🍦 seventeen 🍦

58 2 2
                                    

Tinley

Nayakap ni Tinley ang sarili nang makaradam ng lamig. Nasa may tabing-dagat siya at tinatanaw ang papalubog na araw sa horizon. Nag-aagawan na sa kalangitan ang kulay pula at kulay ng gabi. Ngunit walang mga bituin na dapat ay pumupuno sa kalangitan dahil may bagyo daw na paparating ayon sa balita.



Awtmatiko niyang napahid ng mga daliri ang mga luha sa kaniyang pisngi nang maulinigan ang mga paparating na yabag sa kaniyang likuran. It must be Cram. Tinawagan niya ito kaninang umaga nang nasa tahanan pa sila ng mga Garcia. She felt so bad she needed someone to talk to. Nagprisinta itong magtutungo doon ora mismo. Hindi niya ito pinigilan. 



She needed a friend.





"Cram..." sambit niya habang papihit paharap. Nasorpresa siya nang hindi ang kaibigan ang makita. "Rolf," usal niya.





Mapait itong ngumiti. "You're missing him already?" Pasusubalian niya sana iyon ngunit nagsalubong na ang mga kilay nito at mabilis na nakalapit sa kaniya. In a second, his face was inches to hers. Matiim ang pagkakatitig nito sa kaniyang mga mata. 

"You've been crying..." puna nito.

Muli niyang pinahid ang basang mga mata. "W-wala ito. napuwing lang ako," palusot niya.



"Don't give me that bullshit, Tinley. Gamit na gamit na 'yan sa mga pelikula." Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang kaniyang mukha. Hindi siya nag-protesata nang kumuha ito ng panyo at marahang pinunasan ang mga luha niya. Parang gusto niya lalong maiyak. Anlapit-lapit nito. 



Sabik na sabik siyang yakapin ito.





Nang matapos ito ay naupo ito sa tabi niya. "It's Cram, isn't it? He's hurting you," tiim-bagang nitong pahayag.



No, Rolf, you...you're the one who's hurting me, ang nais niyang itugon dito. Or is it her? Siya ang kusang umibig dito. Hindi siya nito niligawan o pinaasa. Siya ang nagpaasa sa sarili niya.



Ngunit bakit kung kailan niya na-realize na umiibig na siya sa binata ay doon niya malalaman na hindi pala maari dahil may kasintahan na ito? It only made it impossible for Rolf to love her back for he was loving someone else.



Kaya pala ganoon na lang ang galit nito sa kaniya nang hagkan niya ito. Dahil mali. Marahil ay iyon ang seryosong pinag-uusapan ng mga ito nang dumating si Savannah. Ikinumpisal ni Rolf ang tungkol sa ginawa niyang kapangahasan dahil nahihirapan itong dalhin iyon sa konsensya nito.





"Tell me, Tinley. Bakit ka umiiyak?" ulit nito sa tanong.



"I don't have to answer that, Rolf," aniya na tumayo upang iwan ito. Hindi niya mapakikitunguhan ito ng maayos sa estado ng puso niya ngayon. Mahihrapan siyang ikubli dito ang sakit gawa ng nabigong pag-ibig niya dito.



"Why did you kiss me that night, Tinley?"



Natulos siya sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan iyon mula dito. It was too tacless, it was not Rolf. Pinamulahan siya ng mukha. Paano niya sasagutin iyon?



She refused to answer it. Aalis siya doon para takasan ito. Nagsimula siyang humakbang muli. Ngunit bago pa man siya makalayo ay naroon na ito sa tabi niya at niyakap siya. Ginulat siya nito sa sunod nitong ginawa.



He kissed her. Buong pag-aangkin nitong sinakop ng mga labi nito ang kaniyang mga labi.



Subalit ibang-iba ang halik na iyon sa una na kanilang pinagsaluhan. This one was rough. Tila nagpaparusa. Na tila ba sapilitan nitong tinatatak sa isip niya ang pakramdam ng halik na iyon.



Sinubukan niyang kumawala. Tinutulak niya ito palayo kahit ang buong pagkatao niya ay nagsusumigaw na tumagal pa iyon. Mabuti na lang at malakas ito. Animo bakal na pader ang kalaban niya. Hanggang pinagbigyan niya ang sigaw ng puso at nagpaubaya na lang. The kiss was almost a torture, but the taste was sweet.



Tila siya isdang inangat sa tubig nang tapusin ni Rolf ang halik. "Hindi ba mahusay humalik si Cram at sinubukan mo ako, Tinley? To know if I would taste better?" he said callously to her mouth, while grinding his lips to hers.



Napamulat siya ng mga mata, tila siya sa sinampal ng malakas sa mga kataga nito. Umangat ang kamay niya at matunog na dumapo sa pisngi nito. Sinamantala niya ang pagkabigla nito upang maikalas ang sarili. Nagtagumpay siya sa pagkakataong iyon. "I-I hate you..." aniya na bumalong ang luha sa kaniyang mga mata.



Lumambot ang ekspresyon nito sa mukha. "Tinley, I'm sorry." Sinubukan nitong lumapit ngunit umatras siya.



Umiling siya, hindi iyon nais tanggapin. Labis-labis siyang nainsulto sa sinabi nito. Lumatay ang kirot at sakit sa mukha nito. "Nasaktan lang ako kaya ko nasabi iyon." Larawan ito ng pagsisisi.



"I never hurt you, Rolf."

Ngumiti ito ng may pait. "That's what you think."

Nalilito siya sa mga sinasabi nito. Kailanman ay hindi niya ito nagawang saktan. Kung may nasasaktan man dito ay siya iyon.

"Tinley," tawag ng isang baritonong tinig sa kaniyang likuran.Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Cram. May pag-aalala sa mukha nito. "What happened?" pinaglipat-lipat nito sa kanilang dalawa ang tingin.

"Of course, you're knight in shining armor to the rescue," sarkastikong wika ni Rolf, ang sakit ay mas naging banaag sa mga mata nito. "I wish you both all the luck," he said mockingly before marching away from them.



Sinundan niya ito ng malungkot na tingin. Muli siyang napaiyak sa kinahinatnan ng lahat. Lumapit si Cram at niyakap siya ng may pang-aalo. Tuluyan na siyang napahagulgol. "You're right, Cram, I love him. I love him so damn much," she sobbed on his shoulder.

Sana ay nasabi niya rin iyon kay Rolf. 

***

Konting chapters na lang this is almost finish :)

What do you think of this chapter?

Don't forget to comment and vote. It will be highly appreciated. Please add/follow my Facebook account for updates on new chapters:

https://www.facebook.com/aji.lyndonwp.3

Here's the link for my Wattpad profile. Please feel free to follow for more stories in the future:

https://www.wattpad.com/user/AjiLyndon

Thank you! <3 

[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Where stories live. Discover now