🍦 three🍦

102 1 0
                                    


"The hardest thing is not talking to someone you used to talk to everyday." -unknown

***

Rolf

"Please, Rolf, consider. Mas ikagaganda ito ng career mo."

Minasahe ni Rolf ang likod ng leeg niya. Kausap niya ang kaniyang manager sa telepono sa kaniyang library. He was getting the tired of the boring conversation. Tulad ng lagi nitong ginagawa, pinipilit siya nito sa isang book-signing para sa bagong book compilation ng mga comic strips niya sa pahayagan.

Rolf appreciates his fans. Pero mas pinapahalagaan niya ang privacy at anonymity niya. "For the umpteenth time, Jethro, it's a no," mariin niyang wika.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin mula sa kabilang linya. Nais na lang matawa ni Rolf, stress na stress na siguro ang manager niya sa kaniya. "Bahala ka na. Kapag bumagsak ang carreer mo, 'wag na 'wag mo kong masisisi."

Natawa na siya ng tuluyan doon. Its Jethro's usual threat. "Sige na, magtatrabaho na ako bago pa bumagsak ang career ko."

Narinig niya pang napamura si Jethro bago niya binaba ang telepono.


Imbes na maupo sa lamesa niya at ituloy ang comics na ginagawa ay nanatili siyang nakatayo sa  bintana habang pinapanuod ang bilog na buwan. Its light cast an eerie glow on his garden. It makes even a tough heart go nostalgic. Kinuha niya muli ang cellphone at d-in-ial ang nag-iisang numerong kaniyang kabisado.


"Rolf, hijo?" natutuwang wika ng nasa kabilang linya.

"Kumusta na ang pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa?"

"Wala dito si Tinley, anak," ganting-biro ng babaeng tinuring niya ng ina.


Natawa siya. "Si Tita Yda talaga." Naupo siya sofa. Nakaka-relax marinig ang tinig nito pati ang mga kuwento nito tungkol sa mga bagay na ginagawa nito araw-araw. Kahit na nang nilisan niya ang tahanan nito, hindi naman siya nakalimot na regular na tumawag dito. Pakiusap niya lang ay huwag nang iparating pa kay Tinley.


"Teka, Rolf. Nakarinig ako ng kaluskos sa baba. Mukhang si Tinley na 'yun at nakauwi na," anito nang halos kalahating oras na silang nag-uusap.



Bumilis ang tibok ng puso ni Rolf. Nasasabik siyang marinig ang tinig ni Tinley, kahit hindi pa sila mag-usap. "P-Pwede bang huwag niyo nang ibaba ang telepono, Tita?"

"Kuu, ikaw talaga, na-mi-miss mo na siya, 'noh? Bakit 'di ka pa kasi umuwi dito ulit."




Napakamot siya ng ulit. Parang hindi niyo naman po alam kung bakit, Tita."



Natawa lang ito sa kabilang linya. Hula niya ay naglalakad na ito pababa ng hagdan.


Kabisado niya pa rin sa isip ang instraktura ng bahay na tinirhan niya nang napakaraming taon. Mayamaya ay gulat na nagsalita si Tita Yda sa kabilang linya. "Sino ka?! At ano ang ginagawa mo sa pader namin?"



Napabalikwas ng tayo si Rolf. Binundol ng kaba ang dibdib niya. "Tita? Ano hong nangyayari d'yan? Sagutin niyo po ako Tita! Tita?!"


Ang sunod niya na lang na narinig ay ang tunog nang tila may bumagsak na bagay.
"Tita Yda?!"


-0-

Tinley

"Anak, OA na 'tong ginagawa mong pag-aalaga. Nagkabukol lang ako sa ulo, hindi naman ako nagka-cancer," saway kay Tinley ng kaniyang ina nang tangkain niya itong muling subuan ng maliit na hiwa ng mansanas. Kalalabas lang nila ng ospital.




Nagkaroon ito ng bukol sa ulo nang magtangkang tumakas ang nanloob sa kanila at mabangga ang ina. Dahilan para bumagsak ito sa sahig at tumama ang ulo sa paa ng silya.



