🍦 nine 🍦

57 3 1
                                    


Tinley

Pinahid ni Tinley ang mga luha sa kaniyang mga pisngi nang maulinigan ang mga yabag na paparating mula sa kaniyang likuran. Kasalukuyan siyang nasa may tabing-dagat. Doon siya dinala ng daang tinahak niya. Balak niya sanang umuwi, ang kaso'y hindi niya kabisado ang lugar. Nakuntento na lang siya na doon ilabas ang sama ng loob.



"Go, away, Rolf..." taboy niya dito.



"Ako ito, anak."




Napalingon siya nang imbes na tinig ng binata ay boses ng kaniyang ina. "Ma..."



Naupo ito sa may tabi niya. may dala itong jacket na inabot sa kaniya. Sinuot iyon. kanina pa kasi siya nilalamig. "Paano niyo ho nalamang narito ako?"




"Si Rolf. kabisado niya ang lugar na ito. alam niyang ito ang tutumbukin ng daan na pinasok ng sasakyan mo."




"P-Pag-aari niya ba ang tabing-dagat na ito?"




Tumango ang kaniyang ina.




She smiled bitterly. "Ang akala ko'y kilalang kilala ko na siya dahil sabay kaming lumaki. Tingnan mo naman ang nagagawa ng ilang taon...it made someone a stranger. Napakadami kong nalalaman sa kaniya ngayong araw pa lang na ito..."




"Isa iyan sa mga nais mangyari ni Rolf kaya niya pinilit na pumunta tayo dito, anak. He wanted us to get see all of this...his accomplishment. Upang malaman natin ang mga pinagbago niya."




Umiling siya. "Hindi ko kailangang makita ang lahat ng ito upang malaman kong nagbago siya, Ma."



"Bakit ba sinasarado mo ang puso mo sa kaniya, anak?"




"Siya ang umalis sa buhay ko, in the first place, Ma."



"Then give him another chance. Pagbuksan mo ulit siya ng pinto."



"Napakadali para sa inyo na sabihin 'yan Ma. May komunikasyon kayo nitong mga taong nagdaan. He reached for you, samantalang ako..." she heard her voice cracked. Kinagat niya ang labi, pinipigil na kumawala na naman ang iyak.

[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Where stories live. Discover now