Chapter 8: "Wtf..."

165 6 0
                                    

     Hail Selene's

   Ang lamig ng hangin \m/
  Napangiti ako at napatingin sa bintana sa labas.  Sabado na pala ngayon ng di ko namamalayan.

  “Selene!!!”

  Ang kanina kong nakangiting mukha ay napalitan ng pagkabusangot, lumabas na ko ng kwarto at hinarap si Auntie na kumakatok sa pinto ko, hawak hawak nya ang telepono at dali daling iniabot sakin yun

  “Kakausapin ka ng tatay mo”

   “Hello, Pa!”

“Selina ko!!!” excited na sabi nya.

Nakakatuwa, ngayon ko nalang ulit siya nakausap simula nung nakahanap siya ng bagong pamilya at simula nung iwan na din kami ni mama.

  “Pa, bat naman ngayon nalang ulit kayo nagparamdam ha? grabe pa alam nyo ba kasama ko na sa iisang eskwelahan si Gavin!” masayang kwento ko

Nadinig ko naman ang buntong hininga nya sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko at napatingin sa gawi ni auntie na nakangiti pa sakin

  “Anak, may mahalaga kasing sasabihin si papa sa'yo eh”

“A-Ano po 'yun?” tanong ko

  “Ikakasal kana” sambit ni Auntie habang nagsisindi pa ng sigarilyo nya

  “Ha?! Anong ikakasal auntie..” natatawang sabi ko

  “Oo nak, yung kaibigan ko kase humingi ng malaking pabor sakin, hindi naman makatanggi si papa kase kaibigan ko nga yun, anak... pumayag kase ko na ipakasal ka sa anak nya”

  Nagprocess pa sa utak ko ang sinabi nya at nanlaki nalang ang mata na di makapaniwala sa narinig ko

  “Paaa ano?! s-seryoso ka ba dyan?!” tanong ko.

  “Anak mabubuhay ka naman doon, para di na rin mahirapan si auntie sa'yo at isa pa nak hindi na rin ako masyadong makakapagpadala at makakahanap ng oras para makausap ka at makamusta.”

  “Pa naman! Seryoso kayo?! nag aaral pa ko! Alam nyo yun at isa pa napaka sacred ng kasal, pwede ba itigil nyo nga yung ganong bagay! hindi nakakatuwa!” sumisigaw na sabi ko.

Halos hindi ko na alam kung pano papakalmahin ang sarili ko.
Ikakasal ako sa taong di ko kilala?! joke ba yun?!

  “Anak as soon as possible ikakasal kayo dahil na rin sa lola nyang malapit ng mamatay--“

“Pa ano bang pake natin sakanila?! buhay nila yun, wag na nila tayo idamay!”

  “Anak, malaki kase utang na loob ko doon at isa pa kahit naman ikasal kayo pwede pa kayo makapag aral e...” sambit nya.

  Napahawak ako sa noo ko at pinilit na ikalma ang sarili ko

  “.. sa isang araw na din yung kasal, handa naman na lahat at ito nalang ang pinakahihintay, yung malaman mong ikakasal kana, pasensya na nak.” sambit nya at pinatay na din ang tawag

  Napapikit ako at naiyukom nalang ang palad ko.

Sa lahat naman ng babaeng pwedeng ikasal, bat ako pa?!

  “Hoy Seline! Isipin mong magandang offer sayo yun! Mabubuhay ka naman doon, mayaman naman ang pamilyang yun! at para na rin makaalis ka sa pamamahay ko!”

“Auntie kaya ko naman kayong bayaran sa pagsstay ko dito pero yung ganon! wag naman ganung usapan! hindi ako papayag!” sambit ko

  “Halos wala ka na ngang makain e! at sa isang araw kana din susunduin dito nung father-in-law mo! wag ka ng humindi Seline” sambit nya at tinapik pa ko sa balikat.

  Napakagat nalang ako sa labi at inis na pumasok sa kwarto ko,

      |

AIM DEIMON'S :

      “WHAT?! E hindi naman ako pumayag dad! can you pls stop that fvcking marriage?! hinding hindi ako magpapakasal!!” sambit ko

  “Kuya ang arte mo! Alam mo matanda ka naman na e! kailangan mo ng magpakasal para hindi mo na ko nabubully!” sambit ni Deirine na mukhang isa pang pumapayag sa plano ni Dad.

  “Deimon! this is for your lola's sake naman e!”

“Dad bakit si lola iniisip nyo?! ako di nyo maisip kung gusto ko ba kung ready naba ko ikasal o ikulong yung sarili ko sa mapapangasawa ko na 'yan!” sambit ko.

    Napapikit nalang ako at inis na lumabas na ng bahay.

  Mukhang walang makakapigil sa gusto nila dad, kahit na magmaktol pa ko

  Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang pamilyar na mukha na namimili sa loob ng 7/11. Agad akong pumasok at nilapitan siya, hindi pa din mawala sa loob ko ang kaba.

  “S-Selina..“

  Napatingin siya sakin at napakunot ang noo.

  “Deimon” bulong nito

  Agad kong hinawakan ang kamay nya at kakausapin sana siya pero may agad na humila ng kamay nya,

  “Let's go Selina” sambit ng lalaki kaya napatalikod na sila at umalis

  Tinitigan ko pa sila habang paalis ang sasakyan nila .

Unexpectedly MarriedWhere stories live. Discover now