Napilitan siyang itigil iyon kahit pa ang gusto niya ay ang pagsilbihan pa ito. nais niyang bumawi dito. Binabagabag siya ng guilt dahil sa nangyari dito.


Alam niyang hindi niya kasalanan iyon subalit hindi niya maiwasang sisihin ang sarili tuwing naiisip niya na kung naroon lang siya ay sigruadong hindi mapapahamak ang ina... matanda na ito.

Ano ba ang laban nito sa taong nanloob sa kanila kanina?

"Hayaan mo na lang ako, Ma, please," pakiusap niya dito. Sa nangyari ay mukhang pansamantala niyang hind niya maiiwan ang ina nang hindi natatakot na muling maulit ang naganap kahapon. Paranoid na siya ngayon. Lalo na ng mabasa niya ang isinulat ng nanloob sa kanila sa pader ng kanilang bahay. Kinikilabutan, natatakot, nagagalit at naguguluhan siya tuwing naalala niya ang mga katagang isinulat nito gamit ang isang lipstick.



Narinig nila ang pagparada ng sasakyan sa labas. Sumilip siya sa bintana at nakita si Cram. Kagagaling lang nito sa may police station upang asikasuhin ang imbestigasyon tungkol sa panloloob sa kanila.





"Anong balita?" tanong niya dito. Nasa garden sila. Dinala niya na ang ina silid nito at inihiga sa kama upang makagpahinga. Naroon din sila dahil hindi nila gustong marinig pa nito ang kanilang pag-uusapan. Ayaw  niyang magpatuloy pa ito sa pag-alala. Ang alam nito ay simpleng panloloob lang iyon.


But she and Cram thought otherwise.





Dismayado itong napapailing. "Malabong mahuli ang gumawa nito sa Mama mo, Tinley. wala tayong lead maliban sa nakasulat sa pader at naalala ni Aling Yda."





"Eh, ang nangyari sa akin sa restaurant, hindi ba iyon makakatulong man lang?" desperado niyang tanong. 



Naniniwala sila  ni Cram na ang taong naka-motorsiklo at ang taong pumukpok sa kaniyang ina ay iisa. Parehong naka-suot na kulay violet na jacket ang dalawa. Pinagtibay pa niyon ang iniwan nitong mga salita para sa kaniya.





Muling umiling si Cram. "Hindi natin nakuha ang plate number ng motor, Tinley. Napakaraming tao sa pilipinas ang may ganoong motor at kulay ng jacket. Tila tayo naghahanap ng karayom sa dayami."





Frustrated siyang napabuga ng hangin. "Anong gagawin natin? We're just gonna let her or him get away like that?"




"At this point, we're at disadvantage, Tinley. Hintayin na lang natin na muli siyang umatake. We'll make a trap. Sa sandaling mangyari iyon, hindi na siya makakaligtas pa," determinado nitong sabi. "Maglalagay ako ng mga bodyguard para sa inyo ni Aling Yda para sa inyong proteksyon."





Awtomatiko ang pagprotesta niya, "You don't have to do that, Cram—"



"Tinley, just let me, okay?" sansala nito sa kaniya. "Alam nating dalawa na kasalanan ko ito. So please just let me."



"Don't say that,"saway niya dito. "Kailanman ay hindi ko naisip na kasalanan mo ito!"



He smiled a little. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Thank you..."






Gumanti siya ng ngiti at pagpisil sa kamay nito. Nasa ganoon silang tagpo nang tumunog ang doorbell. Sabay silang napalingon sa may gate. Nanigas ang buong katawan niya nang makita mula sa malalaking siwang kung sino ang nasa labas at nakatayo.





It was the guy she thought she would never see again. Ang lalaking bigla na lang nang-iwan sa kaniya ng walang paalam. Na buong paniwala niya ay hindi na muling magbabalik.



But Rolf did.



Na ngayon ay buong kaarogantehang nakatayo sa labas ng kanilang gate, his eyes as black as the fathomless stormy sea habang nakatingin ng masama sa kanilang magkadaop na palad.

[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Kde žijí příběhy. Začni objevovat