🍦 two 🍦

119 1 0
                                    


"To say I miss you is an understatement."
-unknown

***

Tinley

"I'm so glad to be back. Nakakapagod ang pagto-tour..." reklamo ni Cram sa kaniya habang nasa mesa sila sa labas ng isang sikat na restaurant.

"But you loved every minute of it," she said knowingly, dinampot ang kape at humigop.

Ngumisi lang si Cram.


"So what's new with you?" tanong nito kapagkuwan.

"Wala naman."


"Boyfriend?"


Umikot ang mata niya. "Walang time."




"Walang space kamo sa puso. Hininhintay pa kasi si Rolf para punan 'yan," tukso nito.


Natahimik siya. Kunwari na lang ay hindi niya narinig iyon.


"Can you see that star?" anito habang may itinuturo sa kalangitaan. Sakay sila ng isang ferris wheel at kasalukuyang nasa pinakatuktok. Waring kaylapit-lapit ng mga bituin sa kalangitan.



"Alin diyan?"


"The biggest and the brightest one."



Hinananap ng kaniyang mga mga ang tinutukoy nito. natagpuan naman niya. "Anong meron sa partikular na star na 'yan?"


"That star reminded me of Kaia."


"Why?"


"Because she loves stars."



May nahimigan siyang lungkot sa ilalim ng masaya nitong tinig. Nang lingunin niya ito ay may kislap ang mga mata nito. She knew he was remembering the happy times with Kaia. "Talaga?"


"Yup. Nang unang beses ko siyang makilala, nakasuot siya ng star costume. And it was the first day of school. Would you believe that?"



Natawa siya, biglang nagkaroon ng interes sa kuwento nito.



"Some guys even tried to bully her. Inasar siya at sinubukang paiyakin dahil sa suot niya."




"Nagtagumpay naman ba sila?"



Umiling ito. "Nope. I cut in, eh," mayabang nitong sabi. humanga siya sa narinig.


Pupurihin na sana niya ito nang magpatuloy ito  sa pagkukuwento, "I cut in, so instead of bullying Kaia, they beat me up, instead. Nang walang kalaban-laban."



Napaawang ang bibig niya saglit, hindi inaasahan ang huli nitong sinabi. Then out of the blue, ay napahagalpak siya ng tawa.  Nananakit na ang tiyan niya at naluluha na ang kaniyang mga mata nang magawa niyang tumigil. "I'm sorry, I know I shouldn't laugh," paumanhin niya, pinapahid ang butil ng luha sa gilid ng mga mata.



"It's okay,' nakangiti nitong sabi, "I deserve it. Anyabang ko kasi noong bata ako. Feeling ko superhero ako."



"Nasobrahan ka lang siguro sa panunuod ng Superman."



"Batman, actually."



"So, what happened next?"



"Tulad ng sabi ko kanina,  those bullies  beat me up. Pero bago pa man ako mapuruhan ay dumating na si Kaia daladala ang isang teacher. Inawat sila at dinala sa GuYdance office. Pagkatapos niyon, Kaia and I became friends. We were inseperable ever since..."




[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα