🍦 twelve 🍦

62 2 1
                                    

Tinley

"You've got to be kidding me, hindi tayo sasakay diyan!" nanghihilakbot niyang bulalas nang makita ang puting kabayo na inilabas ni Rolf sa kural.


"Why? Natatakot ka ba? Mabait itong si Snoopy, 'di ba?" Hinimas pa ni Rolf ang magilas na kabayo habang hawak ng isang kamay ang renda nito.


Snoopy? Naalala niya na iyon ang paboritong character sa comic ni Rolf noong bata sila. Pero parang hindi yata bagay na ipangalan dito iyon. Snoopy is cute, this one is...huge. "Maglalakad na lang ako."


"Malayo ang pupuntahan natin, Tinley," protesta nito.


"I don't care. I'm healthy and young. I can walk. Baka 'yan pang kabayo mo ang ikamatay ko. Kaya maglalakad na lang ako," mariin niyang wika.


Napapailing na hindi na umapela pa si Rolf sa kaniya. Sumampa na ito kay Snoopy at pinalakad ito ng mabagal. Nagpapasalamat siya na hindi na nito iyon pinilit pa. Ngunit pagkatapos ng treinta-minutos ay minumura niya na ito sa isip niya.


Lalo na nang matapilok siya isang ugat na nakausli sa daan. Na-out of balance siya at bumagsak sa may lupa. Mabuti na lang puno iyon damo. Hindi gaanong masakit.


"Tinley!" Sa isang iglap ay nasa tabi niya na si Rolf. "Are you okay?"


Napaupo siya sa may damuhan. Makirot ang tuhod niya. Hinawi niya ang palda at nakitang may sugat iyon. Hinipan niya iyon dahil nararamdaman niya ang hapdi.


"Sinabi ko na kasi sayo na sumakay na lang tayo kay Snoopy. Ayan tuloy."


"Nasaktan na nga 'yung tao, sinisisi mo pa," angil niya dito.


Bumaba ang ulo nito at hinipan ang sugat niya. Mas okay 'yun kaysa sa pag-ihip niya. Mas malakas, ngunit may pagsuyo. Anlapit ng ulo nito sa mukha niya at nasasamyo niya ang lalaking-lalaki nitong amoy. It stirred something inside of her.


Nang mag-angat ito ng mukha at nginitian siya ay para siyang nabulag sa tingkad ng ngiti nito. "You're as clumsy as ever."


Napamulagat siya. Ngayon niya lang kasi mas natitigan ng malapitan si Rolf. Mas makisig pala ito sa malapitan. The stirring inside her turn into a molten liquid. Bumaba ang tingin niya sa labi nito na may butil-butil ng pawis sa itaas. 


Napalunok siya.


Jusko, Tinley, ano bang nangyayari sa'yo? Parang nagsisimula ka ng maging makamundo sa harap ni Rolf. Umayos ka nga! kastigo niya sa sarili na mariing pumikit. Dapat ay umiwas siya sa tukso. Bestfriend niya si Rolf, bestfriend!



"May masakit pa bang iba sayo?" nag-aalala ang tinig na tanong ni Rolf.



Nang imulat niya ang mga mata ay nakakatitig din ito sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Ngunit sa ilalim niyon ay may iba pa. Hindi niya nga lang maintindihan kung ano. But it was intense.



"N-No. Everything is fine." Aside from my nerves.




Kumuha ito ng panyo sa bulsa at itinali sa tuhod niya. "'Wag ka ng makipag-away sa akin, okay? Isasakay kita kay Snoopy. Hindi kita paglalakarin sa lagay mong 'yan. Kapag tumanggi ka, I'll spank you, sweetheart."



Nag-init ang pisngi niya sa narinig. May kung anong imahe ang pumasok sa isip niya nang marinig ang salitang spank. Tinaboy niya agad iyon sa isip. Again, hindi siya dapat nag-iisip ng ganoon!



Binuhat siya ni Rolf at maingat na isinakay kay Snoopy. Wala naman siyang naramdamang protesta mula sa kabayo. Mukhang train na train ito. Hindi tulad ng inaasahan niya ay behave naman pala ito. Iyon ang una niyang beses niyang makasakay ng kabayo kaya normal ang takot niya kanina, pero ngayon ay mabilis namang napanatag ang loob niya.



Hanggang sa sumakay din si Rolf sa likod niya. Kinuha nito ang renda sa harap niya at dahan-dahang pinatakbo si Snoopy. Hindi mapigilang magkiskisan ang likod niya at ang dibdib nito. Nakita niya na ang katawan nito, pero iba pala ang maramdaman iyon. Matigas ang mga muscles ni Rolf. Iniiwasan man niyang mapasandal dito ay hindi talaga puwede lalo pa't hindi naman concrete ang dinaraanan nila.




It shouldn't be a problem. But the friction sends unexpected desire inside her body. Huwag nang idagdag pang yakap-yakap na siya nitong maituturing. Nakaramdam siya ng pag-iinit na walang kinalaman sa sikat ng araw.



Ang akala niya kanina ay dapat siyang matakot kay Snoopy, mas dapat pa pala siya matakot sa sarili niya. 


At sa epekto ni Rolf sa kaniya.


**

What do you think of this chapter?

Don't forget to comment and vote. It will be highly appreciated. Please add/follow my Facebook account for updates on new chapters:

https://www.facebook.com/aji.lyndonwp.3

Here's the link for my Wattpad profile. Please feel free to follow for more stories in the future:

https://www.wattpad.com/user/AjiLyndon

Thank you! <3 



[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα