🍦 fifteen 🍦

63 1 1
                                    

Tinley

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi akalain ni Tinley na nagtatagal na pala siya sa Bayan ng Luntian. Marahil ganoon talaga kapag masaya ka at kasama mo ang mga taong mahal mo sa buhay. Waring mas mabagal pang dumaan ang mga taon na wala si Rolf sa buhay nila kaysa sa mga nakaraang araw.



 Unti-unti niyang nakita kung bakit doon nagustuhan ni Rolf tumira. Minsan na nitong naikuwento na aksidente lang itong napadpad sa lugar na iyon habang naghahanap ng matitirhan, but the scenery and the people's hospitaly made him stay. 



Made him changed.

Isang gabi ay dinala siya nito sa garden nito sa labas ng malaki nitong bahay. Pinagmalaki nito ang mga halaman at bulaklak na ito mismo ang nagtanim. Proud na proud siya dito. Tila isang maliit na paraiso iyon. Lalo na kapag gabi habang lumilipad ang mga alitaptap sa hangin.



Katatapos lang nila kumain at naglabas dito ng kumot si Rolf upang ilatag at kanilang higaan. May dala din itong wine. Animo nasa isang romantic date sila habang nakatunghay sa langit na puno ng mga bituin.



"Ngayon lang ako nakakita ng ganito kadaming bituin sa buong buhay ko," sambit niya habang nakahiga sila ni Rolf sa may kumot. Nagkukuwentuhan sila tungkol sa lahat ng nangyari sa binata nang dumating ito sa Luntian. Siya ang nag-request niyon. She wanted them to catch-up with each other's lives. Nais niyang maging malapit silang muli sa isa't isa.



Nilinga siya nito. "Iyon ay dahil puno ng polusyon sa Maynila. At dito ay halos wala. It's one of the reason why I fell in love with this place. Tahimik at simple ang buhay. Mababait din ang mga tao rito..."



Hindi man nito sabihin ay batid niyang napamahal na dito ang lugar, nauulinigan niya iyon sa tinig nito. "B-babalik ka pa ba sa Maynila? Titira ka ba ulit kasama namin?" Nag-aalangan man siya na itanong iyon dahil sa pangamba sa magiging tugon nito ay ginawa pa rin niya.



Mabuti nang alam niya.



"I love this place, Tinley...but I love you more."



Napabangon siya sa sinabi nito. "A-Anong sabi mo? M-mahal mo—"



Tumayo din ito ngunit naging mailap ang mga mata. "I said I love this place, Tinley," ulit nito.



"U-Ulitin mo ang sunod mong sinabi pagkatapos 'yan."



"What? That I love you...ikaw at si Tita Yda?"



Natigilan siya. Tama siya ng rinig sa sinabi nito, mali lamang ang pagkakaunawa niya. Plural ang paggamit nito sa salitang you. Pero bakit nakadama siya ng pagkadismaya? Na tila ba umaasa siya na may espesyal na damdamin sa kaniya si Rolf kaya nito sinabi iyon...



"Let's dance," suhestiyon nito.



"Huh?"



"Ang sabi ko, magsayaw tayo," ulit nito.



"W-Wala namang kanta, Rolf," tutol niya. Anong pumasok sa isip nito at naisipan nitong bigla na magsayaw sila?



Ngunit tumayo na ito at hinihila na rin siya patayo. "Hindi 'yan problema, kakanta ako."



Natawa siya. Mahusay sa pagguhit si Rolf, pero alam nilang dalawa na wala itong ka-tale-talento sa pag-awit.



"Patay tayo dyan. Naku, manahimik na lang tayo," biro niya.



[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora