Chapter 6: Wall of Freedom

208 9 0
                                    


  HAIL SELENE'S

  “Bakit andaming pintura ng damit mo? Aba naman Selene! Hindi ka na nga pinaglalaba ng damit mo, e pinapahirapan mo pa kong maglaba!” ang aga aga nagbubunganga nanaman si auntie.

Tumingin ako sa orasan at isang minuto nalang 7:30 na. Nalate ako ng gising dahil sa punyetang panaginip ko. Tumawag daw ang tatay ko dahil may sasabihing mahalaga sakin. ArghhH ano kaya yun?! lintek kasi ginising pa ko ni auntie, hanggang ngayon iniisip ko pa din

  “Nakausap mo naba ulit yung tatay mo ha? Hindi pa nagpapadala ng pera”

“Hindi ko pa po nakakausap, pero kapag nakausap ko po promise lalayas na ko dito sa impyernong bahay mo” bulong ko

“Pasalamat ka di ko nadinig 'yang bulong mo. Lumayas kana nga! Ang aga aga nabubwisit ako”

  Nagtext sakin si Gav at sinabi nyang di siya ulit makakapasok ngayon. Nalungkot nanaman tuloy ako, hindi ko din alam anong mangyayari sa araw ko.

  “Ms. Agustin? Late kana para sa first subject nyo” sambit ng teacher ko, nakita kong walang estudyante sa room

  “Nasa field sila, basketball ang gustong laruin ng boys. Magpalit kana ng PE uniform na nasa locker mo,” sambit nya kaya lumakad na ko para magpalit ng PE uniform

    Pagpalit ko ay dumiretso na ko sa field pero pinagtitinginan ako ng lahat, hindi ko alam kung bakit.

  Nakita kong nagkukumpulan ang iba at nag uunahan para mapaypayan ang pawis na pawis at may bandana pa sa ulo na si Deimon,

  “Selene, ikaw naman magshoot!” sambit ng kaklase kong lalaki kaya kinuha ko ang bola at ishinoot yun, naalala ko nanaman ang bonding namin ni Gav.

  Magshushoot pa sana ko pero may biglang humawak sa wrist ko,

  “Bakit nasa'yo ang PE uniform ni Deimon?” tanong ng isa sa maarteng kaklase ko

Kumunot ang noo ko, tumingin din sakin lahat, pati na rin ang nakaupong si Deimon na napatayo pa para lumapit sakin

  “Huh?! Hindi ko alam ang sinasabi nyo”

“Deimon ang pangalan na nasa likod ng damit mo, so obviously kay Deimon yan.. so bakit isinuot mo?” tanong pa nito.

   Tiningnan ko ang damit at pati na rin ang short na suot ko,

  “Hindi mo naman sinabing gusto mo pala ng damit ko Hail Selene Agustin, edi sana ibinigay ko nalang sayo ng libre, hindi yung nanakawin mo pa” sambit ni Deimon at nagsmirk pa

  Pinatalikod ko siya sakin at nakita ang pangalan ko sa likod nya, now it's my turn to shine Deimon.. Akala mo ikaw lang.

  “Hindi mo rin naman sinabing gusto mo din pala ng pambabaeng damit, damit ko din ang suot mo Deimon. Hindi mo naman sinabing gusto mo palang may pangalan ako sa likod ng damit mo, by the way ang ganda ha!” sambit ko at tinawanan siya.

  Lumakad ako paupo sa upuan at hindi na sila pinansin pa, napatingin ako sa gawi ni Deimon na halatang inis na inis ngayon.

     “Ms. Agustin, wall of freedom, now!” sigaw ng isang officer kaya napabuntong hininga ako at dumiretso sa wall of freedom doon..

Mukhang kailangan ko pang tapusin ang isang 'to

  Nagsimula na kong magpintura mag isa at nagulat nalang ng biglang tumabi sakin si Deimon at buksan ang marker nya, nagsimula siyang magsulat ng magsulat ng madami doon tulad ng "Ang pangit ko --hail selene", "nakakabwisit ang ugali ko!- hail selene" "ang gwapo ni Deimon--hail selene" at madami pa.

Binitawan ko ang pang pintura at umupo.

