Transferees

10 0 0
                                    

It's our 5th day here in Revee Academy and 2 days after kong magising sa headmaster's office at 2 days after dumating ng apat na transferees.

Ngayon ay nasa Everly kami ng mga Reveeles at kasama namin ngayon ang mga transferees.

Ito daw ang tambayan nilang magkakaibigan. At dahil parte na daw kami ng circle of friends nila ay malaya na din kaming makakalabas-pasok dito anytime. Like they do.

Nakakahiya nga e. Pero sabi nila huwag daw kaming mahiya dahil ayaw nila ng ganun. Pawalang-hiyaan daw kami dapat. Mga buang.

"Ang boring naman na picnic to." Buryong angal ni Wind habang nakaupo siya sa picnic blanket na ginamit naming sapin para makaupo sa damuhan nitong Everly garden nila.

"Imbes kasi umisip ng pwedeng magawa.. puro kahanginan lang ang laman ng utak mo porket yun ang Revee mo." Singhal ni Sophie sa kaniya na ikinatawa namin.

Nilingon siya ni Wind na may madramang ekspresyon sa mukha at may pahawak-hawak pa siya sa dibdib niya na parang nasaktan ng sobra sa sinabi ng kaibigan namin.

Napailing na lang ako. Magbabangayan na naman yang dalawang yan.

"Excuse me?!"

"What?"inosenteng tanong ni Sophie sa kaniya.

Hindi ko na sila inintindi pa.

Tumayo ako at naglakad papunta kay Clea at Bianca na kinakawayan akong tumabi sa kanila na nakaupo sa bench sa ibaba ng puno.

"Hello Nads!" Bati ni Bia sa akin na nginitian ko lang ng tipid.

"How are you?" Tanong ni Clea na masuyong hinihimas ang buhok ko. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"What do you mean?" Sa halip na tanong ko sa kaniya.

"I mean is gusto ko lang kamustahin yung buhay mo bago ka pumasok dito sa Academy. Narinig ko kasi na transferee ka din daw." Sagot niya.

"Ayos lang. Nakakaya dahil kasama ko naman lagi sila Desiree at Sophie." Sagot ko.

Sila Sophie at Desiree ang tumayong mga magulang at kapatid ko ng mawala sila ate at ng maglayas ako sa bahay.

"Ang pamilya mo?" Tanong naman ni Bia. Natawa ako. Interview ba to?

"Matapos... Lumayas ako sa amin pagkatapos ng isang aksidente." Sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanila dahil pinipigilan kong magbreakdown.

"Anong aksidente?" Napalingon kami kay Terro dahil sa tanong niya. Lahat sila lumingon sa gawi namin.

Ngumiti ako ng tipid sa kanila. Makakaya ko bang i-kwento sa kanila?

"Long story. To summarize, my sister and my boyfriend--"

"Had an affair?!" Exaggerated na reaksyon ni Wind na nginiwian namin nila Des.

Binatukan naman siya ni Sophie. Akmang gagantihan niya ito ng magsalita ako.

"Died. They were killed." To save me.

Napasinghap silang lahat ng marinig ang sinabi ko.

Desiree and Sophie are eyeing me. Alam nilang any minute I would breakdown reminiscing that tragedy.

"I'm sorry to ask--" I raised my right palm slightly to make Terro stop.

"It's alright. Tanggap ko naman na." Lies.

"Aww. Ka-proud ka naman. Ang tapang mo Nads!" Puri sa akin nila Iron na obvious namang pampa-gaan lang ng atmosphere.

"Thank you." Wika ko.

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now