"Parang kayo hindi ah."

"Hu wag mo iniiba ang usapan, hindi ko lang alam kung bakit hindi ka magustuhan niyang crush mo eh." sabi ni Karina.

"Oo nga bulag yata iyang crush mo." gatong naman ni Solaira.

"True!! Pila pila kaya ang mga nagkakagusto at manliligaw ni Addiosn!!"

"I suggest na lagyan mo na ng gayuma yung cake na binibigay mo kay Dayle para mapansin ka na talaga." natatawang sabi ni Maris.

"O kaya bigyan mo ng salamin!! Malabo na yata ang mata." sabi pa ni Karina

"O kaya inuntog mo sa pader para magising sa katotohanan." natatawang sabi ni Solaira.

Napiling naman ako sa mga suggestions nila, mga bashers. Nakita ko pang may idadagdag pang suggestion si Solaira kaya agad kong isinubo sakaniya ang tinapay.

"Ang sasama."





Nang matapos ang isang subject pagkatapos ng break time ay ang pe time namin. Ang pinaka ayaw 'kong subject!!!

"Okay, let's do the warmup!!" sabi ng teacher namin sa p.e.

Agad naman kaming nagsimulang magwarm up. Volleyball ang gagawin namin ngayon kaya agad akong kinabahan. Ayoko ng sports!!

Pagkatapos ng warm up ay pinaupo muna ang team C at team D dahil mauunang maglaro ang team A at B. Mabuti at team D ako kaya't pwede ko pang pigilan ang kaba ko.

Half court lang ang gamit namin at nagsimula na ang unang set. Kasama sa laro sina Maris at Solaira. Kami naman ni Karina ay magkateam, at nakaupo kami sa may pinakataas ng bleachers kaya kitang kita namin ang laro.

"Pre, ayoko naa." pagbulong ko kay Karina. Agad naman ako nitong tinawanan.

"Okay lang yan, ishake mo yung kamay mo at hampasin mo yung may malapit sa pulso mo kung saan papatamain ang bola. Effective yan promise!!" pagpapagaan ni Karina ng loob ko.

Agad ko namang ginawa ang sinabi niya habang pinapanood ang laro. Napatigil naman ako sa paghampas nang makita ang grupo ng estudyante na papapasok sa may court.

"Putcha, section 'yan nila Dayle diba!!" pagpapanic na bulong ko kay Karina, nakita ko namang ang dahan dahang pagtango nito.

Mas lalo akong nanlumo nang makita si Dayle kasama ang mga kaibigan habang papasok ng gym. He is laughing with his friends.


"Huy loko!! Anong gagawin ko?" nagpapanic na bulong ko.

"Huy kumalma ka lang Addison!!" natatawang sabi ni Karina sa akin.

Napatingin ako sa banda nila Dayle at nakita kong umupo rin ito sa may bleachers sa kabilang side. Lalo akong kinabahan nang makitang napasulyap ito sa akin.

"Okay, this is the last set." sabi ng teacher namin.

Sobra sobra ang kaba na dumaloy sa akin ngayon, naalala ko yung nangyari noon. Nadapa ako habang nagsposports tapos pinagtawanan ako ng marami!!

Naalala ko rin yung nangyari noon nung nagsako racing kami. Ngumudngod ako sa sahig!! Huhu.

Kung puwede lang mahimatay ako eh...

Aha!!!

"Psst Karina saluhin mo ko ha." bulong ko kay Karina.

Nakita ko namang nakakunot noo siyang napatingin sa akin.

"Addison, don't tell me na maghi--"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad ibinagsak ang sarili ko sakaniya.

"Letse ka Addie ang bigat mo!!" bulong sa akin ni Karina.

Hindi ko pinansin ang reklamo niya at mas lalo kong ihiniga ang sarili ko sabay pikit.


"Ms. Tanyo si Addison po!!!" rinig kong sigaw ng isang kaklase ko.

Hindi ko ito pinansin at mas lalong cinareer ang pagkahimatay himatayan ko. Narinig koang pagkapanic ng mga tao.


"Oh my gosh!! Dalhin niyo sa clinic!!!" rinig kong sigaw ng marami.

Narinig ko ang maraming pagpapanic ng mga kaklase ko. Napakalakas ng boses nila!!!

Alam nyo ba yung feeling na gusto niyo na umiyak sa sobrang hiya? Pucha!!! Nararamdaman ko na sa akin nakatingin lahat ng nasa court!!



"Ano pang inaantay niyo!! Boys!! Buhatin nyo si Addie! Bilis!! Pag yan namatay humanda kayo saken!!" naririnig kong pagkapanic na sabi ni Solaira. Tae.



"Tol ako na magbubuhat sakaniya."

"Hindi pre, ako na."

"Uy pre ako na."

"Ako na."

Gusto ko na dumilat nang mapansin ang biglang pagtahimik ng mga tao. Anong meron?

Pigil akong napatili nang naramdaman kong may bumuhat sa'kin. Buti at napigilan kong magreact masyado kung hindi ang laking kahihiyan nito.

Nang maramdamang naglalakad na ang bumuhat sa akin ay agad nang pumanatag ang loob ko. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago dumilat ng dahan dahan para kunwari ay kakagising ko lang.

Nang idilat ang mata ay gulat na gulat akong napatingin sa mukha ng taong bumuhat sa akin.



"D-dayle?!" pabulong na sabi ko.




Nakita kong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa harap. Agad naman akong napalunok, mas gwapo siya sa malapitan.

"D-dayle, ibaba m-mo na ako. Ako n-na magisa a-ang pupunta sa clinic." hiyang hiya na sabi ko pero di niya ako pinansin.

Pagkarating sa clinic ay agad ako nitong ibinaba sa higaan.

"Tsk, where's the nurse?!" narinig kong bulong nito habang tumitingin sa paligid.

"Wala yata yung nurse." sabi ko nang makitang wala talagang tao sa clinic.

Napatingin naman ako sakaniya nang makita itong binuksan ang pinto at umalis.

Ako naman ay umupo lang sa may clinic's bed at sumandal. Ang sarap talaga tumambay dito sa may clinic, ang lamig.

Napangiti naman ako nang maalala ang pagbuhat sa akin ni Dayle, omg!!! Nakakakilig!!

Napatigil naman ang pagmumuni muni ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad naman akong tumayo dahil baka ang nurse iyon.

Napalunok ako nang makitang si Dayle iyon. He is holding a water.

"Uhm?"

"Drink this."

Agad ko namang kinuha ang iniabot sa aking bote ng tubig at agad itong ininom. Nang makalahati ito ay napatingin ako kay Dayle. Prente itong umupo sa sofa ng clinic.


"T-thank you." nahihiyang sabi ko rito.

Napaiwas ako ng tingin nang makita itong sumulyap sa akin.

"Uhm? Di ka pa babalik sa court?"

"Sleep." sabi nito.

"P-pero baka hinahanap ka na sa court." nahihiyang sabi ko.

"I will not leave unless the nurse came by. So do what I am saying, sleep miss."






Rudely YoursWhere stories live. Discover now