  “Nakakapagod makipagtalo sayo alam mo ba. Ang isip bata mo kasi Deimon!” sambit ko, napatigil naman siya sa ginagawa nya at ibinato ang marker na hawak nya

  “Bat sa tingin mo masaya makipagtalo sayo ha? sa buong buhay ko wala pang gumagawa sakin ng ginagawa mo”

  “nakakaawa ka kase Deimon, panay ka nalang bully sa mga baguhan sa eskwelahan na'to, ginagawa mo yun para kunyare malakas pero mahina ka naman talaga. napakanon sense mo” sambit ko.

  Napasmirk siya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa nya.

Bigla namang tumunog ang cellphone nya at mukhang may tumawag sakanya. Sinimulan ko na din ang wall at konting konti nalang din at matatapos ko na. Tinakpan ko na din lahat ng sulat na ginawa ni Deimon,

5pm na ng matapos ko ang pagpipintura. Nakasalubong ko pa si Clio at inaya muna ko magpunta ng coffee shop,

  “Alam mo you're so brave. sa lahat ng baguhan na binully ni Deimon, ikaw lang ang lumaban sakanya”

  Napangiti ako at humigop ng kape.

  “Clio.. pwede mo bang ipagpatuloy yung kwento mo sakin? Sino ba yung babae tsaka anong nangyari?”

  Napabuntong hininga naman siya at tumango sakin,

  “Heira Selina Austin.. first love ni Deimon. Ang alam ko kasing nangyari is nagpapatulong sakanya yung si selina para makatakas sa ex boyfriend nyang patay na patay sakanya, sobrang ganda kase ni selina, pero kahit na ganon mas pinili ni Selina si Ryle kesa kay Deimon na laging nandyan para sakanya”

“Pano ba naman kase mapipili ang lalaking ganun ang ugali? Kahit ako magtataka kung sakaling piliin nilang mahalin yung katulad ni Deimon” natatawang sabi ko

  “Iba si Deimon pag kaharap si Selina. Doon ko din minahal si Deimon e. Alam mo ba na napakabait nya kay Selina? pinoprotektahan nya si Selina at mas inuuna nya ito kesa sa sarili nya. Smirk lang ang laging pinapakita ni Deimon sa iba pero kapag kay Selina lagi mong makikita ang genuine happiness, genuine smile ng isang Aim Deimon Anderson.. Wala ding duda na ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para protektahan si Selina kay Ryle. kahit pa buhay ni Deimon ang nakataya, wala siyang pake basta mailayo nya si Selina sa kapahamakan..”

  “....humingi ng tulong si Selina na ilayo siya at itakas sa ex boyfriend nyang adik, dahil nga pinoprotektahan ni Deimon si Selina, ginawa nya lahat pero akala nya makakatakas sila pero wala eh! nagkabanggaan sila at muntik pang makulong si Deimon”

“Si Selina, nasan na siya?” tanong ko

  “Wala ng balita tungkol sakanya, maraming nalungkot at isa na si Deimon doon. Isang taon mahigit nakulong si Deimon sa hospital at minsan sa kwarto nya. Lagi nyang sinisisi ang sarili nya at kahit tatay nya di siya pinapaniwalaan at pinapakinggan.” kwento nito

Humigop ulit ako ng kape at napatingin sa labas. Ang tindi naman pala ng pinagdaanan nya.

  “K-Kaya pala may Heira na nakasulat kanina nung nagsusulat si Deimon sa wall of freedom” sambit ko

  “Mahal na mahal nya si Heira at siguro wala ng papalit doon.. alam mo ba minsan ko na din pinangarap na mahalin ng isang Aim Deimon, pero wala eh! di nangyari”

  “Bakit naman?”

“Pag minahal ka ni Aim Deimon, feeling mo lagi kang ligtas, kakainggitan ka ng lahat. tsaka madami pang bagay, maipapakita nya din sayo ang iba't ibang side nya at isa pa.. naalala ko may nagkwento sakin dati nung nagkagirlfriend si Deimon kahit kelan di niya pinaiyak yung babae at pinagselos.” sambit nya

  “Eh bat naghiwalay?”

“Yung girl mismo nakipaghiwalay. Nakahanap ng ibang lalaki pero mas better pa rin si Deimon, naalala ko pa nga eh hinahabol habol ulit siya nung babae ngayon kaso wala ng pakelam si Deimon eh.” kwento nito.

  'Pano ba magmahal si Aim Deimon Anderson? Argh erase! kahit na. ayokong maramdaman yun baka isakal ko pa sakanya yung pagmamahal nya!'

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now