Chapter 28:

127 5 0
                                    


  Normal kaming bumalik ni Deimon sa school, hindi ko pa rin alam ang nangyari pero isa lang ang napatunayan ko ngayong araw, mahal na mahal ko siya. grabe!

  Nagkagulo nanaman sa paligid ng pumasok ako don. Humiwalay ako ng daan kay Deimon pero alam kong nakamasid pa din siya sakin.

  Umupo ako sa isang bench at napatingin sa isang babaeng nasa field habang nakatingin sakin.. si Heira Selina.

“Selene!!“ napatingin ako sa nagtawag at nakita si Clio na papalapit na sakin, bigla nyang hinawakan ang mukha ko at tinignan ang bawat detalye nito

“Anong ginawa ni Deimon sayo? may masakit ba?“ tanong nya

Di ko alam kung anong sasabihin ko! pwede bang sabihin na pinakilig lang ako ni deimon? huhu!

  “P-Pinapapalitan nya sakin ang libro nya” bulong ko

  “Edi magtatrabaho ka para palitan yun?! Mahal ang libro sa school na 'to!” nag aalalang tanong nya pero napangiti nalang ako at tinignan ulit ang field. wala na si Heira Selina. siguro nagtataka na siya kung bakit lagi nya nakikitang kasama ko si Deimon pero alam kong alam nyang maid ako nila Deimon kahit na ang totoo ay hindi

  “Sa isang araw na ang Island trip. Nasa bulletin board na ang kasamang estudyante, nandoon sa list ang pangalan nating tatlo, pati na rin pala si Cloud.. pero alam mo kung ano nakakapagtaka?”

  “Ano?”

  “Nangunguna ang pangalan ni Deimon sa listahan” sambit nya.

Ano naman ang nakakapagtaka doon?

  “B-Bakit nakakapagtaka?”

  “Hindi palasama si Deimon sa kahit na anong tour ng school! Never ko nakita ang pangalan nya sa listahan, magmula dati pagpasok ko palang dito iba't ibang lugar na ang napupuntahan ng mga estudyante pero kahit isang lugar hindi nagbigay si Deimon ng oras para sumama!“ kwento nya.

  “N-Nandito na kasi si Heira kaya baka gusto n-nya na sumama“

  “Ah sabagay! baka nga! pero ang weird nitong nakaraang araw, di ko na nakikitang magkasama si Heira at Deimon. Ano kaya nangyari sa dalawang yun” natatawang sabi nya, bigla nanaman akong napaisip. Baka ako ang dahilan nun? nakakalungkot naman sa side ni Heira! :(

    Pagkatapos namin magkwentuhan ni Clio ay tahimik nalang kaming nagmamasid sa paligid. Napansin namin na may gulo nanaman malapit sa bulletin board, tatayo na sana ako para tignan yun pero pinigilan ako ng kakadating lang na si Cloud

“After ng Island trip, ipopost ang panibagong kasama sa ranking, yun ang announcement na inilagay sa bulletin board” sambit nya habang hawak ang mogu mogu na iniinom nya.

  Bagong ranking nanaman! Kasama pa kaya si Deimon :( nakakatakot! gusto ko kasama pa din siya don! ayokong mawala siya!

  “Depende sa school ng Demetrio, AU, Hermione at Luna kung kailan ang laban. Representative ng school natin sila Gavin, Heira at Deimon. Kung sakaling ipopost at magiging sabado ang laban, sure ako na hindi makakasama ang tatlo na yun sa Island trip!” paliwanag pa ni Cloud

Bigla akong nalungkot, hindi makakasama si Deimon sa island trip! tapos kasama nya pa si Heira! :( Aww!

  “Makakasunod naman kami!” nakita ko si Chivin na nakangisi pa at inakbayan si Cloud. hMp dapat lang!

  “Galingan mo Chivin!” nakangiting sabi ko kaya inakbayan nya naman ako at tinapik ang ulo ko

  “Syempre! di na ulit ako magkakasakit! sure ako makakasama ako sa rankings at mawawala sa top 1 si Deimon!” sabi nya pa

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now