🍦 six 🍦

90 2 0
                                    


Rolf

"Ba't di ka pa natutulog, Rolf, hijo?"

Nag-angat ng tingin si Rolf mula sa ini-sketch sa kaniyang sketch pad. Napangiti siya nang makita si Tita Yda na pababa ng hagdan. Nasa kusina siya at mag-aalas-dose na ng hating-gabi. Naupo ito sa may tapat niya.

"Kayo ho ang bakit hindi pa natutulog? 'Wag ho kayong magpuyat, kagagaling niyo lang ng ospital."



Iwinasiwas ni Tita Yda ang kamay. "Naku, isa ka pa. Para kang si Tinley magsalita. Nagka-bukol lang naman ako. Ni hindi nga dumugo. 'Wag nga kayong masyadong nag-aalala sa akin."



Kinuha niya ang kamay nito at masuyong pinisil. Labis ang takot niya habang nagmamadaling lumuwas ng Maynila para makita ito. Ang akala niya ay mawawalan na naman siya ng magulang sa pangalawang pagkakataon. "Hayaan niyo na kami. Normal na sa mga anak ang mag-alala sa magulang."





Gumanti ito ng pisil sa kaniyang kamay. Halatang nasiyahan sa narinig. "Na-istorbo yata kita sa trabaho mo."




"Hindi naman ho ako nagtatrabaho, nagpapa-antok lang. Namamahay lang ho ako ng kaunti. Antagal na rin ho ng huli akong natulog dito. Saka sobra hong linis ng kuwarto ko, nakakapanibago."




Natawa si Tita Yda sa biro niya. "Narinig ko na nagtatalo na naman kayo ni Tinley sa itaas."




Umangat ang kilay niya sa sayang nakikita sa mga mata nito. "Oh ba't ho parang ansaya niyo pa Tita?"




"Nakaka-miss lang. Parang katulad lang ng dati. Walang araw na hindi kayo parang aso't pusa." Tumayo na ito bago pa siya makasagot. "Teka at ipagtitimpla na kita ng gatas bago ako umakyat."




Tumayo siya at niyakap ito ng mahigpit. "Salamat Tita."




Gumanti rin ito ng yakap at nagtimpla na ng gatas. Nang umakyat na ito sa itaas ay bumalik sa isip niya ang mga sinabi nito. Tama ito, nakaka-miss nga 'yung dati. 'Yung tipong simple lang ang buhay nilang tatlo.



Kompletong-kompleto ang araw niya dahil naroon lang si Tita Yda at Tinley na abot-kamay niya. Tila tukso na bumalik ang diwa niya sa nakaraan...




"Good morning po, Tita," bati niya kay Tita yda. Naabutan niya ito na kasalukuyang naghahanda ng kanilang almusal. Nilapitan niya ito at yumakap mula sa likuran. Hinagkan niya din ito sa pisngi.





"Gising ka na pala! Good morning din," ganting-bati nito. "Dinalhan kita ng cookies sa kuwarto mo kagabi. Iniwan ko sa may lamesa sa likuran mo. Nakain mo ba 'yun?"




"Siyempre naman po. Ako pa, may palalagpasin bang cookies 'tong sikmura ko? Lalo na kung niluto ng pinakamagaling na baker sa buong mundo?" nakangisi niyang eksaheradong sabi. Tuwing gabi kapag alam ni Tita Yda na magpupuyat siya upang tapusin ang isang trabaho ay hindi pwedeng hindi ito nag-aakyat ng pagkain sa kuwarto niya. Kaya nga mahal na mahal niya ito.





"Mabuti naman," nasisiyahang wika nito. "Gising na ba si Tinley?" tanong nito na tiningala ang kisame.





Tumango siya. "Ginising ko na  po. Nananaginip pa nga tungkol sa Cram niya habang naglalaway sa unan niya. Yuck. Inis na inis pa sa akin ng istorbohin ko ang pangangarap niya sa rakistang iyon.  Akala mo kung sinong gwapo," nasusuya niyang reklamo.





Natawa lang si Tita Yda. "Hayaan mo na ang bestfriend mong 'yun. Harmless naman ang paghanga niya sa lalaking iyon. Lahat naman ng babae ay may isang lalaking nagiging crush sa buhay nila at nagiging inspirasyon."






[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Where stories live. Discover now