Chrisianne

8 3 0
                                    

Sophie's Pov:

"Chrisianne." Nagulat kami ng sabihin yun ni Craige. Patay!

"A-ahh. C-craige it's not good to call Nads with her second name. Just call her Nads or Nadine." Nauutal kong pasabi kay Craige kasi kita kong masama at matalim na ang titig ni Nads sa kaniya.

Ayaw niya na kasing tinatawag siya sa pangalang yun dahil it reminds her of her tragic past.

Nag aalala naming pinagmasdan si Nads ng bigla itong yumuko at napapikit pagkatapos ay tumakbo na sa kwarto niya. Nads...

"What's with her second name?" Tanong ng boys at nila Jacky at Peachy na kapwa naguguluhan sa nangyari.

"Her second name reminds her of her tragic past na until now ay hindi niya makayang makalimutan." Naiiyak at nag aalala naming sagot sa kanila.

"Bakit? Anong meron sa past niya?" Tanong ni Peachy.

Nagkatinginan kami ni Desiree kung dapat ba naming sabihin or not. But we respect Nadine kaya hahayaan nalang naming siya na ang magkwento sa kanila kapag handa na siya.

"We're sorry guys. Hindi kami ang dapat na sumagot niyan. Basta just call her Nadine or Nads ok?" Sagot namin sa kanila na kahit nalilito pa ay nakaintindi naman at tumango na lang.

After the scenario kanina hindi bumaba si Nads para sa dinner kaya wala kaming magawa kundi magpahinga na lang din.

Kinabukasan bago kami pumasok ay nanood muna kami ng news sa tv sa sala about sa mortal world.

Nakasanayan na kasi naming makibalita sa nangyayari sa mga normal na tao.

Habang nakikinig kami ng balita sa tv ay nakita naming bumaba na si Nads wearing her uniform and pin. Ang ganda niya shet! Nakakatomboy!

"Panibagong biktima ng mga hinihinalaang sindikato ang nakita sa isang bakanteng lote at katulad ng mga naunang naiulat, hinihinalang ginahasa din ang biktima at binugbog naman ang kasama nitong lalaki na nakita sa gilid ng kalsada malapit kung saan naunang natagpuan ang babaeng biktima--" shet!

Pinatay ko na agad yung tv. Demonyo! Nakalimutan ko!

Dahan dahan kong nilingon si Nads kung saan siya nakatayo kanina pero paglingon ko ay wala na siya.

Tumingin ako kay Desiree na naka-kagat labi na lang. Ano ba naman to!

Dinala namin siya dito para makamove on pero mas lalo naman siyang hinahunting ng mga ala-alang kailangan niya ng tanggapin at kalimutan.

"What was that Sophie?! Kitang nanonod yung tao eh!" Inirapan ko lang si Air dahil sa pagrereklamo niya ng patayin ko yung tv.

"Tara na. Malelate na tayo." Sabi ni Desiree at nauna ng lumabas ng dorm na sinundan ko naman.

Revee Academy (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu