay ng estudyante na maglalaan ng time para pinturahan yun? "

Napakunot ang noo ko at muling nirecall sa utak ko ang sinabi nya

"A-Ako po? Nagpresinta?"

"Yes. Hindi ba't ikaw pa mismo ang lumapit kay Deimon at sabihing gusto mong magpintura ng mga wall? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nagpapasalamat ako sayo. Wala na kaseng oras ang mga tao sa eskwelahan na'to para ayusin ang mga pader na napuno ng vandal ng mga estudyante pero dahil nga nagpresinta kana, gusto kong magpasalamat. Maraming salamat Ms. Agustin" sambit nya habang kinakamayan pa ko.

May lalaking nag abot ng pintura sakin at nakita ko na isa yun sa mga body guard ni Deimon,

"Si Deimon na din mismo ang namili ng pintura, pwede ka ng magsimula ngayon. ieexcuse ka nalang sa klase mo iha"

Napatingin ako sa timba na may lamang pintura at sumama sa mga officer na dinala ako sa malaking pader sa university na 'to na punong puno ng vandal.

"Ang tagal na din simula ng palitan ang pintura nito, Thankyou talaga sa pagrerequest na ikaw na ang gagawa ng bagay na'to ha. wala na talagang oras ang mga officer para asikasuhin 'to. Thankyou Ms. Agustin" sambit nung babae na nagsundo lang din sakin kanina

Iniayos na ng body guard ni Deimon ang mga gagamitin at inihalo na din ang pintura. Napatingin ako sa napakalaking pader na'to at nagsimula na.

'Bwisit na Deimon! Mautot sana siya sa klase!'

"PUNYETA KA TALAGANG DEIMON KA!!!!" sigaw ko at muling nagpintura.

Kalahati palang ang napipinturahan ko at hindi ko din alam kung anong oras ako matatapos sa laki nito,

Tumunog ang cellphone ko sa bulsa kaya agad kong sinagot ang tumatawag na si Gav

"[Hello Hail?! San ka? wala ka sa room mo. Nagcutting ka ba? bawal satin yun diba!]"

"Gav hindi ako nagcutting! pumunta kayo dito sa likod ng school! sa may wall"

"[wall of luna's freedom? ano ginagawa mo dyan?! wait pupunta na kami ni Clio!]"

Inend nya na ang tawag at napaupo naman na ko, nakita ko ang uniporme ko na puno na din ng talsik ng pintura.

"Hail!"

Agad na lumapit sila Clio at Gav sakin at tinanong ako. Kwinento ko naman sakanila lahat at napabuntong hininga pa sila ng sabay

"Nagsisimula na si Deimon," sambit ni Clio.

Kinuha naman ni Gav ang pang pintura at pininturahan nya din ng mabilisan ang iba

"Mukhang hindi to matatapos ngayon Hail, ilang araw mo pa matatapos ang malaking wall na'to at isa pa Wall of freedom 'to, kukulayan mo lang ng panibagong kulay tas susulat ulit sila dyan kase ayun yung sense ng wall of freedom. pinapahirapan ka lang talaga ni Deimon, baka nga bukas pagkita mo may panibagong sulat na 'yan e" sambit nya

Tinulungan ako ni Gav na ayusin ang sarili ko at pinunasan nya pa ang nagkalat na pintura sa mukha ko

"May damit ka bang extra Hail? Baka pagalitan ka ni Auntie Cyntia dahil sa dumi ng damit mo"

"Hintayin nyo ko sa gate, magpapalit lang ako. nasa room yung bag ko" sambit ko

Dumiretso ako sa room at kinuha ang bag ko, hinanap ko din ang damit sa bag ko pero nawawala siya.

Nagdala ako ng damit, natatandaan ko.

"Hinahanap mo damit mo?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ang kumakain ng lollipop na si Deimon habang nakasandal sa pinto.

Itinuro nya ng lollipop nya ang damit na puti na puro chalk na,

"Naghahanap sila ng pambura ng sulat sa board kanina e kaya ayun yung ibinigay ko" sambit nya.

Napamura nalang ako at nakairap na lumingon sakanya.

"Gago ka ba? Ay di na kita tatanungin kase gago ka nga talaga! Ang gago mo!" sigaw ko at tsaka lumabas na ng room.

'Bwisit na buhay!'

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now